Madali lang akong makakalimot...
Lahat mabilis na maglalaho... parang walang nangyari...
Maibabalik ang lahat sa dati...
Hindi ako nasaktan...
Malakas ako eh.
Pero akala ko lang pala 'yun.
Hindi pala talaga madaling makalimot.
Kahit na anong utos ko sa utak ko...
Siya pa rin ang laman ng puso ko.
Akala ko naglaho na,
Itinago ko lang pala...
Subukan ko mang ibalik sa dati,
Parang walang nangyayari...
Kunwari, masaya
Kunwari, malakas
Kunwari, perpekto ang lahat, walang problema...
Pero puro lang ako pagkukunwari.
Dahil ang totoo,
Ang puso ko parang salamin na pagmamay-ari niya.
Ilang beses niya mang sirain, basagin, at durugdurugin,
Kapag tiningnan niya,
Siya at siya pa rin.
Pero ang pinakamasakit sa lahat,
Akala ko
Hindi ko na siya mahal,
'Yun pala nagpahinga lang ang puso ko.
Bakit kailangang ako pa ang umasa?
Bakit ako lang?
Bakit siya pa?
Sobrang sakit na
At ayaw ko ng masaktan pa.
BINABASA MO ANG
An Untold Story of A Broken Heart
Romance"Akala ko hindi ko na siya mahal. 'Yun pala, nagpahinga lang ang puso ko."