Daniel's POV in Chapter 3

6 0 0
                                    

Dapat pala sinabi ko na kay Maria kasi parang niloloko ko lang ang best friend ko, na hindi niya alam na may gusto ako sa kanya. Sana maghindi siya kay Marcos kahit alam kong imposible.Kahit yun na lang regalo sa akin ni best, ikasasaya ko na yun. Ngayon nandito ako sa canteen, nakaupo at hinihintay si best para sunduin kasi may atraso ako doon hinintay niya ako kasi pwede naming lumabas ng Quadrangle at doon muna siya sa library kaso hinintay niya talaga ako kasi nung nag "May I go out" ako nakita ko siya nakatunganga lang kaya ngayon babawi ako kay best, ako naman ang maghihintay para sa kanya. Ayun Nakikita ko na si best papunta dito, hay sana hindi sagot niya prshh....

Daniel: Hi best! Nag-oo ka ba kay Marcos? *Masayang pagkasabi ko, kunyari*
Maria: Oo! Best! Alam mo pala? Sinabi mo sa kanya? I mean sinabi niya sayo?
Daniel: Oo sinabi niya sa akin, ge turuan i mean tulungan ko lang siya ha. Sa pagligaw niya sayo.
Maria: Okay best. (Turuan ko ng leksyon.. De Joke lang... nakakainis ih..)
Lumayo muna ako kay Maria tapos bumalik agad. (hay.. dradrama ba ako? ay susunduin ko pa siya mamaya nalang)
Daniel: Maria, Sunduin na kita?
Maria: Sige best!

Sumakay na kami sa sasakyan ko, syempre pinagbuksan ko siya ng pinto. Ngayon habang naka-upo kami, nakatingin si best sa opposite na direction ko o yung masasabing nating nakatingin na malayo sayo. Nung nasa tapat na kami ng bahay niya biglang hinawakan niya ang balikat niya... Ano to? Nahihiya siya? Yun daw ibig sabihin nun, sa isang Science book ko.

Daniel: Umh... Maria... Ah... sige bye best
Maria: Bue Daniel, Kita kits bukas.
Daniel: Ge Lang, Bue na...

Paalis na ako nang tumulo luhaa ko. o diba? luha kong gustong lumabas, lumabas agad-agad. Paalis palang ako... Ang hirap ang sakit siguro na wag ko nang sabihin kay Maria ang nararamdaman ko baka pagtawanan lang niya at lumayo ang loob niya sa akin, at baka mawala pa, alam ko na... Alam ko na mas gusto niyang maging boyfriend si Marcos kesa sakin. Ito bestfriend lang niya... ang sakit... </3 ... Pangako ko sa sarili ko bestfriend lang talaga...

*Next day, Fast forward, yung nasa school agad ako*

Hay... prsh... hirap... hayy...
Kailangan ko na talagang masanay... Nandito kami nina Marcos at Maria sa corridor. Nasa Left ako, nasa gitna si Marcos at nasa right naman si best. Naka-akbay si Marcos kay Maria prsh... ang sakit... Naririnig ko silang nagtatawanan habang ako.. out of place.. Bagay sila... kaysa kami...

Maria: Huy! Daniel, bakit ganyan mukha mo? *Hay... napansin pa niya...*
Daniel: .....
Maria: Huy! Bahala ka na nga.
Marcos: hahaha... *Mahinang tawa ni bugok*

Ngayon lumayo si best at nakatingin lang ako sa likod niyang papalayo sa akin na kasama si Marcos ang sakit... Ang sakit-sakit </3
Ang hirap ng sitwasyon ko di ko kaya... kahit ligaw palang sila di ko na kaya... eh paano kung magsyota na sila? Di ko alam... Siguro mawawala na ako sa buhay niya kung mangyayari yun.

*Fast Forward

Hayy... nasaan kaya si best? Di ko alam uwian nun... kailangan ko pang sunduin... ng biglang lumapit dito sa akin si best.

Maria: Hi Daniel :">
Daniel: hello best *habang nakayuko*
Maria: Wag mo na pala ako sunduin mamaya, susunduin kasi ako ni Marcos eh, gusto mo sumama?
Daniel: Ayaw ko, baka masaktan pa lalo ako.
Maria: Ano sabi mo?
Daniel: Ah.. wala-wala, sabi ko bawal kasi may assignments pa ako, gagawin ko yung iba dito.
Maria: Sige, ikaw bahala.

Tumingin ako kay Maria at ang nakita ko ay si Marcos na nakaakbay kay best... hayy... suko na talaga ako tadhana.. Siguro hindi siya yun.. di dapat, di na ako tumingin...
Hindi ko na napansin na lumapit sa akin si best, bigla na lang siyang nagsalita.

Maria: Oo nga pala best, kami na ni Marcos hehe :">
Daniel: haha... *mahina kong tawa*
Maria: Sige best punta na kami ni Marcos doon sa bahay ko, kita kits bukas
Daniel: Ge...

Parang humihina ako di ko kaya... ang sakit... Ano ba itong tadhana? Magpapasko na kaso... hindi ko alam kung kaya ko pang humarap kay best kasi naman eh naaalala ko lahat ng pangyayari... Ang hirap...

Nung sumunod na araw umabsent ako mga magdedecember 23 ata yun? at december 24 ang christmas party at oo late kaming mag christmas party at christmas break. Basta ipapadala ko na lang yung Story na gusto niya... bakit kaya di niya ako tinatanong kung anong nangyari sa akin? Hayaan ko na si Marcos siguro... . Ngayong December 24 Di ako pumasok di ko kasi kayang makita sila ni Marcos... Ang hirap...

Daniel: Ma, ipadala na lang ito sa aking bestfriend na si Maria
Mama ni Daniel: Sige anak.

Hay matapos ng Christmas break, siguro kaya ko na ay hindi, kaya ko dapat. Hay kumakatok si best... bahala siya... tumatawag na rin.. well bahala ka... Pagkapunta ko sa school di na daw sila Maria at Marcos. Ano ba ito kung kelan ko kaya doon sila naghiwalay.
Maria: Hi best... musta ka na? tumatawag ako sa inyo at kumakatok di mo naman ako pinapapasok. May atraso ka sa akin. 

------------------------

After 1 year. Inupdate ko na wahahaha. xD 
Wala lang kasi akong magawa tsaka maraming school works -__- :D :))
Actually, last year pa itong nakasulat sa notebook ko. Itong chapter 3, kaso tinatamad lang. ^___^
Tsaka Pinapapost po ng dalawa kong special Readers <3 XD :D

We Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon