Chapter 1 (part3) : Meet the characters *The Hot Cassanovas*

281 7 0
                                    

Chapter 1 (part3) : Meet the characters *THE HOT CASSANOVAS*

*The HOT CASSANOVAS*

--> mga 3rd year high school students ang napapabilang dito, hot cassanova kung tawagin sapagkat kinagigiliwan sila ng napakaraming babae, pero sa huling oras sa isang araw sila sila pa din ang nagkakasama, gimik doon gimik dito, may mga pera kasi kaya kahit kelan kahit saan pwede sila.

~ Nathan Dela Cruz THE SINGER. Ang pinaka gwapo sa grupo, tahimik, "mysterious guy" din DAW? minsan mo lang makikitang nakangiti, matalino yan sa MATH. Maingat magmahal kasi sineseryoso niya ang lahat lalo na pag dating sa pag-ibig, kapag kumanta yan feeling mo luluhod ang mga tala dahil sa sobrang galing nyang kumanta, PERO. kumakanta lang yan kapag barkada lang ang kasama o di kaya kapag ang kasama niya eh ang taong mahal nya. Taga pag mana ng isang studio mula sa kanyang mga magulang.

~Alvin Santiago THE TALLEST. Siya ang pinaka matangkad sa grupo. Kaya binansagan siyang "Joey Marquez" dahil na din sa kagalingan nyang magbasketball. Gwapo din, mabait, magalang, gentleman at higit sa lahat matindi kung magmahal sa babae, hinding hindi niya ito ipagpapalit kahit kanino. Nanggaling siya sa pamilyang hindi super yaman pero may kaya.

 ~ Harold Delos Santos THE CUTEST. Ang pinaka cute sa grupo, maloko yan, kapag malungkot ang isang tao handang handa siyang gawin ang lahat mapasaya ka lang, pilyo kung minsan, malakas mang asar or mang inis mahina kung pumorma, natotorpe kasi siya madalas sa babaeng gustong gusto niyang ligawan. Galing sa may kayang pamilya , isa kasi sila sa may ari ng University of Cambridge pero hindi nya alam.

~ Dominic Lopez THE HANDSOME. Ang leader ng grupo, lahat napapasunod niya sa simpleng mga utos niya, pero maaalalahanin yan, alam niyo ba na  kahit gaano kagwapo yan hindi niya kinakalimutan ang mga taong nakapaligid sa kanya? alam niyo din ba na NAKAKADALAWANG GIRLFRIEND pa lang yan since birth? Loyal kasi yan eh, pihikan pa sa babae pero atleast lucky pa din sya kasi okay naman ang nagiging girlfriend niya.. "beauty and brain" ang una niyang girlfriend, pero sa ngayon wala siyang girlfriend..  "pass" daw muna siya. Galing sa todo support na parents, kasi lahat binibigay para sa kanya.

~ Jiro Uy THE GANGSTER. Ang pinaka maangas at pala away sa grupo, madami kasi siyang connections sa iba't ibang fraternity, gwapo? pwede na din, malakas ang sex appeal niyan, hindi nya pinapansin ang mga bagay na alam niyang walang namang kakwenta kwenta, lalo na sa mga buhay pag-ibig ng barkada niya, madalas dedma, hindi pa kasi niya nararamdaman ang tunay na LOVE para kasi sa kanya ang love laro-laro lang kaya babaero siya, Galing sa pamilya ng mga "assasin" KAYA. ang umepal, paslang!

~ Ryan Silvestre THE MIND READER. Ang pinakamatinik sa babae, friendly kasi kaya lapitin ng mga  babae PERO hindi sya Flirt na kamukha ni Rue  naturingan siyang "mindreader" kasi malakas ang pakiramdam niya sa mga bagay bagay, hindi rin yan seryoso sa buhay pag-ibig kaya nga close sila ni Jiro eh nagkakasundo sa trip ng isa't isa, isa pa kaya niya nilalaro ang LOVE kasi bumukas ang isipan niya sa mga pangyayari sa pamilya nila. In short, galing siya sa Broken Family, pero suportado siya ng father niya, kaya angat din siya sa buhay.

~Angelo Santos THE PLAYBOY. Ang Joker sa grupo, lahat kasi ng bagay dinadaan niya sa biro kaya hindi mo malaman kung totoo pa ba ang mga lumalabas sa bibig niya o biro lang. Sa pag-ibig? madaming umaasa sa pagiging totoo niya, pero wag kayo, sa barkada lang lumalabas ang tunay na SIYA, may DIMPLES din nga pala siya kaya yan ang asset niya sa mga girls, siya ay ipinanganak sa JAPAN at doon nagkaisip pero dito nagsimulang mag-aral, gusto nga ng magulang niya na sa japan na lang siya mag aral pero ayaw niya dahilan na din ay ang barkada.

*The BFF*

---> dalawang babae na may sariling mundo pagdating sa room, sila lang nagkakasundo sa mga bagay bagay, SENSITIVE sa mga ilang bagay.

~ Nicole Pascual THE OVER ACTING. Cute, simple sa buhay, kung ano ang madali hindi naiisip kung ano ang mahirap yun ang naiisip! ginagawang complicated ang lahat ng bagay! edi siya na ang matalino, FUTURE MANAGER ng isang restaurant, yun ang pangarap niya ang taas diba? madami ding naartihan kasi kahit yung mga simpleng bagay na di naman dapat problemahin pinoproblema, pag-ibig? DEMANDING masyado akala niya lahat ng lalaki kakagat sa pag-aakit niya asa naman siya. Inshort, EPAL SIYA! nasa average ang pamilya nila, hindi mayaman, hindi din naman mahirap, okay okay lang.

~ Stacey Lee THE HONEST. Obvious naman siguro na honest siya, madaldal yan, halos lahat nga ng lalaki turn-off na sa kadaldalan niya eh, pero excuse me totoo yan sa sarili niya kung ano ang nakikita at nararamdaman niya sinasabi niya, kahi na alam naman niyang masasaktan lang siya, GO pa din. Sa love? never nagseryoso kahit hate niya ang word na LOVE marami na din kasing nangloko sa kanya. Ang pamilya niya ang nagmamay-ari ng isang mall dito sa bansa.

Choose: LOVE or FRIENDSHIP??Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon