A Fake Sky Again?

3 1 0
                                    




[Third Person]

Sa rooftop ng mansion nila Ice, doon nya kasama si Sky na ngayon ay kinakausap nya para kumpirmahin ang isang bagay.

Mapunta muna tayo sa kabilang dako, sa kanilang headmaster.

Kasalukuyan syang nasa Lychnus ngayon para dinggin ang kanilang kaso.

"Volt, nalaman ko kay Eagle na kayo ang unang nanlait sa kanilang grupo" sabi ng isang miyembro ng council na si Jackson.

"A racial discrimination? The hell I dont know about it!" Depensa nito matapos basahin ang gawa-gawang sulat ni Eagle.

"But Eagle told me that this letter was came from your university"

"It is just a fake letter. Di nyo ba nakita ang possibility na baka gusto lang kayong linlangin ni Eagle?"

"Maayos naisagawa ang letter na ito" sabi ng head ng council na si Detron para sumingit na rin sa tumataas na tensyon sa loob ng hall.

"Hindi ganyan ang penmanship ko, verify the penmanship, tignan natin kung kanino sa 'min ni Eagle ang may penmanship na ganyan" sabi nito. Agad namang kumilos ang council.

"Ipasuri ang sulat na ito sa lab and verify whose penmanship is this" bulong ni Jackson sa secretary ng council at agad namang kinuha ang sulat at lumabas ng hall.

"This counciling is adjourned" sabi ng head at nagalisan na bawat isang council member.

"Saglit lang!" Pagpigil ni Volt kaya naman napatigil ang lahat at bumalik sa kanilang upuan kanina. "Alam nyo ba ang tungkol sa maalamat na libro ng majika?" Tanong nito.

"Oo, nahati ito sa dalawa pero wala ng nakakaalam kung nasaan ito" sabi ng isang babae.

"At ang bagay na nagbabalanse dito" sabi ni Volt para suportahan ang nauna nyang pahayag.

"Ang Tao Trio" sabi ng isang miyembro ng council at nagpakita ng mga records sa bawat isa sa council member, mga litrato ng pinapaniwalaang Tao Trio.

"Tama. Ang Tao Trio ang isa pang tawag sa dalawang libro na yon at sa bagay na nagbabalanse dito. Ang black book of spells na tinatawag na Zekrus, ang white book of spells na Reshirus at ang balancing matter na Kyurus, sila ang bumubuo sa Tao Trio" huminga muna ito saka nagpatuloy. "Pinapaniwalaang ang dalawang libro na yon ay dalawang itim at puting royal dragon at may isa pang dragon na nagbabalanse sa kanila, ang balancing matter na tinatawag ngang Kyurus" pagpapaliwanag nila habang ang ibang part ng council, manghang-mangha sa nakikita nila.

"Ano ang punto mo ngayon?" Tanong ni Jackson.

"Ang punto ko, ang Kyurus ay nasa pangangalaga ko, yon ang treasure ng university namin at nakalagay yon sa isang malaking altar sa gitna ng kawalan"

"At ang gusto mong iparating, kaya kayo inatake nila Eagle ay dahil nasa inyo ang Kyurus na sinasabi mo at ang isa pang punto, maaaring nasa kanila ang isa sa dalawang libro at gusto nilang palakasin ang pwersa non" sabi ng head na ikinatuwa naman ni Volt. Nagsimula ng magbulungan ang buong council tungkol sa pahayag nya.

"Tama, at isang libro lang naman ang alam kong pagkakainteresan nilang kunin, ang Zekrus dahil ang Reshirus ay nakalagay sa isang lugar na walang makakakuha" sabi ni Volt at ngumiti nalang dahil nakukuha nya ang simpatsya ng council.

"We will take an investigation about it. Sa ngayon, ka pag nalamang nasa kanila nga ang libro, malaking parusa ang haharapin nila. We can take our rest and meeting will resume as soon as the penmanship test has a result" sabi ng head at nagtayuan ng muli ang lahat pati sila Volt. He did his part on this meeting, ang council nalang ang bahala sa pagiimbestiga tungkol dito.

Chaos BringerWhere stories live. Discover now