In Another Life ......

233 4 8
  • Dedicated kay Gabriel Bryan Daos
                                    

Ako si Gabriel. Sa Masbate kami nakatira

______________________________________________________________________________

Ako si Elaine. Sa Manila kami nakatira. Pero dahil naghiwalay na ang mga magulang ko, uuwi na kami sa probinsya ng Nanay ko, sa bahay namin sa Masbate.

*************************************************

Birthday party noon ng kapitbahay namin sa subdivision. Invited lahat ng mga bata sa lugar namin, kaya nagpunta ako. Pinabunot kami isa-isa upang may maging partner daw kami. Nabunot ko ay star.

______________________________________________________________________________

Ilang linggo pa lang kami sa Masbate. Pero dahil kaibigan ni Mama yung kapitbahay namin, kaya madali kaming nagkaroon ng kakilala. Invited din ako sa party. Pinabunot kami nung organizer. Kung ano yung nabunot namin, hanapin daw namin yung kapareha namin. Star ang nabunot ko.

*************************************************

Naging close kami ni Elaine simula noong araw na yun. Magkapitbahay pala kami, at magkaklase nung HS ang mga nanay namin.

______________________________________________________________________________

Naging close kami ni Gabriel simula nung maging magkapareha kami sa Birthday party nung kapitbahay namin. At magkapitbahay pala kami. At naging close kaming dalawa.

*************************************************

Tuwing gabi nag i'stargazing kami sa rooftop ng bahay namin. Uuwi naman siya ng 8pm at kagad naman siyang magpupunta sa rooftop nila, na katapat lang ng rooftop namin, at doon ay magwe'wave siya sa akin. At sabay na kaming papasok ng kwarto.

______________________________________________________________________________

Tuwing gabi nag i'stargazing kami sa rooftop ng bahay nina Gabriel. Kapag 8pm na, uuwi na ako. Kaagad naman akong aakyat sa rooftop namin upang mag wave sa kanya. At sabay kaming tatalikod sa isa't-isa at papasok sa kwarto upang matulog.

*************************************************

Naging close friends kami ni Elaine hanggang highschool. Alam ko lahat ng nagiging crush ni Elaine. Nagseselos ako sapagkat alam kong hanggang kaibigan lang kami, at hindi ako ang gwapo, mayaman at may maipagmamalaking lalaki na nababagay para sa magandang babaeng katulad niya. Pero ang totoo, siya ang gusto ko.

______________________________________________________________________________

Naging close friends kami ni Gabriel hanggang Highschool. Alam ko lahat ng nagiging crush niya, at nagseselos ako sapagkat alam kong kaibigan lang ang trato niya sa akin, at hindi ako ang babaeng bagay sa lalaking kasing bait at kasing gwapo ni Gabriel. Pero ang totoo, siya ang gusto ko.

*************************************************

Kinailangan ni Elaine mag-aral sa Maynila, kaya nagpaalam ako sa kanya. Hindi ko nasabi ang tunay kong damdamin para sa kanya. "Ingat ka", yan lang ang nasabi ko. Natatakot kasi akong sabihin ang tunay na damdamin ko sa kanya dahil alam kong iba ang gusto niya.

______________________________________________________________________________

Kinailangan kong iwan si Gabriel sa Masbate dahil gusto ng Nanay ko na mag-aral ako sa Maynila. Hindi ko nasabi ang tunay kong damdamin para sa kanya. "Ingat ka na lang din", yan lang ang naisagot ko sa kanya.Natatakot kasi akong sabihin ang tunay na damdamin ko sa kanya dahil alam kong iba ang gusto niya, at hindi ako yun.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 29, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

In Another Life ......Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon