#TMUS01
Verse I.
"Lacap, Paul"
"Lacap, Paul"
"Mr. Lacap are you listening?!"
Napatingin ako sa Professor kong si Mr. Lagman mula sa pagkakatitig ko sa bintana ng aming silid-aralan. Di ko narinig ng ilang ulit ang kaniyang pagtawag sakin dahil nakikinig ako ng mga paborito kong tugtog sa Android Phone ko.
"Yes Sir?" Agad kong tinanggal ang earphones ko at tumugon sa pagtawag niya sa pangalan ko. Ngunit hindi na yata maganda ang mood niya dahil hindi ako nakikinig sa kanya habang nag aattendance siya.
"Ilang beses ko ba na ipapaalala na walang gagamit ng Cellphone during class?" Pagalit na sabi ni Mr. Lagman.
"Sir Lagman, di ko naman po napansin na dumating na po kayo dahil nakatingin lang ako sa bintana at nakikinig ng kanta." Walang kwentang dahilan pero totoo na nakatingin lang ako labas. 1 week na din matapos ang Opening ng Class and Im an Irregular Student at Taguig City University. Bilang eto ang ika-una kong taon sa Kolehiyo, kailangan kong mag adjust sa paligid ko specially sa mga tao na makakasalamuha ko sa buong 4 na taon na pag aaral ko sa Unibersidad na ito.
By the way, i'm Paul Lacap and i'm 19 years old. Tulad ng una kong sinabi, ako po ay kasalukuyang nag aaral sa Taguig City University as a First Year Education Student.
Napakasaya maging College Student sa ilang kadahilanan. Kahit na nagsisimula palang ang journey ko sa College, masasabi ko na magiging masaya at exciting ang College Life. Bilang isang First Year Student, syempre mangangapa pa tayo sa paligid natin. Pagpasok ko sa una kong subject noong first day, History kaagad ang unang nakahain na subject sa akin. Paborito ko ang History simula pa noong elementary ako. Gustong gusto kong malaman ang mga naging pangyayari sa nakalipas na mga panahon.
Wala akong kilala sa Klase, kaya umupo ako sa pinakasulok ng Kwarto at Nakinig nalang ako ng Music sa Cellphone ko at dumungaw sa bintana. Nakakarelax ang makinig ng Awitin lalo na kapag pakiramdam ko na mag isa lang ako.
Antagal dumating Prof namin sa History at pinagmamasdan ko lang ang mga kaklase ko sa subject ko ngayon. Maaayos naman silang tignan, may mga magkakakilala na din, meron naman na nasa sulok lang din katulad ko at meron naman na sadyang napakatahimik tignan.
"Good Morning Class" sambit ng Professor na pumasok sa kwarto namin.
"I am Professor Lagman, and i'll be your History Professor for the First Semester." Dagdag pa nito.Bilang isang mabait na estudyante, tinanggal ko ang earphones na nakalagay sa aking Tenga at nakinig sa diskusyon sa klase. Napag isip isip ko na parang nakakaboring yung mga pinagsasasabi ng Prof Lagman na iyon, o baka dahil unang araw palang kaya wala pang masyadong topic about sa History.
Week passed by, i mean 1 week haha. Eto buhay estudyante na talaga dahil start na ng actual class at discussions. Hanggang ngayon wala pa rin akong kakilala sa classroom namin. Hindi ko alam kung ako ba o sila ang may problema, pero sa tingin ko ako. Iisa lang ang routine ko sa Klase, Papasok > Uupo > Soundtrip habang wala pang Prof > Makikinig sa Discussion kapag nagsimula na > Uuwi. 5 times a week ganon ang Routine ko at di ako nagsasawang ulit ulitin iyon.
"I Am Nobodys Friend", pinapasok ko sa utak ko ang kataga na yan sa tuwing naiisip ko na walang gustong makipag kaibigan sakin. Pero as the days passing by, unti unti nakong nakikipag usap sa mga kaklase ko. Jackpot na siguro kung makakakilala ako ng taong tatagal saakin. Nakilala ko si Charles nung minsan na pumunta ako sa Canteen at nakita ko siya na nakaupo mag isa sa isang bench. Tinabihan ko sya at nagsimulang tanungin.
"Wala kang Klase ngayon?"
"M-meron, kaso wala akong assignment sa Chemistry kaya di nalang ako papasok." nahihiya na sagot ni Charles.