Chapter One

7 0 0
                                    

Chapter One

*Beeeeeeeeeeep*

Hinihintay kong mag green yung traffic light nang may biglang bumusina.

Napalingon ako sa may kanan ko at nakita ko si AJ na may nanghahamong tingin at halong pang-aasar.

I smirked at him as a respond tsaka ko hinigpitan ang pagkakahawak sa manibela at inihanda ang sarili dahil mapapasabak na naman ako sa isang karera.

“Pagnanalo ako girlfriend na kita.” Kumindat pa ito at ngumiti ng nakakaloko. Sheyt! Ba’t ba ang gwapo ng taong ‘to.  Sarap tuloy iuwi sa bahay.

“Eh, pano pag ako ang nanalo?” panghahamon ko naman sa kanya.

Hinawakan niya pa ang kanyang baba na para bang ang lalim ng iniisip saka siya muling nagsalita.

“Eh di magiging boyfriend mo na ako.” Pinipilit kong itago ang ngiti ko dahil sa sinabi. Marunong din naman kasi ako kahit papaanong magpakipot.

“Wow! Parang di naman yata makatarungan ya---.” Di ko pa natatapos ang sasabihin ko ng pinaharurot na niya ang sasakyan.

Sinundan ko agad siya at di naman ako nahirapang habulin siya.

“Nice try! Maybe you should try harder” sigaw ko pa sa kanya para madistract siya.

“Your wish is my command...” pinaharurot na nga niya ang sasakyan hanggang sa naunahan na nga niya ako.

Pagkababa ko nakita ko siyang prenteng naka-upo sa hood ng sasakyan niya.

Nilagpasan ko lang siya at nagpanggap akong di siya nakita. Ang mga tao kasing kagaya niya ay di dapat pinapansin dahil mas lumalaki ang ulo.

Nagulat ako ng may biglang umakbay sa akin.

“See you later... Mahal.” Nagsitayuan ang mga balahibo ko ng bumulong siya sa akin.

“Anong mahal-mahal ang sinasabi mo? Sa pagkakaalam ko mga bilihin lang ang mahal. Pwede ba paki tanggal ng kamay mo ang bigat.” Pagsusungit ko pa sa kanya.

Sinunod din naman niya agad ang sinabi ko at tinanggal na nga ang kamay niya.

“Mahal as in M-i-k-e-e.” Tiningnan ko siya ng matalim dahil sa sinabi niya.

“Chill...” sabay taas pa ng mga kamay niya sa ere.

“Eh, ano naman pa lang masama kong tawagin kitang Mahal? Girlfriend na naman kita diba?” malapit ng lumabas ang usok sa ilong at tenga ko dahil sa pagtitimping ginagawa ko.

Oo inaamin kung nagagwapuhan ako sa kanya at kinikilig ako minsan kasi crush ko siya. Pero hanggang doon lang talaga yun, sino ba naman kasi ang hindi kikiligin pagkaharap mo ay parang isang greek god sa ubod ng kapogian. Wala akong planong mapabilang sa listahan ng mga babaeng niloko niya at ayokong mangyari sakin ang ginawa niya sa pinsan ko.

“Niloloko mo ba ako?!” di ko na nga kayang magpigil at napasigaw na ako, mabuti na lang talaga at kami lang ang nandito sa parking lot.

“Ano ba yan Mahal? Ako manloloko sa’yo? Loyal kaya ‘to.” At tinuro pa ang sarili niya.

“Bahala ka kung ano’ng gusto mong paniwalaan wala na akong pakialam.” Naglalakad na ako palayo sa kanya dahil pagnagkataon masasapak ko na siya.

“Ang daya mo naman?! Klaro naman yung pinag-usapan natin kanina diba?” humarap ulit ako sa kanya na nag-uusok na nga ang ilong at tenga.

“Sinong may sabing pumayag ako?!” konting-konti na lang talaga at masasapak ko na ‘to.

“Di ka kasi sumagot agad, so I assume that it’s a yes. Ika nga nila, Silence means Yes.” Kinurot niya pa ang pisngi ko tinampal ko naman agad ang kamay niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 07, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Just Playing Along With The PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon