TENTASYON

455 1 2
                                    

"Mahal kong Atlas, huwag kang magalala. Ipaghiganti ko kayo sa ginawang banal na kaparusahan ng diyos ng kalangitan", sabi ni Phoebe habang nakatingin siya sa kanyang asawa, sa isang mahiwagang bola na kristal na hawak ni Apollo. Tumulo ang luha sa kanyang mga mata habang nanatili siyang naka tingin sa mahiwagang kristal.

Bilang tumitig si Phoebe sa bola kung saan niya nakita ang kanyang mahal na pumiglas sa pagdala ng buong kalangitan, merong ideya tumawid sa kanyang ulo. Bigla siyang tumingin kay Apollo na may pag-asa sa kanyang mukha. "Diyos ng kaalaman, may alam kaba kung paano pawiin ang Diyos na si Zues?" tanong ni Phoebe.

"Alam ko ang sagot, pero meron kang kailangan ibigay sa akin pagkatapos", sumagot si Apollo.

"Kahit ano gusto mo, ibigay ko sa iyo. Ano? Ginto at kayamanan? Magandang babae? Basta lang tulungin mo ako.", sabi ni Phoebe na naiinip.

"Ang tubig ng kabataan.",sabi ni Apollo.

"Saan ako makakita ng ganyan?", tanong ni Phoebe

"Kapag kunin mo yung tubig ng kabataan sa kamay ni Hebe, anak ni Zues. Mawalan siya ng lakas at kapangyarihan. Ito ay dahil sa kapangyarihan ng inumin. Ang kabataan sa inumin ay ang nakapagbigay ng kapangyarihan kay Zues para hindi siya tumatanda at may mahabang siyang buhay. Kapag mawala ito, mamatay si Zues.", dahan-dahan lumakad si Apollo patungo kay Phoebe. "Madali ba itong makuha?", tanong ni Phoebe. Tumatawa si Apollo ng kaunti, "Oo, pero meron kang pagsubok na daanan."

"Ano naman iyan?"

"Ang temptasyon sa pagkakanulo."

-

-

-

-

-

Sa isang malinaw na tubigan, ang diyosa ng kabataan na pinangalanang Hebe ay naghihintay sa kanyang ama habang hawak ang kopa na linagyan ng kabataan. Ito ay isang tradisyon na magkita ang dalawa sa isang lihim na hardin at ibigay ni Hebe ang inumin sa kanyang ama si Zues.

Dahil kay Apollo nalaman ni Phoebe ang lugar at nakatago ngayon sa isang malaking bato sa gilid ng tubigan para hindi siya matagpuan ni Hebe.

Nung akala ni Hebe na walang tao sa hardin, humiga siya sa ilalim ng isang malaking puno at inilagay ang kalis sa kanyang uluhan. Nakatulog si Hebe habang naghintay sa kanyang ama at nung nakita ito ni Phoebe, bilis-bilis niyang pumunta pasulong sa uluhan ng natulog na diyosa at nang tahimik, kinuha ang tubig ng kabataan.

Tumakas kaagad si Phoebe nung may narinig siyang ibon na tumunog sa ibabaw ng hardin at tumakbo palayo hanggang wala na siyang marinig na ibon.

-

-

-

-

Bilang si Phoebe ay nasa malayo ng lugar, tinignan niya ang gintong kalis na may tubig ng kabataan. Nung tumitig siya sa kalis, naalala niya ang sinabi ni Apollo.

'kapangyarihan at mahabang buhay'

Ang mga salitang ito ay biglang umulit-ulit sa kanyang utak hanggang meron siyang tinding gasto maka tikim sa tubig.

-

-

-

-

-

Nung nakita ni Zues na natutulog ang kanyang anak, ginising niya ito at tinanong kung saan na yung inumin.

"huh? Bakit ganun, nasa ulohan ko lang iyon.", sabi ni Hebe na siya ay nalilito.

"Nawala mo ang kalis?!", sigaw ni Zues kay Hebe. "Alam mo naman kung gaano ito ka halaga!", ipinagpatuloy niya

"Imposibleng mawala lang yun, parang may magnanakaw!"

"Gawa kanalang nang iba", sabi ni Zues.

"Hindi po iyan maari, ama. Matagal po ito makuha at kailangan ko rin yung kalis para maka kuha ng tubig sa mahiwagang balong." Sinabi ni Hebe sa kanyang ama ng mababang boses.

"Paano na ito!, HANAPIN AT PATAYIN ANG MAGNANAKAW AT KUNIN ANG KALIS" sabi ni Zues nang siya ay umubo ng dugo.

Pagkatapos ng insidente, bilis nagbagong-anyo ng isang ibon si Zues at pumunta sa lugar ni Apollo para malaman kung sino ang tao na nagnakaw sa kalis at ang tubig ng kabataan.

Nung bilis naglakad si Zues patungo sa kaharian ni Apollo, nakita niya na may kaparehong kalis na nasa gilid ng trono ni Apollo. "MAGNANAKAW!" sigaw ni Zues. Nakita ni Apollo na si Zues ay tumatakbo patungo niya na may dalang kidlat sa kanyang kanang kamay. Nagulat si Apollo sa biglang matinding galit kay Zues sa kanya.

"Ano?" sabi ni Apollo na mukhang alam na niya kung ano ang nangyayari. Tinanong ni Zues ng marubdob si Apollo, "Ang kalis na nasa gilid ng trono mo, ang may-ari ba diyan ay ikaw?". Nung narinig ni Apollo ang tanong ni Zues, bigla siyang tumawa at tumingin kay Zues na parang kakaiba siyang tao.

"LUKA-LUKA! Gusto mo ba malaman kung saan yung kalis mo?", tanong ni Apollo. "Oo, papatayin ko ang nagnakaw sa aking mahalagang bagay." nagalit si Zues sa insulto kay Apollo.

Binigay ni Apollo ang mahiwagang bola kay Zues at ipinakita niya kung sino ang magnanakaw. Tumahimik si Zues para sa isang sandali at nung nakita niya ang mukha, siya ay nagulat. "Anak ng Titan? Akala ko tinapon ko na lahat sa Tartarus!", sabi ni Zues na galit-na-galit ang tono sa boses.

"Hindi niya na tigilan ang temptasyon at uminom sa tubig ng kabataan.", sinabihan ni Apollo si Zues. Agad-agad, umalis si Zues na walang paalam. Nagmamadali para bigyan ng banal na parusa sa taong na nagnakaw sa kanyang kalis. 

TENTASYON - MITOLOHIYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon