CH 1 - Angel met Demon

18 0 0
                                    

Faye's POV

Anghel ako. At isa siyang demonyo. Mahal namin ang isa't isa ngunit may isang dapat magsakripisyo. Lubos na ipinagbabawal ang pagi-ibigan namin at tanging sakripisyo lamang ay kamatayan.

Isinara ko na ang librong aking binabasa. Hindi ako makapaniwala. Ito lang ba ang nagi-isang paraan? Kamatayan? Nung una, akala ko isa lamang itong malaking kalokohan hanggang sa napagtanto kong mahal ko na pala ang lalaking ito.

Isa akong anghel at nahulog ang loob ko sa isang demonyo. Hindi ko ito inaasahan. Ang pangalan niya ay si Lucifer. Siya ang kanang kamay ni Satanas. Napaka makapangyarihan niya. At katulad ng nasa librong aking nabasa, nagbahagi rin kami ni Lucifer ng ipinagbabawal na pag-ibig.

Naalala ko pa ang una naming pagkikita. Pumunta siya magisa sa aming kaharian, akala ko nandoon siya upang patayin kami, ngunit nagkamali ako. Kahit isa siyang demonyo, nagpakita pa din siya ng kabutihan sa amin. At yung araw na yun, nabihag na niya ang loob ko.

Hindi ko alam kung paano pero alam ko sa sarili kong isa yung tunay na pag-ibig. Alam kong ito ay mali, ngunit ano pa ba ang mali sa pagmamahal? Mali nga ba talagang mahulog ang loob ko sa hindi namin kauri? Sa isang kalaban pa?

Mahirap ito dahil isa akong anghel. At alam kong maraming anghel at pati ang aking Diyos ay tututol sa aming pagmamahalan. Ngunit mahal ko siya, ngayon ko lamang naramdaman ang ganitong klaseng pagmamahal. Hindi ko inaasahang mahulog ang loob ko sa isang demonyo.

Ngunit masisisi ninyo ba ako dahil lang sa nagmahal ako ng maling tao? Ano ba ang tama? Ang mahalin ang kapwa kong anghel? Ngunit hindi naman natuturuan ang puso sa kung sino ang dapat nating mahalin, hindi ba?

Alam ko, mahigpit na ipinagbabawal sa batas ang umibig sa isang kalaban. Kung natuturuan lamang ang puso, matagal ko na sanang itinigil ang aking kabaliwan. Ngunit paano?

Paano ko ito ititigil kung tuluyan na akong nahulog sa kanya. Hindi na ito isang paghanga lamang, masasabi ko na ngayon na mahal ko na ang kanang kamay ni Satanas. Mahal ko na si Lucifer.

Ano nga bang mangyayari sakin? Ipapaputol ba ang aking pakpak upang magtanda ako? O ipapapatay ako dahil lang sa umibig ako?

Ano na ba ang tama sa mali? Ano ba ang totoo sa hindi? Naguguluhan na ang aking isip. Hindi na ako makapag-isip dahil puso ang umiiral saakin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 18, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon