Kc's Pov
Ang bait talaga ni Jema,buti nalang tinutulungan nya ako kay Andy.
Pero,nakakapagtaka lang na wala pa syang boyfriend kasi naman sa bait at ganda nyang yan walang magkakagusto sa kanya?Hayst!Impusible.
Nandito na nga pala ako sa SB(Starbucks) nagmumuni-muni.Ang tagal kasi ni Jema e =_=
Sabi daw alas-dos,e 2:30 na kaya.
Walanjo!Di talaga tumutupad yun sa usapan.
Isipin kona nga lang yung plano na gagawin namin para kay Andy my babylabilabidobs.
Kung punuin ko nalang kaya yung kwarto nya ng Air ballons?
Tapos sa tangkay nung ballons may mga pictures namin together?
Ay letchugas na ilusyon to!E wala naman kaming pictures together e.
Lonely forever pa baka meron!
Oppsss balik sa plano!
So ayun mga solo pictures nya nalang ang ilalagay ko tapos luluhod ako sa harap nya tapos magpropropose ako tapos--------
"HUY!"
"Ay tapos"
Letchugas baribas singkamas naman oh"
"Ano forever nalang nganga Kc?"
Ay nakanganga pala ako.Pucha nakakahiya >_<
"Sorry naman,may iniisip lang."
Ang babes ko.
"Ano naman yun?"
"Ano pa edi plano para sa surprise sa babyloves ko"sagot ko.
Nyemas di paba halata?E si Andybabes lang naman ang iniisip ko lagi.
Walang iba ^_^
"Bakit pala ganyan yung mukha mo?"tanong ko.
Jema's Pov
Gagu to!Nagtanong pa!
E ikaw lang naman dahilan kung bakit ganito mukha ko.
Nagtataka siguro kayo kung anong itsura ko no?
Hay!Mukha akong hindi natulog ng tatlong taon!
Shemay naman kasi kalaki yung eyebags ko.Para akong Zombie sa Train To Busan =_=
"Di nakatulog nang maayos e"
Sa kaiisip sayo.
"Bakit naman?"
Nagtanong pa ang hinayupak!
"Syempre sa kakaisip sayo"wala sa sariling sagot ko.
Antok pako e.
"Sa kaiisip sakin?"nagtatakang tanong nya.
Palaka!Anong sinabi ko?Huhu lagot na!
"Ay este sa kakaisip kay Andy at sayo!Syempre gusto ko maging successful ang plano natin para sa kanya"
Hay!Palusot.com.ph na naman akes.
"Ay iyon ba?Salamat ha?Pero sana alagaan mo din yung sarili mo kasi namamayat kana o!Wag kang magpakastress dahil lang sa plano ko kay Andy kasi sobra-sobra nayung natutulong mo sakin e"mahabang sagot nya.
Katouch naman hihi.Ayaw nyang magkasakit ako >_<
Kaso wala naman talaga akong pakiaalam sa Andy nayan kung di lang dahil sayo!
Nagagawa nga naman nang pag-ibig oh!Tsaka sayo ako naiistress!
Kastress kasi ang pagmamahal ko sayo e!
BINABASA MO ANG
Ako Nalang Kasi
Teen FictionBakit kasi hindi nalang ako? Maganda naman ako ah?Para sayo nagpapaganda ako!! ~_~ Pero bakit ganun? BAKIT KASI DI MO KO MAGUSTUHAN?! Masasaktan kalang naman sa kanya kasi "DI KA NAMAN NYA GUSTO!!" Eh ako?Di kita iiwan,mamahalin kita nang higit pa s...