Chapter 1

130 2 11
                                    

 mapapansin niyo na iba ang estilo ko ng pagsusulat compare sa karamihan dito.. so.... pasensya na.. hahahaha

enjoy na lang at goodluck!! sana di kayo mahilo!! :D

please tell me kung may typo errors.. thanks!!

CHAPTER 1

            Inayos niya ang kanyang vest habang hinihintay niyang tawagin sila ng emcee. Kasalukuyan silang nasa kampo para i-welcome ang mga newly enlisted na mga kadete. Ang programang iyon ay upang ipakilala sila ng kanyang grupo bilang isa sa mga mamumuno sa mga initial trainings. Naka-linyang umakyat sila ng entablado ng tawagin na ang kanilang pangalan, sa kanyang pangunguna.

            "Silang lima ang magwa-warm-up sa inyo bago kayo pumasok sa official trainings. Wag niyong mamaliitin ang mga ito, lalo na ang unting babaeng ito," sabay tapik sa balikat niya,"Kayang-kaya niya kayong pabagsakin sa isang kisap-mata." Nagtawanan lang ang ibang opisyal na nandoon sa programa.

            Pinigil niyang magpakita ng kahit na anong reaksyon. Sa tanda niya ay bine-baby pa rib siya ng mga ito. Ninong niya ang opisyal na nagpakilala sa kanila, at sa laki nitong anim na talampakan, magmumukha nga siyang unano sa tabi nito. Kung tutuusin ay matangkad na siya sa height na 5"4, pero hindi sa linya ng kanyang trabaho. Nanatili lang siyang seryoso at walang imik hanggang matapos ang programa.

            Tinatahak iya ang pasilyo papuntang hall upang puntahan ang kanyang mga kasamahan nang isang malaking bulto ang humarang sa kanya. Nagulat siya, hindi sa biglang pagsulpot nito, kundi sa kung sino ang taong ito na bigla na lang lumitaw sa harap niya. Titig na titig ito sa kanya na parang kinikilala siya.

            "Excuse me ma'am, pero... nagkita na ba tayo dati?" Tanong ng binata na may cute at singkit na mga mata.

            "Uhmm. No."

Dali-dali niyang nilampasan ito ng hindi tinitingnan. Hindi niya inaasahan na makakakita siya doon ng taong makakapag-paalala sa kanya ng nakaraang matagal na niyang pinipilit kalimutan. KIM KANGIN.

"What the heck is he doing here?!" Natutulirong tanong niya sa sarili.

She felt dizzy with the sudden rush of memories from the past. A face of a guy flashed in her mind and she suddenly felt like drowning.

----------FLASHBACK----------

"Yobosaeyo?" Malambing na sagot ng babae sa kabilang linya.

"Hey! What's up umma? Eodi?" tanong niya.

"Sa dati pa rin kung saan ako naglalagi tuwing sabado. Bakit?"

"Uhmm. Wala po. Natanong ko lang."

"Where are you now baby? Hindi ba at sinabi ko sayong bumili ka na ng susuotin mong damit para mamayang gabi sa party."

"Papunta na nga po ako ngayon sa mall. Uhmm... umma?"

"Yes dear? Ano na naman yan?"

"Pwede ba muna akong dumaan sa bahay ng kaibigan ko?" pagsisinungaling niya. Narinig niya na bumuntong-hininga ang kanyang ina.

"Ikaw ang bahala. Hindi ka naman magpapa-pigil."

"Wag niyo na lang pong sasabihin kay appa na may iba akong pinuntahan."

Pinagbawalan siya ng kanyang ama na umalis ng bahay dahil sa pagtitipon mamayng gabi. Alam nito na maaaring tumakas na naman siya. She hates parties, like her father. At kaya siya pinagbawalan nito ay dahil hindi daw pwedeng ito lang ang magdusa sa pagkabagot sa party. What a lovable father! Then she silently laughed.

ONE LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon