Chapter 5

19 3 2
                                    

[Ariana's POV]

"Ano ba bessie gutom na kasi ako e, tsaka ito na yung nakita kong pinakamalapit na seat kaya dito na ako umupo" paliwanag ni bessie sakin kasi kanina ko pa siya pinapagalitan kung bakit umupo siya malapit sa seat nila Clifford.

"Tsaka bessie hindi ko naman alam at hindi ko napansin si Clifford na malapit lang yung seat nila dito noh! Alam mo naman ako pag gutom na! Dba?"

Inikutan ko nalang siya ng mata. Habang kumakain kami naririnig ko yung usapan ng mga barkada ni Clifford, kasama din niya yung GF niya.

"Bessie kakainin mo pa yang fries mo? Kung hindi akin nalang! hehehehehe" sabi ni Loren na kakatapos lang kainin yung sandamakmak na pagkain sa mesa niya. Kukunin na niya sana yung Fries ko ng iniwas ko ito sakanya at sumubo ng isa.

" Tsss. Damot " pagmamaktol niya "Madamot ka jan? Andami mo na ngang nakain e, baka mamaya masobrahan ka jan at sumakit yang tiyan mo noh!?" Sabi ko sakanya, pano ba naman kasi andami laging kinakain yan na kung ano ano pa.

"Bessie almost a month na pala noh? Since nung first day of class, andami ng homeworks and projects tayo." Panlulumong saad ko.

"Oo nga bessie, malapit na din pala yung foundation day ng school natin siguradong magiging busy na naman ang lahat ng teachers and students nito!" Oo nga pala ang foundation day. Wait whaaaaaaaaat?? FOUNDATION DAY??? Waaaaaah! Ito ang araw na toh na sabi kong aamin na ako kay Cliff hala!? Patay na malapit na pala. Kilangan pagplanuhan ko na kung paano ako aamin kay Cliff ng hindi nalalaman ni Angie.

"Siguradong ilang weeks ding magiging abala ang lahat para sa paghahanda sa Foundation day" sabi ko sakanya.

"E diba bessie 2weeks before maghanda ang school for the Foundation day? So it means next week wala na tayong masyadong gagawin, yeheeey!" Tuwang tuwang saad ni Loren, napalakas ata yung pagkakayehey niya kasi napalingon sila Clifford na nasa kabilang table sa amin e. Tinignan ko si Bessie at sinenyasan na tumingin sa side nila Clifford. Tumingin naman siya at nakitang nakatingin si Angie sakanya na ang mukha ay nagtatanong. Kibit balikat ko  nalang itong sinagot. At bumalik na sila sa kani-kanilang ginagawa.

---------




Tapos na ang recess kaya balik na sa kanya kanya kaming room. Another boring lesson na naman ang pakikinggan namin ang boring kasi ng subject namin  after recess.

"So Good morning students, dahil nga next week ay paghahanda na for the Foundation day magiging busy na kaming mga teachers so iiwanan ko kayo ng Projects para may gawin kayo habang busy kami, this project will be by partner Boy and Girl para may thrill, so ako na ang nagpartner sa inyo so Goodluck nalang kung sino ang magiging partner niyo." Sinasabi na nga ba namin e projects na naman.



























"Bessiiiiiiiiie, bakit? Bakit? Siya pa kailangan kong maging partner?" Maktol ko kay bessie huhuhuhuhu! Bakit kailangang siya pa? Pwede naman si.....

"Si Clifford? Ano naman kung si Clyde yung partner mo? Mas okay pa yun kaysa kay Clifford noh! Atleast si Clyde mas maaasahan kaysa sakanya pagdating sa paggawa ng mga projects, tumigil tigil ka na nga jan bessie sa kaka-emote lalo ka niyang papanget e." E kasi naman e akala ko talaga si Clifford  na yung magiging partner ko yun pala hindi, nung binaggit na kasi ng teacher namin yung pangalan nang partner ko akala ko si CLIfford na si CLyde pala. Pareho kasing CL yung unang pangalan nila e kaya parang magkatunog. Akala ko talaga chance ko na yun para masolo si Cliff hindi pa pala.

Ang sakit talagang umasa.! Huhuhuhuhu!


[Loren's POV]

Haaay! Naku nung isang araw pa ako rindi dito sa kaibigan ko, pano ba naman kasi simula nung pinagpartner kami ng teacher namin hindi na siya matigil sa pagmamaktol kesyo dapat daw si Clifford yung partner niya hindi daw si Clyde. Ewan ko ba sa babaitang toh! Ang liit liit na bagay ginagawang big deal porket hindi lang si clifford yung nakapartner niya! Eneweys may iba akong iniisip kung anong magandang gawin ngayong weekend. Hmmmmm?? Pumunta nalang kaya akong Ice cream parlor? Iiwan ko nalang dito si bessie naririndi na talaga ako e. Pero siguro dapat isama ko nalang siya baka matigil na yung pagwawala niya.

"Bessie tama na nga yang kakangawa mo, sumama ka nalang sakin punta tayong Ice cream parlor?" Sabi ko ng nakangiti. Hehehehe!

"Ice cream? Tara bessie gusto ko yung nasa may Maso jar ah? Yung may oreo" kita mo tong babaitang to biglang nagbago agad yung mood nakarinig lang ng ice cream. Nakalimutan na niya agad na hindi niya partner si Clifford. Iba talaga ang Ice cream Lover hahahaha!




-------

©FabulousGurl03

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 09, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Super Crush (pinsan "daw" ako ng crush ko)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon