Prologue

98 5 0
                                    

"Mahal kita at hinding-hindi kita iiwan, pangako." Inabot niya ang kamay ng kasintahan at dinampian ito ng halik sa likod ng palad. Mariing napapikit si Donna na tila ninanamnam ang dampi na halik sa kanyang kamay. "Vincent..." sambit niya sabay dilat. Buong pagmamahal niyang tinitigan ang kaharap saka hinaplos ang pisngi nito. Sa hindi malamang kadahilanan ay awtomatikong pumikit ang mga mata ni Vincent at unti-unting nagkalapit ang kanilang mga mukha.

"CUT!" sigaw ng direktor. "Good job, guys! Hanggang scene 8 lang muna tayo, mamaya ulit. Be here at exactly 4 pm. Dismiss." dagdag pa nito. Napabuntong hininga na lamang si Archie, ang gumanap bilang Vincent, saka sinuklay ang buhok gamit ang mga daliri. "Hay, kapagod naman." reklamo niya. Taas kilay namang napalingon si Rachelle sa kanya, "Ba't ka ba kasi sumali?" tanong nito. Napakunot ang noo ni Archie saka sinagot ang tanong ng kapares. "Huh? Correction, pinilit po ako, hindi 'to voluntary! See the difference? Kung 'di ko lang talaga pangarap ang mag artista, edi sana di ako nagpapanggap. Ang hirap kayang mag paka lalake!" paliwanag niya sabay irap.

Matangos ang ilong, makinis ang balat, mapuputing ngipin, maitim ang mga mata, astig ang buhok, sino ba naman ang mag-aakalang bakla pala ang lalakeng 'to na halos minu-minutong tinitilian at pinagpapantasyahan ng mga babae?

"Sana naging lalake ka nalang. Kung saka-sakali, papakasalan siguro kita." biro ni Rachelle

"Kabaliktaran naman ang gusto ko 'no. Ipinanganak nga akong lalake pero mamamatay naman akong babae!" sigaw ni Archie. Nagtawanan sila, napa iling naman si Rachelle, "Ewan ko sayo, kita nalang tayo mamaya sa back stage, alas tres ah. Magpa-praktis tayo ng lines." bilin niya dito. Tumango naman si Archie, kumaway na parang isang beauty queen, sabay kembot ng lakad pababa ng entablado. Hindi napigilan ng dalaga ang ngiti niya habang sinusundan ng tingin ang bakla.

Pagkatapos ng pag-uusap nila ng kapwa aktor ay agad na dumiretso si Rachelle sa canteen. Alas dos pa naman kaya mahaba pa ang oras niya. Nang makabili na ay agad siyang naghanap ng mauupuan ngunit sa kasamaang palad ay wala nang bakanteng mesa. Nang tatalikod na sana siya ay nahagip ng kanyang mga mata sina Ariel kasama ang barkada. Napangiti si Rachelle at agad na nagtungo sa mesa ng mga kaibigan.

"Oy Chelle!" bati ni Camille nang mapansing papalapit ang dalaga sa kanila. Napalingon naman sa gawi niya ang iba at halos sabay-sabay na bumati. "Dito ka na umupo." alok ni James. Ngumiti lang siya saka umupo.

"Oh nasaan na si Archie? Akala ko ba galing kang rehearsal? 'Di ba partner mo siya sa play?" tanong ni Ariel nang makitang nag-iisa lang si Rachelle. Bumaling naman ng tingin ang huli saka lumabi.

"Ah, si bakla? Pumunta ata sa computer lab, sabi niya kasi kanina, tatapusin pa niya ang research paper niya." sagot niya sabay subo ng french fries.

Lima sila sa mesa, si Ariel, Camille, James, Vilna at siya. Sa barkada ay sila lang ni Archie ang kasali sa Theater Club. Si James kasi ay nasa Swimming Team, si Camille naman ay sa Journalism, varsity naman si Vilna sa Volleyball at si James naman ay sa Music Club.

Magkakaiba man ang interes ng magka-kaibigan ay hindi ito naging hadlang sa kanilang samahan. Bagkus ay ang pagkakaiba ng bawat isa ang nagbubuklod sa kanila.

"Sinong sasama bukas?" biglang tanong ni Vilna na ipinagtaka ni Rachelle.

"Bakit? San kayo pupunta?"

"Magsisimba."

"Bakit?"

"28 na bukas, Chelle." sagot ni Camille na ikinatahimik nilang lahat. Napahinto ang aktres, napabuntong hininga saka pilit na ngumiti. Sariwa pa sa ala-ala ng bawat isa sa kanila ang nangyari isang taon na ang nakararaan.

TeatroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon