Oh Aking kaibigan

1.9K 35 35
                                    

Paalala:
Ito ay orihinal na gawa. Bawal ang pladyarismo at ang pagpasa ng gawa nang walang pahintulot sa may akda. Salamat.
~.~
Elehiya para sa isang kaibigan.
Sukat: Lalabindalawahin

Oh aking minamahal na kaibigan
Kay tagal na n'ong huli nating usapan
Kay raming kwentong gusto kong pagkwentuhan
Bagkus sa kaalamang, iyong nilisan

Oh aking kaibigan! Ako'y nalumbay
Noong ikay lumisan sa aking buhay
Bitbit mo ang ating mga alaala'y
Pakiwari ay musmos na sulat kamay
Di mawari kaya naging walang saysay

Oh aking kaibigan! Hilingin ko man
Sa Panginoon na makatotohanan
Na maibalik ka kung nasaan ka man
Nang masabi'y lihim na nararamdaman.

Oh aking kaibigan! Kay huli ko na
Ako'y iyong iniwan na nagdurusa
Kay tagal ng damdami'y pilit tinago.
Nanatiling lihim, ngunit di naglaho

Oh aking kaibigan! Wag mo 'kong iwan
Hinahaplos ang 'yong puntod na luhaan
Hinihiling na ako'y iyong tabihan.
At Yakapin ng mapasawalang hanggan.

Elehiya (All souls Day Special) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon