'You are special', yan ang nabasa ko sa likod ng wrapper ng fres mint candy. Pang-ilang tanggap ko na ito ng mga matatamis na salita. Inilalagay na lamang ito ng kung sinumang abnoy dito sa arm chair ko.
Dati ay 'Hi','You're so beautiful', 'Wear a big smile' at iba pa ang natanggap ko. Ngayon, ito naman.
Sa curiousity ko, inisa-isa ko ng tanong ang mga kaklase ko pero 'ewan' lang ang natanggap ko.
Gusto ko sanang kiligin o matuwa man lang kaso naiinis na ako kasi wala akong clue kung sino ang may pakana nito.
Kaya bago ang dismissal, nag-iwan ako ng sulat sa arm chair ko para mabasa ng abnoy bukas na bukas pagkalagay niya ng candy sa arm chair ko.
'Who are you? Ano'ng kailangan mo't di mo 'ko hinaharap?', yan ang isinulat ko.
Kinabukasan nga, nawala yung sulat na ginawa ko tas napalitan ng fres mint candy.
"Secret", basa ko sa nakalagay sa likod ng candy.
Ah, ganun?!
Before dismissal ulit, nag-iwan na naman ako ng sulat, 'I'm getting pissed-off! Stop that crap!"
Kinabukasan..
'You're making me smile', yan ang nasa likod ng candy.
"Uy, Mitchie! Ang dami mo na sigurong ipong candy, nuh? Pahingi naman. Di mo naman kinakain, di ba?" panunukso ng isa sa mga kaklase ko.
Tama siya dahil di ko naman kinakain kahit isa sa mga bigay ng isang abnoy.
"Sana ako, bigyan din", sabat pa nung isa.
Nagtawanan silang lahat. Inilibot ko ang tingin, searching for a guilty face. Pero lahat sila ay talagang imposibleng maging suspect.
Kinabukasan, inagahan ko ang pagpasok sa paaralan. Huhulihin ko na lang kung di maidadaan sa simpleng tanong.
Kaso pagpasok ko, walang tao sa room. Worse, may candy na naman dun. Talagang maagang dumarating ang abnoy. Pero may worst pa, ang nakalagay sa likod, 'Can I court you?"
"Gago!" sabi ko.
Pero sinong sinasabihan ko? Eh, it's more like my heart. Kasi pagkabasa ko nito, tumibok ba naman ng malakas tas bumilis pa!
Lunch time..
O-order na sana ako ng ulam nang may makaagaw ng pansin ko. 2 guys seem like going to fight for a..
C-candy? Fres mint candy?
"Ako ang nakauna nito, pare", sabi nung isa na di ko kilala.
"Pero nag-iisa lang yan dito at kailangang-kailangan ko yan", sabi naman nung isa na napalingon pa sa direksyon ko.
Pagkalingon niya, pareho kaming nagulat. Pero alam n'yo? Mas nagulat talaga siya.
Nagulat lang naman ako kasi siya si Loyd, crush ko. CRUSH KO LANG NAMAN, di ba?!
Pero naintriga ako sa pagkagulat niya. Bakit kaya?
Pagkatapos kong kumain, napag-isip-isip kong bumili ng fres mint candy. Talagang naghanap ako ng pangreply dun sa huling binigay ng abnoy. Mag-iisang oras na akong naghahanap ng maisasagot nang mabasa ko ang 'It's a NO'.
XD I found it! Finally..
Ang hirap naman palang maghanap ng ibibigay sa kung sino. Naisip ko tuloy ang effort nung abnoy na di ko parin nakikilala.
Bago ang dismissal, inilagay ko ito sa arm chair ko.
Kinabukasan, hindi ko sinasadyang mahuli ang lalaking nasa likod ng misteryong ito.
Nakatalikod siya habang binabasa ang reply ko. Kabadong-kabado ako sa di ko malamang dahilan. Napaupo siya sa silyang kaharap ng silya ko. Dahan-dahan ay lumapit ako sa kanya.
Finally, makikilala na rin kita..
I tap his shoulder and again, as he turns his head ay pareho kaming nagulat. Just like yesterday..
Yeah. 'Cause the man in front of me is Loyd Cristoval, cryush at hinahangaan ko.
Dahil sa gulat naming pareho ay wala ni-isang nakapagsalita sa'min. Tumayo siya tas itinapat sa'kin ang reply ko sa mensahe niya kahapon.
It's a NO..
I looked at him. Nakasimangot ang matagal ko nang kinahuhumalingan.
Ngayong alam ko na kung sino ang may pakana ng lahat ng ito, yun parin ba ang sagot ko?
Rinig na rinig ko ang pintig ng puso ko. Hindi parin ako makapaniwala.
Kaya pala.. Kaya pala nakita ko siyang bumibili ng fres mint candy kahapon. At may nakaagaw pa siyang isang lalaki.
"B-bakit mo 'to ginagawa?" tanong ko na lang. Hindi na maka-pokus ang utak ko. Nabu-bulol na nga ako, eh. Kasi gulat at gulong-gulo na rin ako.
May idinukot siya sa bulsa ng jacket niya tas iniabot sa'kin.
FRES Mint Candy..
Itinalikod ko ito and everything is history after reading,..
'Mahal Kita'
^_^
-The End-
BINABASA MO ANG
FRES Mint Candy (One-Shot)
Короткий рассказDon't keep it a secret for a long time. Express! #Love Credits to @ChantaLita_94 for the lovely cover. Napakaganda! Thank you so much! ❤