Umaga na naman. Panibagong sapalarin. Bakit ba ganun? Wala naman akong malaking kasalanan pero pinaparusahan ako ng ganito? Bakit?
Gaga, pinanganak ka na talagang ganyan. Wag ka na umangal.
Agad akong napabuntong hininga at tumayo na sa aking kama para makapag ayos sa unang araw ko sa iskwelahan bilang Grade 12. Akalain mo yun? Napagtagumpayan ko ang lahat ng panlalait nila sakin ng 11 taon? Taray naman.
Binuksan ko agad ang shower ng makapasok ako ng banyo at naligo. Pag labas ko ay agad din akong nagbihis para makababa na.
"Lia! Ang kupad mo kumilos! Mabuti pa tong kuya at maagang nagising, nag-aaral na agad" sumbat sa akin ni Mama. Tumungo na lamang ako at kumain ng mabilis para makaalis na.
Habang naglalakad ako papuntang iskwelahan ay aking pumapasok na naman sa utak ko lahat. Lahat ng panunumbat nila.
"Boba! Kanino ka na nagmana?"
"Anak ba kita?"
"Inutil! Anong kaya mong gawin bukod sa magpakabobo?"
Huminga ako ng malalim at ipinilig ang ulo at nagpatuloy sa paglalakad. Kelan ako lalaya? Kelan ako magiging malaya?
Habang papasok ako ng campus ay nakikinita ko ang bawat isa. Nagtatawanan, nagbabangayan, nagdadaldalan, at nagkwekwentuhan. Siguro, dahil na rin sa matagal na bakasyon.
"LIA!!!" tili ng isang babae na akala mo nawala ng sampung taon. Boses pa lamang kilala ko na kung sino ito. Lumingon ako sa kanya at tinaasan na lamang siya ng kilay.
"Tagal nating di nagkita, ah?" pasarkastiko kong sagot sa kanya. Nung sabado lang kasi. Sabay kami bumili ng gamit at nagbonding.
Siya palang si Amiely Rasnell. Matalik kong kaibigan. Kami na ang laging mag kasama simula pagkabata ko. Siguro, dahil na rin walang gustong lumapit sakin kasi ang 'weird' ko daw.
Paanong weird? Let me tell you this, hindi ako nagmumura, never ako sumigaw ng sobrang lakas na as in labas lungs, at sobrang prim ang proper ko daw. Like duh? No, I'm not. Sadyang tago lang ang totoong ako. Si Amiely lang ang may alam kung ano at sino ang totoong ako. Dahil bawal malaman ng magulang ko, at kapatid ko. Dahil for sure, itatakwil ang ng mga lintik na yun. See? I'm not weird. Not the real me. I love my parents at wala akong magawa kundi sumunod sa kanila. I can't disobey them. Kaya isang lugar lang ang pwede kong puntahan at ipakita ang totoong ako. Sa high-end bar na palagi naming pinupuntahan ni Amiely. Dahil doon, walang nakakakilala sakin. For sure.
Secret night out.
Nagulat ako ng may pumalakpak sa mukha ko. Bastos na Amiely.
"Earth to Lia? Are you there?" pagpupukaw niya sa nawawala kong diwa. Palihim akong umirap sa kanya na agad naman niyang nakita.
"Honey, wag ka na ngang mag isip ng kung ano ano dyan. Ayan tuloy. Di mo narinig ang kwento ko. Ang sabi ko. May bagong tranfer na hot boy! Omg! Ang hot!! Sobra!!" tili niya. Halos mangisay. Ok. Siya na may adik sa gwapo.
"And....... so? " takang tanong ko.
"Omfg! Balita ko pa galing siyang probinsya at isa siyang haciendero!! Gosh!! " dugtong niya pa
"Alam mo wala akong pak--" nabitin sa ere ang sasabihin ko ng may pumasok na gwapong lalaki sa room namin. Scratch that. Hindi siya gwapo. Adonis. Sa edad naming ito at meron na siyang muscle. Matipunong muscle. Pangang nakakamatay, mga matang tila sumisigaw ng kayabangan. At nga ngiting nakakalaglag ng panty ng kababaihan, ang kanyang buhok at magulo pero nakakaakit tignan tapos ang kanyang kilay na perpekto ang pagkakahulma at bakit ganun? Perpekto ba ito? Wait, what? Ano pinagiisip ko?
Lia, books before boys. Okey?
Naabutan ko siya nakangising aso. Sa akin. Oo. Na parang nagpapahiwatig na 'one down, baby'. Agad naman akong nag iwas ng tingin at tingin ang atensyon sa adviser naming kakapasok lamang.
Tangina, nahuli ako. Nakakainis.
"Good morning class. So as you can see may bago kayong magiging kaklase. Hijo, magpakilala ka" sambit ng aming guro. Agad namang nakarinig ako ng bubuyog sa aking paligid kasama na dun si Amiely.
"Hi! Ako pala si Terrence Spencer Halter. I'm from Cebu at may hacienda kami doon. But I'm half American. And I'm 18 years old. Sana ay maging kasundo kayong lahat" sabi niya at ngumiti muli bago ako tignan.
"Ok. Mr. Halter. You may now sit down. Sa tabi ni Miss. Zamora. Tutal wala naman nang bakanteng upuan." agad naman akong nagulat pero hindi ko pinahalata.
Habang papalapit siya sa akin ay dinig ko ang bulungan ng iba.
"Swerte ni lia"
"Ako nalang please"
"Hala nakakainiiiis"
Umiling nalang ako at luminga kay Amiely na naabutan kong nakangising aso.
Samantalang si Terrence ay chill lang na papunta sa upuan niya
Tumabi siya sa akin at agad akong nginisihan bago magsalita ang aming adviser ang magtatatalak sa mga gagawin at rules namin ngayong year na ito
Habang nagdidiscuss ang aming adviser sa harap at lumapit sa akin at bumulong,
"Hi Miss. Zamora. Bakit mo ako tinitignan ng ganun? Yung parang hinuhubaran? " bulong niyang may halong kayabangan at pagiging sigurado.
Agad namang nalaglag ang aking panga at hindi makapaniwala sa kanyang sinabi.
The guts of this ass. Grrrr. Ang yabang!!
YOU ARE READING
Encaged
RomanceSi Lia Zamora ang tipo ng babae na walang ginawa kundi sumunod sa kanyang magulang. Lahat ata ng ginawa niya at ginagawa niya ay para sa ikakagalak ng magulang niya maging mga kapatid niya, para walang masabi at hindi siya mapulaan nang iba. Isang d...