Chapter 2: The Beginning

9.3K 209 46
                                    

This Chapter is dedicated to
lonieve
Maraming salamat sa supporta at sa nakakatabang pusong mensahe iyo. :)


See video attached 👇👇👇











----------------






Teiph's POV







3 taon na ang nakalipas, at sa loob ng 3 taon hindi namin akalin na muling sisiklab ang gulo. Ang akala naming tahimik na buhay ay mali pala. Ang hindi namin inaasahan ang isang pangyayari na gumulo sa aming lahat. Tahimik na kami, nanahimik na kami. Bakit kailangan pa kaming guluhin? Bakit? Dahil sa pangyayaring iyon lahat na pangarap namin ay nasira. Ang akala naming tapos na ay hindi pa pala. Ito pa pala ang simula ng lahat. Simula ng bagong gulo, muling dadanak ang dugo. Kapag naalala ko ang nangyari 1 taon na ang nakalipas, hindi ko mapigilan ang mapaiyak, hindi ko mapagilan ang magalit ng tindi. Mahirap tanggapin ang pagkawala niya. Bakit? Bakit? Ang sakit sakit.












Hindi ko masisisi si Tory kung bakit siya nagkaganyan. Dahil kahit ako, kahit ang mga kasamahan ko ay hindi nila matanggap. Nanligid ang mga luha ko sa mga naalala ko sa lahat na nangyari. "Noona?" Untag sa akin ni Xylanz. Ngitian ko lang siya ng may pait sa aking mga labi. Hindi ko magawang ngumiti ng totoo. Niyakap ako nito. "Noona, I miss her, I miss Noona Tory so much." Umiiyak na sambit nito, pinigilan kong kumawala ang isang hikbi, kailangan ako ngayon ng kapatid ko. Kailangan namin ang isa't-isa. Tory, please bumalik kana. Hindi mo man kami kailangan pero ikaw, kailangan ka namin. "Cous? Let's give her a time." Ani ni Athena. Napabitaw ako ng yakap kay Xylanz at hinarap si Athena. Naningkit ang mga mata kong nilingon siya. "Time? Bullshit! Hanggang kailan Athena? Hanggang kailan? Hindi lang siya ang nagluluksa! Lahat tayo nagluluksa! Lahat tayo nasasaktan! Damn it! 'Wag niya naman tayo iwan sa ere!" Bakas sa boses ko ang galit na saad ko sa kanya. Napatakbo papunta sa amin ang mga kasamahan namin. Pinunasan ko ang mga luhang nag-unahan sa pagdaloy. "Hanggang kailan tayo maghihintay sa kanya? Kung nasasaktan siya, nasasaktan rin ako. Hindi ko na siya maintindihan. Hindi na siya ang Zary o Tory na kilala nating lahat. Kaya 'wag na kayong umasa na babalik pa siya, ang kilala nating Zary/Tory." Nakita kong natigilan sila sa sinabi ko. Humakbang na ako papuntang hagdan. Hindi ko alam kung bakit nasabi ko iyon, sa loob-loob ko ay umaasa rin na sana ay bumalik na siya sa amin. Nakakatawa lang parang niloloko ko lang iyong sarili ko. Nanggaling pa sa akin mismo ang mga salitang iyon, pathetic. Tumigil muna ako pero hindi ko sila nilingon. "Xylanz, pasukan niyo na bukas kaya maghanda kana." Malamig na turan ko kay Xylanz at saka ko sila tuluyang iniwanan.












Sinirado ko ang pinto at saka napaupo sa may pintuan sapo ang dalawang palad. Doon ko lahat inilabas ang iyak ko. Bakit nangyari ito sa amin? Hindi pa ba sapat ang nangyari ilang taon na ang nakalipas? Kulang pa ba ang nangyari noon? Nawalan na nga kami pati pa ba naman si Zary ay mawawala sa amin? Ibang-ibang Zary ang nakaharap ko kanina. Dahil sa nangyari isang taon na ang nakaraan, lahat nagbago na, lahat na masasaya na samahan namin ay parang bula na bigla na lang nawala. Nag-iba na si Zary, mas naging Cold ito, walang awang pumapatay, walang sinasanto, mas nakakatakot, mas naging emotionless. Naging brutal. Sa pag-alala ko sa nangyari 1 taon na ang nakalipas ay nakatulog pala ako.













"Ang ganda mo sis! I'm so happy for you!" Masayang saad ko kay Zary. Ngumiti ito, ngiting totoo at masaya. "Salamat sis, ang ganda mo rin. Sighed! Sana tuloy tuloy na ito noh? Yong walang gulo? Iyong masaya at tahimik ang lahat." Ani nito, napangiti ako sa kanya. "Pssh. Huwag ka ngang mag-isip muna ng ganyan. Ano ka ba, this is your day, bawal ang umiyak, bawal ang magdrama, dapat maging masaya tayong lahat. Ikakasal kana, sis!" Masayang turan ko sa kanya at saka siya niyakap ng mahigpit. She hug me back.










CPTV Book 2: Coldest Queen (The New Battle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon