Until He Left

116 22 43
                                    

Gumuhit sa langit ang nakakasilaw na ilaw ng kidlat. At ang malakas na kulog ay dumagundong sa buong paligid.

Bumuhos ang mabibigat na patak ng ulan kasabay ng malakas na ihip ng hangin.

Kung gaano kalamig ang panahon ng mga oras na yun, ay ganoon naman ang mainit na tagpo sa loob ng kwarto ni Clarissa.

Napa singhap ang dalaga. Naramdaman nya ang paglapat ng mainit na mga labi ni Gab sa kanyang balikat. Pakiramdam nya ay napapaso sya sa bawat halik na ibinibigay nito.

Nagsimulang maglakbay ang mga labi ng binata. Mahigpit syang napa kapit sa bedpost ng kanyang kama.

Gab was making love to her. Ginagawa nito ang lahat upang mapaligaya siya.

Nakagat ni Clarissa ang ibabang labi. Alam nyang hindi nito ginagawa iyon dahil mahal sya nito. Ngunit wala syang pakialam. Sapat na sa kanya ang malaman na kaya nya itong mapaligaya sa kama.

Isasakatuparan nya ang matagal na nyang pangarap, at iyon ay ang mapa ligaya ito. But since she couldn't have his love, she would settle for her passion. Papatunayan nyang kaya nya itong mapa ligaya kahit na hindi sya nito mahal. At kahit sya lang ang nakaka dama ng labis na pagmamahal ay ayos lamang sa kanya.

Muli syang napa singhap. Napa dilat sya ng mga mata nang maramdaman ang paghaplos ng mainit nitong kamay sa kanyang kanang dibdib.

Napa kunot sya ng noo. Naguguluhan sya sa ginagawa ng binata. Ang akala nya ay pagkatapos nilang alisin ang kanilang mga saplot ay agad na sya nitong aangkinin.

Ang nasa isip nya ay marahas sya nitong ihihiga sa kama at hahalikan sa kanyang mga labi.

Ngunit kabaliktaran sa nangyayari ang kanyang inaasahan. Nananatili lang silang naka upo sa gilid ng kanyang kama at patuloy lang syang hinahalikan nito sa bawat parte ng kanyang katawan.

Napa iktad sya bigla nang maramdaman ang nakaka kiliting sensasyon nang bahagyang pisilin ni Gab ang kanyang dibdib.

Marahan nya itong nilingon. Seryoso ang mukha nito at walang kababakasan ng anumang emosyon. Hindi na sya nagulat. Ano nga bang aasahan nyang emosyon sa mukha nito ang makikita.

Kailangan nyang ipaalala sa sarili na sya lang ang nakakaramdam ng ligaya dulot ng pagmamahal at hindi ito.

Nagsimula nang maglakbay ang bibig ng binata pataas. Paisa-isang halik ang ginagawa nito mula sa kanyang dibdib, sa kanyang balikat, sa leeg hanggang sa dumako ang halik nito sa gilid ng kanyang mga labi.

Naka ramdam sya bigla ng pananabik. Matagal na nyang inaasam na mahagkan ito sa mga labi. Nagtama ang kanilang mga paningin. Nakita nyang bahagya itong lumunok bago pinag-tagis ang mga bagang.

Lalo syang nanabik. Muli nyang kinagat ang ibabang labi.

Ngumisi ito bigla.

"Not so fast" anito bago muling ibinaba ang mga halik sa kanyang leeg. Mukhang wala itong balak na halikan sya sa labi.

Agad na nawala ang kanyang excitement. Parang pinaglalaruan sya ng binata.

Sya naman ang napa tiim ng bagang. Hindi sya papaya na ito lang ang masisiyahan. Gusto nito ng laro. Pwes, pagbibigyan nya ito.

Agad syang tumayo mula sa pagkakaupo sa kama bago paharap na naupo sa kandungan ng binata.

"What are you doing?" Tanong nito bago ipinulupot ang magkabilang braso sa kanyang bewang.

"I'm doing what you want" nginisian nya ito.

Muli sya nitong hinagkan sa kanyang leeg pagkatapos ay bahagya iyong kinagat-kagat. Naipulupot ni Clarissa ang mga braso sa batok ng binata. Nakaka kiliti ang ginagawa nito sa kanya. Muli syang naka ramdam ng pananabik.

Until He LeftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon