Naaalala mo pa ba?

71 4 4
                                    

Naaalala mo pa ba ?

Nung unang araw kitang makita

Sabi mo pa " hoy ! sino ka ba! "

Sagot ko naman " Mahal na ata kita "

Nagtaka ka pa nuon sa aking mga salita

ino bang hindi? ki-bata-bata pa nating dalawa 

"Mahal"  na agad ang lumabas sa aking mga dila

Naaalala mo pa ba?

Nung nakita na naman kita

Masaya ka, kitang kita sa iyong maamong mukha

Piko, taguan, habulan ; Iilan lamang sa mga

   larong iyong kinasasabikan

Lumapit ako noon

Kitang pagkagulat bakas sa iyong mukha

Napailing nalang ako't nagsimulang maglakad

Naaalala mo pa ba?

Nang naging kaibigan nakita

Masayang masaya ako noon alam mo ba

Piko, taguan, habulan ; nakasama na ako at naging kabilang

Umiyak ka noon ng nadapa ka

Pinatahan kita't pinasan para mabawasan

   ang sakit ng iyong nararamdaman

Nagpasalamat ka at ngumiti sapat na para

   mabawasan ang aking pag-aalala

Naaalala mo pa ba?

Pagising sa umaga,

Pagpasok  sa eskwela,

Pagkain sa meryenda,

Paglalaro sa tanghali,

Pag-uwi galing eskwela

  ay tayo ang magkasama.

Naaalala mo pa ba?

Nung sinabi ko sayong mahal kita?

Pagkagulat ay bakas sa iyong mukha aking sinta,

Pero di ko inaasahan ang iyong mga tugon

" Mahal din kita matagal na , paalam . Hintayin mo sana ako, babalik ako pangako. "

Simula noon nag-antay ako ng iyong pagbabalik

Para lumikha muli ng ating ala-ala

Lumipas ang mga araw, buwan at taon, pero wala ka pa

Kaya ngayon , sana ay iyong mapatawad

Hindi ko na matutupad ang pangakong hintayin ka 

Hindi ko na kaya aking sinta kasi akoy mahina na , di ko na kaya

Sana ay hindi mo ako makalimutan at ang ating mga mumunting ala-ala

Paalam na aking sinta,

   sana ay , naaalala mo pa ..

---

maraming salamat po sa pagbasa ^____^

keep safe.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 14, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Naaalala mo pa ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon