"HOY LARA ! BILISAN MO ANG PAGLALABA DYAN MAY LILINISIN KA PA SA LOOB ! Ang kupal kupal gumalaw kabwisit !! "
Haist....
Well ladies and gentleman that's my tita Agnes. Siya ang nagpalaki sakin mula nung iniwan ako ng mama ko sa kanya at hindi na binalikan. Siguro nasa around 1 yr old pa ko nun.
Wala akong naaalala na kahit ano tungkol sa kanya. Hindi din kasi masyadong nagkukwento ang tita ko dahil nga sa galit siya dito sa kadahilanang nag iwan pa daw si mama ng isang palamunin sa pamamahay niya.
Hindi ko naman siya masisi dahil kahit ako nga ay may hinanakit din sa kanya dahil sa pag iwan niya sakin pero kahit na ganun hindi pa rin ako nawawalan ng pag asa na balang araw babalikan niya ako at kukunin sa mapang abuso kong tiyahin at pamilya niya.
Tungkol naman sa tatay ko, hndi ko siya kilala pati na rin si tita ay walang alam ng tungkol sa pagkatao niya. Wala kasing nabanggit si mama kay tita noong iniwan niya ko.
Teka lng ang dami ko nang nasasabi hindi pa pala ako nakakapagpakilala sa inyo. Ako nga pala si Kristine Lara Gonzales. 17 years old na ako at 16 years narin akung nakatira sa bahay ng tiyahin ko. Lara ang tawag ng mga malalapit na tao sakin at isa na dun ang tiyahin ko at ang pamilya niya.
"Opo! Malapit na po akung matapos !! " sagot ko habang patuloy pa din sa pagbabanlaw ng mga nilabhan ko.
Ginawa na nga yata akong katulong ng tita para lang makabayad sa lahat ng nagawa at naibigay nila sakin gaya nalang ng pagkain ko sa araw-araw at pagtira narin sa pamamahay niya....
Nang matapos na ay sinampay ko na ito kaagad at ginawa ang iba pang dapat kong gawin.
Gabi na ng matapos ako sa paglilinis. Nakapagsaing na ako at lahat lahat bago dumating ang dalawa kong pinsan na sina Ana Rose at Carla. Sila ang dalawang anak ng tita ko.
Hindi ako malapit sa kanila dahil sa hindi kami nagkakasundo, medyo may kasamaan din kasi ang ugali ng dalawang yan.
" ahhh ! Ang sakit ng katawan ko ! Ano Lara nakapag luto kanaba't ginugutom na ako ?! " si Carla yan..sabi ko naman sa inyo mala'doña ang dating ng dalawang yan.
"Tapos na, kanina pa." pabalang kong sagot pagkatapos ay umalis na sa harap nila.
Nagdire-deritso na ako sa loob ng kwarto ko para makapagpahinga total kaya nanaman siguro nilang maghain ng pagkain ng sila lang tsaka pagod na din ako at gusto ko nang matulog ng maaga para maaga din akong magising bukas at may pasok na naman.
Haaayyyy !!! (*O*)
Nakakapagod ang araw nato. Makatulog na nga. Nang mahiga ako sa kama ay agad din akong nakatulog dahil sa pagod.
ZzzzZZzzz......
Kinabukasan
Maaga akong nagising dahil nga sa kailangan ko pang pagsilbihan ang mga magagaling kong pinsan at tita. Kung nagtataka kayo kung bakit hindi ko nababanggit ang tiyo ko ay dahil sa maaga siyang pumanaw dahil sa sakit sa puso.
Nang matapos ko na silang pagsilbihan ay ako naman ang naligo at nag ayos ng sarili upang makagayak na ako patungong skwelahan.
Sa isa akong private school nag aaral dahil narin sa nagkaroon ako ng scholarship doon noong sinubukan kong magtake ng exam.
Madrigal Empire Academy
Yan ang pangalan ng pinapasukan ko. Isa sa mga pinakasikat na paaralan sa pilipinas kung saan tanging mayayaman lamang ang nakakapag-aral, sikat na mga tao at angat sa lipunan. Kaya nga laking pasasalamat ko ng maipasa ko ang ibinigay nilang special examination for scholarship. Ako ang kauna-unahang scholar na nag aaral sa MEA kaya madalas akung napagtitripan ng ibang mayayamang studyante. Pero okay lang nasanay na rin naman ako sa pantitrip nila parang naging daily routine ko na nga ang pag iwas sa mga studyante para lang makaiwas sa mga trip nila..Haayysss buhay ko nga naman....
Papasok na sana ako ng biglang....
" Ahhhh !! Andyan na sila !!! "
"Aaaahhhhhhhh !!! "
" OMG !! Ang gagwapo at gaganda talaga nila !!! "
"Ahhhh..kompleto na ang araw ko !! "
Hayy...Ayan nanaman po sila...
Ang tinutukoy ko lang naman ay ang grupo ng Five Stars na binubuo ng limang pinakamayayaman at maimpluwensyang studyante na nag aaral dito sa MEA.
Ito ay sina....
Kim Simon Fernandez-ang pamilya niya ay nag mamay ari ng isang hotel and restaurant businesses, isa rin sa pinakamayaman sa buong pilipinas at kilala din ang pamilya nila sa iba't ibang panig ng mundo.
Stephanie Sanchez-kilala naman sa fashion industry ang mommy niya at ang ama naman niya ay isang sikat na mang aawit hindi lang dito sa Piliinas kundi pati narin sa ibang bansa.
James Gabriel Montero- kilala naman ang pamilya niya sa larangan ng politika. Sabi nila magaling daw kasing magpa-ikot ang ang pamilya nila kaya palaging nanalo.
Atsumi Yoshiko- siya ay may dugong Japanese. Ang kanyang lolo ay isang leader ng yakuza kaya ganun nalang kung respetuhin ito ng mga studyante dito. Takot lang nila sa lolo nito no. Ang pamilya naman niya ay may sarili ring negosyo na kilala din dito sa loob at labas ng bansa.
And lastly....
Lewis Joseph Madrigal- siya naman ang pinakamayaman sa kanilang lima. Anak ng pinakasikat at pinakamayamang business tycoon sa buong mundo. Madami silang pinasukang business at lahat naman nun ay nagtatagumpay at lumalago naman. Isa sa mga pag aari nila ay mga malls, hotel and restaurants, schools since kinder to college, at marami pang ibang businesses. Sila din ang nagmamay ari ng paaralang pinapasukan ko sa kasalukukyan.
Magkakaibigan na sila simula bata pa lamang. Dahil nga sa parehong galing sa mayayamang pamilya kaya agad na nagkasundo at naging magkakaibigan. Bilang lang din ang alam ko tungkol sa kanilang lima, diba nga hindi naman ako isa sa mga tagahanga nila at wala din akong panahon para alamin pa ang kwento ng buhay ng isa't isa. Mas priority ko ngayon ang pag aaral ko at ang makatapos dito ng mapayapa.
Hindi ko nga alam kung bakit ba sila tinitilian? Kung ano ang nakita nila para hangaan sila? Oh hindi ko lang talaga nakikita ang kung ano ang nakikita nila. Well wala naman akong pakialam, nandito ako para mag aral hindi para mag hanap ng lovelife.
"Makaalis na nga, nagsasayang lang ako ng oras dito." Aalis na sana ako ng mapansin kong parang may nakatingin sakin.
O_________________O
Nanlaki bigla ang mga mata ko nang makita kung.....
Tinitignan ako ni JAMES GABRIEL MONTERO !!!!!
Itutuloy.........