Chapter 2

47 4 0
                                    

CHAPTER 2: BAKIT YUN PA?

Nung tumagal todo EFFORT si Jason na magkacrush o magkagusto si Christine sa kanya.

Isang araw,nalaman ni Jason na nag-break sa relasyon ang kanyang dalawang ka-batch at nalaman ni Jason na yung lalaki ang nakipagbreak.

Isa sa mga EFFORT ni Jason para kay Christine ay gawan ng poem,kantahan, at marami pa. Sa mga pagkakataon na yun kinilig si Christine. Kaya maslalong pinagiigihan ni Jason ang pagaaral at ang mga effort na gagawin niya kay Christine.

After a week,matapos magbreak nung dalawang ka-batch ni Jason. Nalaman ni Jason na may gusto si Christine sa isang lalaki at yung lalaki ay may gusto din kay Christine. Nalaman ni Jason na ka-batch niya pala yung lalaki ngunit di niya alam kung sino yun at si Jason ay kinausap ng isa sa mga matalik na kaibigan ni Christine at ang isa sa mga boto para kay Jason na maging boyfriend ni Christine. Ang sabi nung kaibigan kay Jason ay "Walang nabatbat yung lalaki na yun sayo" at nalaman ni Jason na si Sean Harmenio ang gusto ni Christine. Siya yung ka-batch niya na nakipagbreak sa kamag-aral niya. Kung ilalarawan siya isa siyang Tamad,Bastos at iba pang gawain na masasama tulad ng nag-vavandalism siya at sabay pa nun di pa alam ni Christine ang mga pinagagawa ni Sean sa labas ng paaralan o ang totoong ugali nito.

Kaya medyo nawalan ng pag-asa si Jason. Pero nalaman ni Jason na ang daming boto hindi lang ang mga kamag-aral niya ang boto sa kanya kundi ang mga matalik na kaibigan ni Christine. Kaya kahit papano hindi halos nawalan si Jason ng pag-asa. Maslalong nag-focus si Jason ng iba pang gagawin para magkagusto si Christine sa kanya at ang mahalaga pa dun suportado din siya ng kanyang dalawang matalik na kaibigan na sina Jack Serrano at Jake Romano. Kaya sobrang todo ang EFFORT niya kay Christine.

Kinausap ni Jason si Angel ang isa sa mga matalik na kaibigan ni Christine, isa sa mga boto para kay Jason na maging crush o boyfriend ni Christine siya at ang may gusto kay Jack Serrano na matalik na kaibigan ni Jason.Tinanong ni Jason si Angel na "Ano ang namamagitan kay Christine at Sean?" Ang sagot ni Angel ay "Mutual Understanding lang..." Nang malaman ni Jason yun halos nawalan siya ng pag-asa.

Sa huli ay naisip ni Jason na sayang lang ang hirap niya sa pag-gawa ng iba't ibang EFFORT para kay Christine. Napagusapan din nina Angel at Jason na magsisisi si Christine dahil ang pinili niya ay si Sean.

Napasaisip ni Jason na "Hindi niya man lang na-appreciate yung EFFORT ko para sa kanya" ngunit alam parin ni Jason na loob looban niya na si Christine parin ang gusto niya.

The Effortful Guy (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon