"Pasensya na"Mga salitang lagi kong naririnig mula sa kanya,
"Pasenya na nagkamali ako"
"Pasensya na nagkulang ako"
"Pasensya na Kasalanan ko "
Oo tama ka kasalanan mo!
Pero mas kasalanan ko,!
Kasalanan ko,
Kasi nagpaka martyr ako sayo,Kasalanan ko kasi, nagpakatanga ako,
Kasalanan ko kasi patuloy akong nagpapakalunod sa pagmamahal ko sayo,
Kasalanan ko, Kasi patuloy akong nagmamahal sayo, Kahit alam ko nang may iba ka ng gusto,
Patuloy na umaasa na sana maibalik ang dati, Ang dating pagmamahal mo.
Umaasa pa rin na mahalin mo, Kase tatanggapin pa rin naman kita, Kahit alam kong akoy niloko mo.
"Pasensya na rin ha!"
"Pasensya na, MAHAL KASI KITA!!"