-Deatherry Pov-
Akala ko maganda ang kalalagyan ko sa skwelahang iyon, ngunit heto ako at tinatamad na pumasok. Kung sana marunong lang akong l- never mind.
Nakakainis, bakit kasi hindi na lang ako maging masaya? Nakakawalang gana mabuhay.
Pagpasok na pagpasok ko pa lang sa gate nag tatalsikan na agad ang mga shurikens. Kitang kita ko kung paano makipag-away ang grupo nila Ace sa hindi kilalang grupo.
Hindi ko na sila pinansin pero nagulat ako nang biglang may lumapit sa aking batang babae. Sana lang hindi niya ako makilala.
"Bakit ka nandiyan?!" tanong ko
Tinuro lang niya iyon lalaki na gusto siyang kunin, pati ba naman bata dinadamay sa away nila.
"Hindi ako marunong lumaban." I said to her.
"Sinungaling ka Ate! Alam kong kaya mong lumaban kasi ikaw si ate HE!"
"Hindi ako si HE." saad ko.
Nagsimula na akong maglakad paalis ngunit biglang pumalahaw sa iyak ang kapatid ni Kaiser, arg. Agad ko siyang nilingon ngunit malutong akong napamura sa utak ko. Mabilis akong tumakbo at niyakap iyong bata.
"ATE!" sigaw niya.
"Okay lang ako," i said.
"Ate HE naman eh! Natamaan ka ng baseball bat sa likod tapos sasabihin mong okay ka lang, huhu." umiiyak na sabi niya.
Ilang taon na ang lumipas at ganoon pa rin siya, makulit pa rin.
"Hindi ako si HE."
"Gusto ko ikaw siya eh," nakangusong saad niya.
"Keyser, okay ka lang?" tanong ni Kenser na ngayon ay alalang-alala sa kapatid niya.
She's Keyser Smith.
Nagsimula na ulit akong maglakad paalis.
"Are you okay?" napatigil ako sa paglalakad nang biglang magsalita si Ace.
Nginitian ko lang siya at hindi na sinagot pa.
"Ah!" agad akong napaluhod dahil sa sakit na nararamdaman ko. Pinunasan ko ang ilong ko dahil sa dugong umaagos mula dito.
"Ate HE!"
"Hindi nga ako si HE!" Inis na sabi ko.
"Pero ang sabi mo po hindi ka nasaktan diba? Si ate HE hindi rin siya nasasaktan, kaya ikaw siya!" sabi nung batang makulit.
"Shut up! Ilang ulit ko bang sasabihin saiyo na patay na si HE! Tumigil kana kung ayaw mong magalit ako saiyo." Kenser said.
Tumayo na ako at kaunti na lang ay babagsak na ang katawan ko.
"Lampa girl!" inabutan ako ng gamot nung Josh ata ang pangalan.
Hindi ko siya pinansin at hinayaan lang na maglakad ang mga paa ko. Hindi kalaunan ay nakarating ako sa library. Ano namang gagawin ko dito? hays.
"Death..."
"Ikaw ang tao dito?" tanong ko kay Corrine.
"BAKIT HINDI KA NA NAMAN LUMABAN?! ANO KA BA DEATH, BAKIT PINAPAHAMAK MO YANG SARILI MO!" sigaw niya sa akin.
"Ano ba?" tanging na sabi ko at umupo na sa bangko.
Napasama ata ang palo sa akin, humand-aish.
"Siguro kung buhay lang iyong dating HE, hindi siya mag kakaganito." she said.
"Patay na HE,"
"Kung nandito lang sana si Celine at Cyline?Sigurado ako papagalitan ka rin nila." she said.
"Tumahimik ka na nga, wala na sila kaya dapat kalimutan na." inis na saad ko.
Palagi na lang niyang pinapaalala.
"PALAGI KA NA LANG KALIMUTAN. HINDI MO BA NAISIP NA NAPAPAHAMAK KA NA DAHIL DIYAN SA GINAGAWA MO! NAKAKAINIS!" sigaw niya sa akin at bigla na lang umalis.
Ano bang mali sa ginagawa ko? Kasalanan na ba ang gustohing makalimot? Hindi niya maintindihan na may mga bagay na mas gugustuhin na lang kalimutan kaysa patuloy pang masaktan.
***
Thanks for reading!
BINABASA MO ANG
ANGEL ACADEMY
ActionIsang babaeng nais makalimutan ang kaniyang nakaraan, ngunit dahil sa kaniyang kapatid siya ay nakapasok sa ANGEL ACADEMY na kung saan ipapaalala sa kaniya ang matagal na niyang gustong takasan.