Chapter 5 ~ Meet JDC!

160 16 4
                                    

Joshua Point of View

Nung una palang nagandahan na ako sakanya.

Kaso para siyang lalake, Grabe daig pa niya ung pinsan ko sa pagiging lalake niya.

Napaka moody, bilis uminit ng ulo niya, masungit

Pero gusto ko talaga makita yung sweet side niya, kung meron man hayy

Ako nga pala Si Joshua Dela Cruz!
Pogi ako alam ko un kaya shhhh. Haahahaha si Elise lang ata hindi nakakakita na pogi ako. Ung bestfriend niya nga na si Nina napopogian sakin eh, hayst kaso mas type ko si Elise! Wala naman akong sinabi na pnget si nina ah!

maganda naman siya pero mas type siya ng tropa ko hahaha.

Pangalan niya si Patrick Ho. Na may kambal na si Patricia Ho ahahhaha. Ang kulit nu? Ganito kasi yung kwento kung bakit nag kagusto si Patrick Kay Nina .

Nung pagkatapos namin mag usap ni Nina nung nag kabagaan kami sa hallway umalis na ako tas nakita ko si patrick sabi niya sakin kung sino daw yung babae yun ang ganda daw tsaka ang sexy.

Sabi ko president namin sa Section 2 na bestfriend ni elise .

Sabi niya naman pre crush ko na ata yun. Grabe nabighani ako sa kanyang kagandahan.

Lande naman nitong si patrick kakakita niya palang dun kay nina na hulog na agad. Ogag talaga to si patrick.

Tas biglang dumating yung kambal niya andun na daw yung sundo nila kaya kailangan na nila umalis. Kaya nag paalam na sila saakin.


Ayon na nga ! Kaya nag kagusto so Pat kay Nina Na love at first sight ata eh ahahhaha.

Ayun na. Kalimutan na yun !

Makaalis na nga ng bahay makapunta muna ng shop mag lalaro muna ako. Wala naman akong ginagawa dito sa bahay may Computer nga ko pero wala akong ka duo malapit na yung bagong season sa League Of Legends.

( A/N Yung League Of Legends isang sikat na laro sa Computer na parang dota lang )

Dito na ako sa shop buti na lang andito yung kapatid ko. Si Jeremiah pati yung kambal niya si Jeremy mag kasama sila mag laro..

" Oi Kuya andito ka pala , hintayin mo kami laro tayo " sabi ni jeremiah

" Kuya tignan mo lakas lakas ko oh " sabi naman nito ni jeremy

" Pabuhat ka naman jan kambal eh hahahaha. " - jeremiah

" Asus maglaro ka na dyan . Bilisan mo ah nag hihintay si Kuya " -Jeremy

" Bilisan niyo dyan hintayin ko kayo" sabi ko naman sakanila.

Pag katapos nila maglaro nag laro na rin kaming tatlo, hanggang sa mag gabi na, niyaya ko na yung dalawa na umuwi na baka mapagalitan pa kami. Buti na lang anjan pa yung driver namin hahahaha nakapaghintay pa siya.

Ng makauwi kami sakto sakto nakahanda na yung mga pagkain sa lamesa at nag hihintay na si Mama sa lamesa, kumpleto sana kami kaso wala si Papa tsaka si ate.


Si papa na sa Los Angles California nag tratrabaho siya dun, buisness niya dun nagbebenta sila ng mga gadgets. Mga electronic devices

Yung ate ko naman isang tourism sa isang airline compony, may trabaho siya this week kaya hindi siya agad makakauwi, naiintindihan naman namin yun nag tratrabaho sila para samen.

Mama ko naman ang trabaho niya magbenta ng mga accesories . Mga ring, necklace , earrings, at bracelet.

Ung Bunso naman namin Yung Kambal Grade 7 palang sila. Same school din kami. Makukulit yang mga yan . Maiingay ganun. Tsaka kungware may umaway sa isa sakanila aawayin ng isa sakanila yung umaway sa isa sa kanila pag tatanggol nila ang isat isa. D ko pa ata nakikita mag hiwalay yang dalawa yan eh. Hahahahaha


Ayun bago kami kumain ako na muna nag simula ng prayer namin. Para sa pagsasalamt sa panginoon sa pagkain na binigay niya samin.

Pag katapos nun. Kumain na kami nag kwentohan tungkol sa school ganun ganun. Hanggat sa matapos kami.

Nanuod mua ako ng t.v sa kwarto ko hanggat sa makatulog na ako.

ZzzzzzzzzzzzzzzzzZ

****

" Kuya! Gising na ! "

Pag kagising na pagkagising ko tan narinig ko. Inaalog pa ako! P*ta naman sino yan.

" Ano ba yan! Inaantok pa ako mamaya na! Sino ka ba! "

" Ako to Kuya si jeremiah! Baket? Mag kaboses ba kami ni jeremy hah kuya? Nag tatanung ka pa dyan ikaw na lang hinihintay namin malapit na mga 7 malalate kana ! Gising na woh!!!"

Bumangon agad ako . Hala grabe naman ! Hindi naman ako nag puyat pero bat ganto oras na ako nagigising.

Naligo na ako mga 3minutes lang ata ako naligo sa kakamadale. Nag toothbrush na rin ako nag bihis.

Hindi na ako kumain sabi ko kay mama mag babaon na lang ako.

Tsaka tumakbo na ako papuntang kotche. Woooh. Buti na lang umabot pa ako.

****

School.

" Bye na Kuya una na kami ni jeremiah hah? ! "

Tsaka tumakbo na sila. Nalate pa tuloy sila dahil sakin.

Nag lalakad na ako papuntang Hallway .

Pag pasok ko sa classroom


Ang ganda niya. No! Wag ka mag papahalata baka masungitan ka pa niyan.


Tumabi na ako sakanya, tumingin muna siya sakin tinayaran pa ako? Grabe tong babae to.

Kausapin ko nga hahaah.

" Oi Elise ! " pasigaw ko sinabi sakanya.


"ANO! EPAL KA NANAMAN! WALA KANG FRIENDS? "

As expected sinigawan niya ako.

" Kakausapin lang naman kita masama ba? At bat mo ba ako sinisigawan? " patanung ko sinabi


" EH AYAW KO NGA EH , SINO KA BA HAH? CLOSE TAYO? MAKAALIS NA NGA !! CHEEE! "

Awww Sinuntok niya ako.

Hinawakan ko yung kamay niya, tsaka hinila ko siya.

Ang masama lang pag ka hila ko sakanya napabigla kaya na out of balance ako . Kaya napahiga ako sa sahig at nasa taas ko si elise.
Unte na lang malapit na yung muka namin.

Aasarin ko nga to.

" Grabe Elise ang Flat mo naman. "

Tumayo na siya tsaka sinapal tsaka sinipa niya ako.


" PERVERT! MANYAK! BWISET KA! "

Sakit naman nun huhu T^T

" Ako pa ah? Sabihin mo lang kasi sakin kung gusto mo kong halikan para ako na humalik sayo. Haahha " pabiro ko sinabi.

"ANO KA CHIXX? UL*L MAMATAY NA MUNA AKO BAGO DUMAPLIS YANG LABI MO SA LABI KO ! PERVERT "

HAHAHA natatawa na lang ako sa babae na to.

" Whatever Flat! "


At umupo na ako.

Sakto dumating na yung teacher , kaya hindi niya na ako masaktan pa.



Pag ka lingon ko sakanya.


Grabe ang sama ng tingin niya sakin.

Hahaahah naiinlove ako sayo lalo Elise hahaa 

****

A/N

Musta na hahaha? Enjoy ba? Maraming salamat sa mga nag babasa at nag vovote. Comment naman kayo guys para ma mention ko kayo! Hahaha ty all again.

Dont forget to votee.

Babyeeee

Im So Damn Into You ( On-Going ^-^ )Where stories live. Discover now