When I was a little kid, I thought life was a fairytale, I wanted to be a princess. And of course, I wanted to meet my prince charming. But when I grew up, saw and lived reality, I realized I just want someone who's going to treat me like a princess.
Ako si Princess Aouie Lim, Ces nalang. Sabi nila, halos nasa akin na daw ang lahat, jowa nalang ang wala. Eh ano naman diba? Hangga't nandyan si Clariza, Cassidy and Klaire, hindi ko kailangan ng boyfriend. Nakakasawa na din kasi. Pero malay ba natin diba, na baka isang araw, makilala ko siya. Basta ang hiling ko lang, yung hindi ako sasadyaing saktan, hindi mang-iiwan at ituturing akong prinsesa. Simple lang naman diba?
"Hoy, tara na! Late na tayo!" pambungad ni Clariza sa pagdating niya.
"Sino bang mabagal kumilos?" sagot ko.
"Tagal mo, Clariza! Akala namin nilamon ka na ng jeep." sabi naman ni Cassidy.
"Oh, tama na yan!" pag-aawat naman ni Klaire. "Tara na!"Ganito talaga kami. Nagtataka nga classmates namin kasi di kami nagkaka-pikunan kahit na lagi kami nagbabarahan at nagtatarayan. Magkaka-ugali at nagkaka-intindihan kasi kami. Pero kahit naman ganito, mababait, maaasahan at marami kaming mga kaibigan. Naglalakad na kami papuntang school. And when we finally arrived...
"Ces, ex mo oh." sambit ni Clariza.
"So?" matipid kong sagot. Malamang, kaklase namin siya. Napatingin ako, walang pinagbago si Paulo. Late nanaman, pano ba naman kasi napaka-layo din ng bahay niya mula sa University namin.Ngayon ko nalang ulit siya nakita, kakasimula palang kasi ng pasukan. Two and a half months din ang bakasyon, dalawang buwan na rin pala mula nung iniwan niya ko sa hindi malaman na dahilan. Nagsawa ba siya sa'kin? Di na ba niya ko mahal? May nagawa ba 'kong mali? Oo. Baka. Siguro. Hindi ko alam.
YOU ARE READING
Unexpected
Teen FictionThis story is about a girl who wants to meet a man who will treat her like a princess and will love her wholeheartedly. But before she meets her prince charming, she met a man she thought will love her forever. When she got her heart broken, she tho...