Chapter 20

4.7K 79 0
                                    







*****LYCAS INTERNATIONAL SCHOOL



Inagahan ko ang pagpunta dito sa Lycas, hindi kasi ako nirereplyan ni Slave, kinukutuban na ako, baka kung ano ng nangyayari dun, may sasabihin pati ako, about sa Saturday next week

Tinext ko naman si Lycos kanina, pumasok naman daw si Slave pero hindi ako makuntento, gusto ko siyang makita, mag 48 hours ko na din siyang hindi nakikita

Unti-unti ng naglabasan ang mga estudyante, inabangan ko siya sa may exit

Una kong nakita si Lyco, naghi ako sa kanya tas tinuro niya yung nasa likod niya, si Slave

Nagulat si Slave ng nakita ako, teka, hindi ba siya masayang nandito ako?

"Kr---krypton?" di siya makatingin sakin, lilingat lingat siya

"Ano--- di ka kasi nagrereply sa mga text ko kaya ako na yung pumunta dito" paliwanag ko sa kanya, mamaya, may importante na naman siyang gagawin tapos di ko alam, nakaistorbo pa ako

"Wala akong load" matipid niyang sagot, nakayuko lang siya, teka, ano bang problema niya?

"Ah, ganun ba? Tara hatid na kita?" yaya ko sa kanya, tumingin naman siya sakin

Atlast, tiningnan niya ako

Bigla siyang umiling saka ngumiti

"May gagawin pa ako e, una ka na?" napatigil ako sa sinabi niya, may gagawin pa daw siya.. E di ano na lang...

"Hintayin na lang kita... Ano bang gagawin mo? Gusto mo tulungan pa kita?" ngayon ko na nga lang ulit siya nakita after 48 hours tapos ganito pa

Umiling ulit siya

"Hindi na, kaya ko na 'to, una ka na" ngumiti siya, yung ngiti niya, kakaiba

"Pero---" napatigil ako sa pagsasalita ko

*beep* *beep*

May sasakyan kasing bumusina sa likod ko

"Nandiyan na si Manong, sa susunod na lang ulit Kr" ngumiti ulit siya sakin

Tumabi ako sa dadaanan niya

Nagbukas na ang pinto nung sasakyan

Nilingunan niya ako

"Pasensya ka na, medyo busy lang talaga..." nagpause siya

At nagsalita siya sa hangin ng mga katagang...



"miss na kita" walang sound pero intindi ko naman





At tuluyan na siyang sumakay sa kotse nila

Naiwan akong mag-isa sa may exit.











***











Now Playing: Ho Hey - The Lumineers

♪ I belong with you ~ You belong with me, you're my sweetheart ~



Kasalukuyan akong nagsasoundtrip sa room namin, maaga pa para pumasok, limang araw na ang nakakalipas, hindi na ako nakakapuntang Lycas

Hindi na kasi siya nagpapahatid-sundo, si Slave, busy daw kasi sa company nila, iniintindi ko na lang. Kung siya nga, naiintindi si Methane para sakin, ako naman yung iintindi sa kanya ngayo saka itetext naman daw niya ako pag di na siya busy.



My Krypton Knight [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon