A/N: yan pong mga koran words jan e sariling sikap.. sa yellow pad kasi aq nagsusulat kea walng translator.. so wag na lng mxdong kalaitin..LOL
yan ang version q ng korean carabao.. :DD
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
As usual, bagot na bagot na siya sa party. Nanatili lang siyang nakaupo sa table nila. Umupo na din sa may tabi niya ang kanyang ama.
“Hey there my princess. Enjoying the party?”
“Dangyonaji (Of course) ! Super obvious sa face ko di ba appa?” Sabay nilawakan niya ang ngiti.
“Huwag mo ng pilitin anak. Mukha kang abnoy.” Napasimangot siya sa tinura nito.
“Neo (you) appa? I’m sure you’re very much enjoying the party.” Nakangising sabi niya dito.
“Geurochi (OC)! Hindi ba halata?” Sabay gaya nito sa ginawa niya kanina.
“Sabi na nga ba sayo ako nagmana ng ka-abnoyan, Dad.” Tinawanan lang nila ang isa’t isa sa ginawa nila.
“Ow! For the very first time, you two are enjoying the party!” her mother beamed.
“Ne (yes) umma!” she lied.
“Halika muna hija, may naghahanap sayo. Bakit hindi mo muna siya i-usher ngayong gabi.” Naka-ngiting sambit ng kanyang ina.
Bahagyang tumagilid ang kanyang ngiti sa sinab nito. Alam na niya kung sino ang tinutukoy ng kanyang ina. Ang pinaka-makulit sa lahat ng naglakas –loob na manligaw sa kanya.
“Annyeong hasaeyo!” Nakangiting bungad nito sa kanya. Parang gusto na aniyang pahiin sa mukha nito ang napaka-yabang nitong ngiti.
“Mauna na muna ako sa inyong dalawa. Ikaw na muna ang bahala sa kanya hija. Enjoy the night.”
Agad na nawala ang ngiti sa kanyang mga labi ng tumalikod ang kanyang ina. Hinintay lang niya itong makalayo bago magsalita.
“Mr. Kim Seung Joon, ano na namang kailangan mo?” Walang kangiti-ngiting bungad niya dito.
“Yah~ Wala man lang bang hug? Kababalik ko lang gling US.”
Napataas ang isang kilay niya sa sinabi nito.
“Nice!” Nginitian niya ito. “Ganiyan ba ang epekto ng hangin sa US? Mas lalong kumakapal ang mukha? At bakit ko naman gagawin yun? Close ba tayo?” Sunod-sunod na tanong niya sa nang-uuyam na tinig.
Tumawa lang ito. ‘Manhid talaga ang impaktong ‘to! Hindi ba niya napapansin na naiirita ako makita ko pa lang ang dulo ng buhok niya.?!’ Sigaw ng isip niya.
“Spill it. Anong kailangan mo?”Ulit niya sa tanong niya kanina.
Nakatingin lang ito sa kanya. Nakipagtitigan siya dito. Tumatagos ang mga titig nito pero hindi siya apektado. Ang mga titig man niya ay tumatagos din. Hinihintay na nga lang niyang bumulagta ito kung kakayanin lang ng titig niyang butasin ang pagmu-mukha nito.
Malakas ang loob niyang sungitan ito dahil alam niyang walang makakarinig. Puro nasa dance dance floor ang mga tao sa mga katabi nilang table.
May ipinatong itong kahita sa harap niya. Dinampot niya ang kahita at binuksan. Parang alam na niya ang tinutumbok nito pero nagpatay-malisya siya.