Tadhana nga naman (On-hold)

39 1 0
                                    

Tadhana nga naman.

Copyright © 2013 by SexyChucker of Wattpad. All Rights Reserved. No part of this story or publication may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means without prior permission of the author.

True to life.

Some parts are fiction. But not all.

Based on true story.

 

-----

Tadhana nga naman. HAH! Anlakas ko naman ipalandakan ang salitang tadhana eh hinde naman ako naniniwala dun.

.

.

.

.

.

Hmmm. Okay. Medyo. Pero tanging tadhana nalang talaga ang makakapagpalapit samin ng "3rd" crush of my life ko, si Kuya Billy. Eto na naman ako nangangarap. Nangangarap na sana magkita kami palagi, nangangarap na kahit 4th yr siya at 2nd yr ako ay hindi yun magmamatter, nangangarap na ilakad man lang ako ni Kyle dahil kaclose niya yun, nangangarap na sana di pa siya grumaduate at sana hindi siya taken. Haha. Sabagay, di ba libre lang mangarap? Edi sinusulit ko na. Minsan lang ulit ako magkacrush e. Bilang na bilang. Minsan sinasabihan akong abno, eh kasi naman e, minsan lang talaga ako tumingin sa may mga 'worth' at hindi yung puro pogi looks lang.

Tsaka di naman ako nagseselos or anything. Hahaha. Malay ko dito sa puso ko. Tsaka kung dadating yung time na yun, isa lang masasabi ko, wala rin naman akong karapatan e, diba? Destiny might bring me to him. Pero, oo nga tadhana lang yun. Mas naniniwala ako dito, "Just wait, God reserves the man you deserve."

Kaya ko lang naman nabanggit yang destiny na yan e, kasi etong english time namin. Nagkukwento kasi si Ma'am Arenas tungkol sa husband niya. Pinagtagpo daw kasi sila ng tadhana. May pa-ayieee ayieee pa yung mga classmate ko e. Pero alam ko nung tinanong ni Ma'am na "Do you believe in destiny?" e napaisip narin sila. Iniisip ko nga si Kuya Billy e. Kuya kasi mas matanda siya sakin, di naman ibig sabihin kapag kinukuya feeling close e. 

"Okay, class it's already time, see you tomorrow. Good Day."

"Good Day, Ma'am!"

Recess na namin after ng English. Computer naman sunod dito. Monday ngayon, kaya punta kami sa comp. lab. Miski bukas. Bababa kami sa 3rd flr.

"I'm nagugutom na. Let's eat na", sabi ni Sophia, inaya niya narin sila Kyle at Arvs.

"Pakain!! Hehehe", sabi ko.

Nga pala, isa sa mga gurlalu ko, si Sophia, Piya tawag ko jan, KPOP addict yan, lalo na kay Suga ng BTS. Medyo mahaba ang buhok at nakasalamin. Mabait yan, tsaka mahilig magsuklay ng buhok. Yung mga upuan ay ginawa namin pa-ikot para makapagshare-share kami ng pagkain. Ang mapapansin mo sakin ay, lagi ako nakikikain. Tinatamad kasi ako pumuntang Ayds, na nasa labas ng building namin. Bababa pa ako ng 4th flr. Kaya nakakatamad talaga.

"Piya, naniniwala ka sa destiny?"

"Ha? Hahaha. Hinde."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 14, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tadhana nga naman (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon