KAPASKUHAN

4 0 0
                                    


Mga Tauhan:
Lolo at Lola
Ninang at Ninong
Nanay at Tatay
Mga Anak
Mga Tindera

 Unang Tagpo
(Tanawin: Loob ng bahay)

Naghahanda ang mag-anak papunta sa simbahan. Tumutugtog ang kampana.

Nanay: "Dalian ninyo mga anak. Baka mahuli tayo sa misa."

Anak 1: "Nandiyan na po ako, Nanay."

Anak 2: "Hintayin ninyo ako. Hindi ko makita ang sapatos ko."

Anak 3: "Handa na po ako, Tatay."

Anak 4: "Ako rin po."

Nanay: "O sige, hihintayin namin kayo sa labas ng bahay, mga anak."

Tatay: "Mag-ingat kayo sa paglalakad sa kalsada."

Lalakad ang mag-anak papuntang simbahan.


Pangalawang Tagpo
(Tanawin: Labas ng simbahan matapos ang misa)

May mga tindera. May tugtuging pamasko.

Nanay at Tatay: "Maligayang Pasko sa inyo, mga anak."

Mga Anak: (Magmano) "Maligayang Pasko rin po sa inyo, Nanay at Tatay."

May mararaanang mga tindera ang mga bata paglabas ng simbahan.

Anak 1: "Ano po ang tinda ninyo?"

Tindera 1: "Mayroon akong puto at kutsinta."

Anak 1: "Bili po ako ng puto."

Anak 2: "Mayroon po ba kayong suman?"

Tindera 2: "Mayroon ako, anak. Ilan ba ang gusto mo?"

Anak 2: "Dalawa po."

Anak 3: "Kina Lolo at Lola na lang ako kakain, Ate. Hindi pa naman ako gutom."

Anak 4: "Ako rin. Magluluto ng maraming pagkain si Lola, marasap pa!"

Nanay: "Halina kayo kina Lolo at Lola. Hinihintay nila tayo."

Tatay: (Kakatok sa pinto ng bahay nina Lolo at Lola.)

Lolo: (Bubuksan ang pinto.) "Tuloy kayo mga anak."


Pangatlong Tagpo
(Tanawin: Loob ng bahay nina Lolo at Lola)

Mga Anak: "Mano po, Lolo. Mano po, Lola."

Lolo at Lola: "Kaawaan kayo ng Diyos, mga anak."

(Nanay at Tatay – magmamano rin.)


Ninong at Ninang: (Naka-upo sa silya.)

Anak 1: "Mano po, Ninong. Mano po, Ninang."

Ninang at Ninong: "Kaawaan ka ng Diyos."

Anak 2: "Lola, ang sarap naman ng amoy ng luto ninyo!"

Lola: "Para sa ating salo-salo ang lahat ng niluto ko."

Lolo: "Halina na kayo, mga anak. Nakahanda na ang mga pagkain natin para sa Noche Buena."

Anak 3: "Gutom na nga ako eh."

Anak 4: "Sabi ko sa inyo, maraming ihahaing pagkain si Lola, at masarap pa."


Matapos kumain, hahaplusin ang tiyan sa busog at magkukuwentuhan.

Anak 2: "Nanay, Tatay, sana'y maging Pasko araw-araw para narito tayong lagi kina Lolo at Lola."

Mga Anak: "Lolo, Lola, aalis na po kami. Maligayang pasko po ulit sa inyo at manigong bagong taon sa lahat."

Nanay at Tatay: "Maraming salamat po sa handa ninyong mga pagkain. Busog na busog po kaming lahat."

Buong Mag-anak: (Muling mag-mamano kasabay ang pagpapaalam.) "Paalam na po. Mamasko pa po kami sa ibang kamag-anak natin pagkagising sa umaga."

Lolo at Lola: "Mag-iingat kayo sa daan."  

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 25, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

KapaskuhanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon