Dear: Bestfriend
Best, 'musta na? Antagal na nating di nagkakausap at nagkikita ah.
Balita ko maayos naman ang buhay mo at may mga bago ka ng mga kaibigan.Natutuwa ako para sa'yo
Best, naalala mo pa ba ako?
Naiiisip mo parin ba ako? O nami-miss man lang? Kasi ako? Sobra sobra kitang na-miss.Alam mo ba na dati ang saya-saya natin pag magka-sama?
nagbibiruan, nagkukulitan, hindi ba?
Pero ngayon simula ng lumipat kayo ng bahay o napalayo lang sa'kin ba't parang biglang nagbago ka?
Sa tuwing makakasalubong kita hindi mo ako tinitignan, 'yung parang isang estranghero nalang akong napadaan.
O kaya naman titingin ka lang pero 'di kikibo. Best, bat di mo na ako pinapansin? Nahihiya ka ba? O nag aalinlangan kung ako ang nakalimot sa'ting dalawa?Kung ganoon ang iniisip mo, p'wes, mali ka ng akala. 'Di ako ganoon. Hindi ba't pinangakuan mo na ang pagkakaibigan natin ay walang limutan? Pero ba't ikaw pa mismong nangako ang siyang 'di tutupad?.
Di mo na ba talaga ako kilala?
Napalayo ka lang sakin at nagkaroon ng bagong mga kaibigan, nagbago ka na.
Parang pinapakita mo sakin na di mo na ako kilala. Na di tayo nagkakilala.Best, sobrang namiss kita. Sobra. Kaya ko namang tanggapin... na may mga bago ka nang kasama e.
Ang tangi ko lang namang paulit-ulit na hinihiling ay ang di mo ako kalimutan, at tanggalin sa buhay mo.
Naging masaya naman tayo best, 'di ba?
I can take all the risks and how life feels so hard to live without you... Just don't forget about me. Because it hurts, really.Too hurtful for me to bear.
Please, do remember na nandyan lang ako best...nandyan. Sana mahanap mo ako, d'yan sa sulok ng puso mo. Tawagin mo lang ako at asahan mo'ng 'di ako mag aalinlangang puntahan ka.
Mula sa matalik mong naging kaibigang nagpapaalala,
R.
▣▷♡◁▣
Letter 01 Details:
Started|Ended: 10/29/16
3:30 A.M. – 4 A.M.All rights reserved 2016
©jungsally18
EerieFlicker ▷▷