Oo nga pala, hindi nga pala tayo
Hanggang dito lang ako, nangangarap na mapa-sayo
Hindi sinasadyaNa hanapin pa ang lugar ko
Asan nga ba ako? Andiyan pa ba sa iyo?
Nahihilo, nalilitoAsan ba ko sayo? Aasa ba ko sayo?
Nasusuka ako, kinakain na ang loob Masakit na mga tuhod, kailangan bang lumuhod?
Gusto ko lang naman, yung totoo Yung tipong ang sagot, ay di rin isang tanong
Migraine by moonstar88.....ito ang favorite song ko lalo na kapag naggigitara ako
Dahil sa kantang to, nakakarelate ang buhay pag-ibig ko May mahal ako pero hindi pa kami, ang hirap na sa bawat araw na nakikita ko siya ay wala akong magawa kundi titigan lang siya, walang magawa kapag may iba siyang kasama, dahil kahit anong sakit pa ang nararamdaman ko, ay wala akong karapatang isumbat sa kanya dahil hindi ko naman siya pagmamay-ari.
Wala akong kayang panghawakan sa aming dalawa at tanging pakikipagkaibigan lang ang tanging paraan para mapalapit ako sa kanya.....
----------------------------------
Nahihiya akong aminin sa mga classmates ko kung ano ang nararamdaman ko para kay kaylie.
Dahil ayaw ko ng tinukso ako at baka mailang pa siya sa akin......
Ano pa nga bang magagawa ko kundi ang sabihin ang totoo sa mga makukulit kong kaklase...
"hoy, Stephen sabihin mo nga sa amin iyong totoo , crush mo si kaylie noh?" -Ximena
Isa sa mga kaibigan kong makulit, wla ng kukulit pa dyan dahil kapag nagtanong iyan hindi siya papayag na hindi malaman ang tamang sagot.....
"Hindi nga sabi eh, bakit ba ang kulit mo" - Stephen
"Eh, bakit ang emo ng mga post mo sa fb, at tsaka lagi ka kaya naming nahuhuling tumitingin kay kaylie" - Ximena
Patay wala na akong kawala sa panget na toh....
"Bakit ba ang kulit mo, hindi nga sabi eh"- stephen
"Alam mo wag ka ng mag-inarte diyan, alam ko naman eh, kahit hindi mo sabihin, dahil nakikita namin sa mata mo"- Ximena
"Sa mata mo pala nakita eh, bakit hindi mo itanong sa mata ko eh di sana hindi ka naghihirap mag-antay ng sagot sa akin..."-stephen
Kanya kanyang basag lang iyan baka sakaling makalusot eh....ahaha xD
"Pilosopong Tasyo ka din eh, alam mo ang mata ang nagsisilbing tagapagsalita ng ating puso sa mga bagay na hindi kayang ibigkas ng ating mga bibig, kung minsan kailangan muna natin siguraduhin ang ating nararamdaman sa isang tao para sa bandang huli ay hindi masaktan"- Ximena
"Ximena ikaw ba iyan, bakit ganyan ka magsalita......sino ang masamang espiritu ang sumapi sa iyo bakit ganyan ka mag-isip kung sino ka mang espiritu ka...ibalik mo sa amin ang kaibigan naming si Ximena...ahahahahah"-stephen
"Alam mo ikaw na nga itong kinakausap ng matino, ikaw pa itong praning... bahala ka nga basta ang alam ko may gusto ka kay kaylie, hindi mo man sabihin nararamdaman ko iyon...." Ximena
"Hindi ka lang pala madam auring ,, psychic ka din pala...ok para matapos na ang uasapan na ito, inaamin ko na may gusto ako kay kaylie, pero hanggang doon lang iyon"- stephen