Random

33 1 0
                                    

Lunch na. Naisipan kong isabay si Jenny since parehas lang naman kami ng school. Nagpaalam muna ako kina Kylie at Zean na sasabay kay Jenny.

"So how's class?" asked her.

"Ayos lang. Pinapagawa kami ng report ng teacher namin sa Science. Paturo naman ako ate. Please." She pleaded

"Of course tutulungan kita. Before that, san mo ba gusto kumain?" Tanong ko sa kaniya. Buti na lang may naipon pa ako, naisipan kong kumain kami sa labas ni Jenny.

"Wag na ate. Ipunin mo muna yan."

"Aba, arte pa netong kapatid ko. Alam ko na."

We walked to McDo kasi parehas naming favorite yon at malapit lang.

Nagorder na ako ng kakainin naming dalawa. Nagkwentuhan naman kami ni Jenny about sa kung anu-ano. Habang nasa main gate kami pabalik ng school nakasalubong ko sila Kylie.

"Uy. Wala daw tayong class." Sabi niya.

"Na naman? Napapadalas na yan ha." Taka ko.

"Ayaw mo non? Tara, pasyal muna tayo." Aya ni Zean.

"Saglit lang hatid ko muna tong si Jenny." Sabi ko. Tumango naman sila at sumama naman sila.

Napasyal kami rito sa may mall malapit sa school. Para siyang tiangge-an pero may arcade at mga stores din. Dumiretso kami sa may kareokehan. Habang nagkakantahan, nagkakasiyahan nakikita ko sa may side na mirror may tumitingin sa akin, tiningnan ko rin siya. Nagulat ako nung siya ang nakita ko. Nagkangitian kami.

🎶But you put on quite a show

Really had me going
But now it's time to go
Curtain's finally closing
That was quite a show
Very entertaining
But it's over now

Go on and take a bow🎶

Nakaraming kanta kami hanggang sa naubusan na kami ng points at bumalik na sa school. Kung bakit ba kasi ang prof pagkatamad tamad, hindi pinapasukan yung subject. Again, laboratory kami.

"Oh, change partners muna tayo. Boys dito sa right side, girls sa left side naman. Once I call your name sit here and so on."

Daming ek ek ng prof na to. Okay nako kay Kylie. "Nako, sana si Rye makapartner ko." Bulong naman niya. Napatingin naman ako sa kaniya. "What? Matalino naman siya at pogi pa. San ka pa diba?"

"Ugh, oo na lang." Napairap ako. "Seryoso kang crush mo yan?"

"Valentino, Rye." Tawag nung prof namin.

"Oo, naman beshy. Bakit di ka ba naaattract sa kaniya?" Tanong niya.

"Hindi no." I cringed

"Nacino, Kylie ." Tawag ulit nun prof.

Nagulat siya at binulungan ko "Nako ingat siya sayo." Natawa naman siya at nag three finger salute saka tumabi na kay Rye.

Hay nako, tagal ko namang matawag. Kita mo tong mga babaeng impakta kung makatingin kay Kylie parang gustong patayin kaibigan ko.

"Garcia, Zean and Reyes, Gina"

WTH? So don't tell me kami na naman ni "And last Montes, Sky and Gomez, Raquelle" tumingin naman siya sa akin at kumaway pa.

Pumunta na ako sa table namin.

"Nice, tayo ulit." nakipagbrofist siya, syempre ako rin. Nginitian ko siya.

"Okay, let's start. First, identify niyo muna kung anu ano ang mga chemicals base sa kulay ng flames nila na nandito sa table ko. Ang magpartner na may pinakamaraming maidentify ay may plus sa long quiz. So, I'll give you 10 mins to review." Explain ng prof.

Not So Popular GirlWhere stories live. Discover now