Nagulat ako ng biglang nag ring ang alarm ko. Hay wala akong gana pumasok. Tawagan ko na lang kaya si kuya tapos sabihin ko masama pakiramdam ko? Tutal yun naman ang totoo. Pugto pa mga mata ko. Hay.Napag desisyunan ko na tawagan nga si kuya or should I say, "Mr. Principal" na i excuse na lang ako sa klase.
"Annyeong oppa! Joheun achim~" (Hi kuya! Good morning~) Binati ko ng korean si kuya kahit na alam kong sa Japan sila tumitira. Haha.
"Oh Niq napatawag ka? Hindi ka nanaman papasok no?" Yep kilala na ko. Haaay.
"Yes kuya. Actually, im not feeling well since yesterday. And can I have a favor pleaseeee?~" Umay aegyo sa phone azar.
"Sure princess. Ano yun?" YAS!
"Kuya, can you please excuse me in my classes? Ayoko kasi na hindi nila alam yung dahilan. Malay mo may projects pala tapos wala ako edi sayang! Kaya paki sabi na lang na may sakit ako hehe para makagawa padin ako."
"Sige princess. Mag pahinga ka na para hindi na mag tuloy-tuloy yan. Get well soon!! I'll hang up na okay? I've so many things to do. Bye!"
And dun na nag tatapos ang conversation namin ni kuya. Cool right haha. So hindi ako papasok dahil may sakit ako, ano pwede kong gawin? Hm.. Siguro manonood na lang ako ng kdrama buong mag damag. Tama! Yun na lang.
Bumangon na ako at pumunta ng cr para gawin ang nararapat. Hinawakan ko ang leeg ko at nalaman na sobrang init ko pala. Kinuha ko yung thermometer dun sa loob ng medicin box sa cr at chineck ang temperature ko. Ang taas. 38.7 hay. Pag tapos ko gawin ang mga gagawin ko sa cr, lumabas ako para kunin yung phone ko and nakita ko na madaming text sila Anne, Wonwoo, at the rest of the tropa. Wala ako sa mood para replyan kaya bumalik ako sa kwarto at sinaksak yung usb para makanood na ko ng kdrama.
Nakaramdam ako ng gutom kaya pinindot ko yung telecom at nag salita. "Manang, pwede po ba paluto ako ng porridge? May lagnat po kasi ako and padala na lang po ng medicines natin dyan sa baba. Salamat po!" Di ko na inintay yung sasabihin ni manang kasi nanonood na ko.
After 30 minutes of waiting, dumating na si manang dala yung porridge at medicine. "Anak, kainin mo itong lugaw na niluto ko at inumin mo ang gamot mo every four hours. Sabihan mo lang ako kapag mag dadala na ko ng basin and towel okay? Get well soon anak." Sabi sakin ni manang sabay ngumiti at umalis na sa kwarto ko. Pag tapos ko kainin yung porridge at inumin yung gamot, nakatulog naman ako.
-------------------------------------------------------------------
Nagising ako ng may kumakatok sa pintuan ng kwarto ko. Pag sabi ko naman ng 'Come in', bumungad naman sakin ang pag mumukha ni wonwoo na puno ng pag aalala.
"Hoy babae! Okay ka lang ba?! Bakit hindi mo sinasagot ang text at tawag ko?" G na g bes.
"Sorry woo kasi may sakit ako eh. Nakatulugan ko ata kaya hindi ko nasagot." Nagulat sya sa sinabi ko at dali daling dinampi ang kanyang kamay sa leeg ko. "Niq ang taas ng lagnat mo. Ano ba pinag gagagawa mo?!" Kwento ko na ba? Hay.
"Siguro dahil hindi lang ako kumakain simula nung nag break kami ni Mark-" "Ano?! Break na kayo?! Bakit ang bilis!?"
"Mahal pa nya kasi yung ex nya." Maikli pero malalim yung sakit na nararamdaman ko.
"Eh loko pala sya eh! Edi sana hindi ka nya niligawan kung mahal pa nya ex nya! Alam mo Niq, wala talaga akong tiwala dyan sa Mark na yan dati pa eh. Sa dinami dami ba naman ng babae na pwedeng saktan, yung pinaka minamahal na bestfriend ko pa?! Ang sakit sa bangs!" Nakakatuwa naman tong bestfriend ko haha.
"Don't worry woo. Malapit na ko maka move on. Basta mag fofocus na lang muna ako sa studies at sa pagiging fangirl ko sa BTS." Yun naman talaga dapat yung ginawa ko dati pa. Hay.
"Yan tama yan! Aral muna tayo te okay? By the way, gusto mo ba dito muna ko matulog? Para naman maalagaan kita." Bait talaga!!
"Sure woo. Kelangan ko rin ng mag aalaga sakin eh haha" And with that, nagulat ako ng bigla nya akong yakapin. Alam ko lagi nya kong yinayakap pero iba yung ngayon. Yung parang maiiyak ka dahil sa yakap nya? May meaning eh.
Nag cuddle lang kami ni woo sa kwarto buong magdamag. Wala namang malisya yon kasi bestfriends naman kami. Sya na talaga yung pinaka matino na nakipag cuddle sakin hay.
Isang oras na ang lumipas at bumaba kami ni woo para kumain. Porridge lang akin kasi wala padin akong gana samantalang kanya kakaiba pagkain nya. Habang kumakain ako, nag scroll ako sa twitter at nakita ang tweet ni Mark.
"Off to Korea in a bit. I will miss you all! Especially you... Niq."
16/25/10 4:50 pmKorea?
YOU ARE READING
➳ Fan Girl
RandomThey said that when a fangirl loves a normal man, they must be thankful because fangirl's standards are very high. Pero ano ang magagawa mo kung ang bias mo ang nagkagusto sayo? Ito ang mga naiisip ni Niq Aragon. Isa syang fangirl ng isang kpop gro...