Chapter 15: The other side of Justine

5.4K 123 1
                                    

Waaa T.T eto na~ update na hahaha XD

Third Person's POV

Napagdesisyunan ni Andrea ni iuwi na si JD sa kanilang bahay. Bago sila umalis, kumain sila sandali sa malapit na restaurant kasama ang pamilya ni Christian. Tahimik lang silang kumakain hanggang sila ay nagsi-uwian.

Hanggang ngayon, hindi parin siya kinikibo ni Christian. Hindi naman siya manhid para hindi maramdaman ang galit nito sa kanya.

"Mom, are we gonna visit dad tonight?" tinignan ni Andrea ang malungkot na anak habang nakaupo ito sa mahabang sofa sa kanilang sala.

Agad niya itong nilapitan.

"Yes baby, nailipat na siya sa private room at doon tayo matutulog kung gusto mo."

Akala niya sasaya ang kanyang anak sa kanyang sinabi. Pero hindi. Umiyak ito ng napakalakas.

"Why did that happen to daddy?" tanong nito sa ina. Gusto sana niyang sabihin kung ano ang nagyari pero hindi niya itinuloy dahil natatakot siyang kamuhian ng anak. Si JD nalang ang kanyang lakas sa mga taong galit sa kanya. Hindi niya makakaya pa kapag ito rin ay nagalit sa kanya.

"Hush baby.." tanging yun nalang ang kanyang nasabi. Hindi niya napigilang mapaluha kaya palihim niyang pinunasan ang kanyang luha.

"Mommy, I'm scared." bigla-bigla ay niyakap siya ng anak. Hindi nalang siya nagsalita. Kasi kahit siya ang tanungin, natatakot rin siya at nahihirapan..

"You know what mommy?" kapagkuwan ay bumitaw sa pagkakayakap si JD at nagsimulang magkuwento. Na naging dahilan ng sobrang pagkagulat ni Andrea.

"If daddy have time, siya po sumusundo sa akin. Tapos po, hindi kami uuwi ng bahay hanggang sa hindi niya pa ako pinapakain. Binibihisan niyo po ako lalo na kapag napapawis ako. Tapos kapag wala ka po, dinadala niya ako sa timezone. He plays with me. He spend lots of money just for us to earn many tickets for prizes.

And then, before the school started, diba I asked you po that I want to come with daddy?" tumango si Andrea sa anak. Gulat parin sa nalaman. Hindi niya alam na dinadala ni Justine ang kanyang anak sa mall sa tuwing may trabaho siya sa kanyang flower shop ang buong akala niya ay nasa bahay lang ito nina Christian at Z at nakikipaglaro lang sa mga pinsan nito.

"That day, daddy let me buy all the things I want for school. He was even the one who chose my stroller bag. Because he said, he doesn't me to use backpack. Bacause daw po, grade 2 pa naman ako mabibigatan lang po ako." tuluyan ng bumagsak ang mga luha sa mata ni Andrea. Hindi niya alam na ganito pala ang pakikitungo ni Justine sa anak.

"Bakit ngayon mo lang ako sinabihan tungkol diyan, anak?"

"Because daddy doesn't want me to tell you. He said, he's afraid that he'll be too attached to you or to us. I don't get daddy's point mommy, but he surely said that he loves us so much. He also promise the he is willing to change now mom! If the accident didn't happen, for sure daddy will fullfil his promises!" walang nagawa si Andrea sa pag-nguwa ng anak kundi ang yakapin lamang ito. Maging siya ay nanghihinayang sa nangyari kay Justine. Kung sana nga, mas naging bukas ang puso niya noong araw na iyon, baka hinay-hinay na sila maging masaya.

**********

Pasado 9:30 p.m. nang umalis sina Andrea sa kanilang bahay para dumiretso sa hospital. Tahimik lang na nag-mamaneho si Andrea habang si JD naman ay nakaupo sa front seat at tulog.

Mga ilang minuto ang lumipas nang sila makarating sa hospital. Mabilis ang naging biyahe nila dahil hindi na mabigat ang traffic sa daan. Maingat niyang ginising ang anak pagkatapos ay lumabas, binuksan ng pinto s JD at binuksan rin ang pinto sa backseat para kunin ang mga gamit na kanilang gagamitin sa pamamalagi sa hospital.

Nakasalubong niya sa daan sa loob ng hospital si Paulo at saka ito tinulungan buhatin ang kanyang dalang gamit. Ayaw niya sanang pumayag dahil nahihiya parin siya sa nangyari kahapon. Ngunit, nagmatigas si Paulo kaya bumigay narin siya. Pinili nilang sumakay ng elevator dahil timing naman na nasa ground floor pa ito.

"Kamusta na pala si Justine?" nakatungong tanong ni Andrea habang hawaka ang balikat ng anak na nasa kanyang harap nakatayo.

"He is good than yesterday, though nasa critical parin siya. Pero pansin ko, nag-iimprove siya. Maybe gusto niy talaga magbago para sa inyo Ands." napayuko lang si Andrea sa naging sagot ni Paulo at tahimik na nagpasalamat sa Panginoon.

"Kayo po ba nagbabantay kay daddy?" tanong ni JD kay Paulo.

"Yes big boy." nakangiting sagot nito sa bata. Kanina, gulat si Paulo nang makita si JD, walang duda, anak nga ito ni Justine. Ang tindig nito at ang pisikal nitong anyo ay kuhang-kuha mula sa kanyang ama. Kahit naman kasi, galit siya kay Justine noon, ay naging kaibigan rin niya ito noong nasa kolehiyo pa lamang sila.

"Is he going to wake up?"

"Of course big boy. Sooner. He is tough man, just like you." ngumiti si JD sa naging sagot ni Paulo kaya nang bumukas ang elavator, excited itong pumunta sa pribadong kwarto ng ama.

Pagkabukas niya ng pinto, andun ang kanyang lola Julie na nakaupo sa tabi ni Justine at ang kanyang lolo Cristopher na nakatayo katabi si Christian sa likod ng kanyang lola.

"Andrea, JD apo." Malugod na binati ni Julie si Andrea. Bagaman nahihiya, sinugarado ni Julie na hindi siya galit sa kanya.

"Andrea, alam ko ang nangyari. I don't blame you. Afterall, akala namin, sa pagpilit namin na ikasal kayo ni Justine ang magiging sagot para gumaling siya. But our thought is wrong. Sorry if we didn't tell you about his past. Justine didn't want us to tell." sandaling natahimik si Andrea, ngunit nakinig parin siya pahayag ng ina ni Christian. "Believe me Andrea, we would not force you both to marry if Justine don't love you. Even I am not his real Mom, Justine grew up in our family. I always make sure na hindi niya mararamdaman na hindi siya belong sa amin. In exchange, kami ni Cristopher ang pinagkakatiwalaan niya. Justine loves you and JD so much, he doesn't know how to show it."

"Indeed Andrea, kapag nasasaktan at sinasaktan ka ni Justine. Dumideretso siya sa amin. Umiiyak, humihingi ng tulong sa amin. Alam namin, nagsisisi siya. Gusto niya humingi ng tawad sa iyo, kaso nahihirapan siya kung papaano. Nahihiya siya, kaya pinanindigan niya nalang ang ginagawa niya sa iyo. Kami na ang humihingi ng pasensya sa iyo." Nagulat si Andrea sa pagsulpot at sa pagsiwalat sa kanya ni Cristopher. Tahimik lang kasi talaga ito na tao.

Tumango nalang si Andrea, hindi niya rin kasi alam ano amg isasagot. Nagpo-proseso parin ang utak niya sa mga siwalat simula sa kanyang anak at sa mga magulang ni Christian. Hindi niya alam na may ganoon pala na ugali si Justine sa anak. Siguro nga, hindi niya pa ito kilala at hindi niya ito kinilala ng lubos noong nasa kolehiyo pa lamang sila. Hindi siya araw-araw sinasaktan ni Justine. Madalas, mga salita o kaya hindi siya nito pinapansin. Nagagalit lamang ito kapag nangungulit siya. Minsan, hanggang banta lang ito.

Oo nga, nahihirapan siya sa kanyang buhay kasama si Justine. Hanggang ngayon, mas nadagdagan ang paghihirap niya sa nangyari kay Justine. Kahit ano pa sabihin niya sa iba, hindi niya maitatanggi sa sarili na mahal na mahal niya si Justine.

Sa naging siwalat ng anak, gusto niya rin makita ang pag-uugali ni Justine sa anak. Kaya buo na ang desisyon niya, sa oras na magigising si Justine. Itutuloy niya ang kanyang kalbaryo at tatapusin ang paghihirap saka sila magsisimula ulit. Sana nga lang, hindi pa huli ang lahat.

A Wife's Burden (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon