CHAPTER 1
"Iiihhhh! Bez, gisinggg!" isang malakas na tili ang gumising sa akin gawa ng napakabait kong Bff na si Sabrina Kaye Alvarez. Jusko! Nabasag na yata ang eardrums ko sa lakas ng boses niya! Walang patawad sa taong masarap ang tulog!Ngunit hindi ko naman siya masisisi dahil ever since na ipinanganak yata kami sa mundo, eh, halos kulang na lang ay magdikit ang aming mga bituka just to say how much we're close to each other.
Since grade school pa lamang kami hanggang maka-graduate ng college ay mas lalo pang tumibay ang pagkakaibigan naming dalawa. Iisa ang hilig, paborito at panlasa. Halos sa ugali man ay hindi rin nagkakaiba.
Maliban na lang kung usaping puso ang pag-uusapan, d'yan kami walang pakialamanan!
Pagbali-baliktarin man ang aming mundo, magkaiba pa rin ang tibok ng aming puso. Kailanman ay hindi magiging problema ang lovelife because we will never assume to get involved in any love triangle. We respect our private matters, and never namin naisip na darating kami sa point na pag-aawayan namin ang tungkol dito.
We deemed ourselves like a real, twin sisters. We love each other, damn much! At sa sobrang close, at home na kami sa bahay ng isa't isa. Like today, nambubulabog siya sa kasarapan ng aking pagtulog! Nauna pa siyang manggising sa alarm clock kong naka-set upang tumunog!
"Bangon na r'yan, Bez, daliii! Male-late tayo, ano ka ba?" sabay hila sa kumot kong maganda ang pagkakabalot sa aking katawan.
"Bez, ano ba? Napakaaga pa! Nauna ka pa nga sa alarm clock ko, susme! Wala na bang chance na tanghaliin ang manok sa unang pagputak niya?" reklamo ko kay Sab habang naghihikab pa.
"Bez, bawal ma-late! First day of work tapos gan'yan ka? Bawal ang babagal-bagal ang kilos baka hindi na natin abutan ang ip*t ng manok na sinasabi mo. Early bird's catch the worm, so gora na! Go, go, go! Bangon na at maligo ka na!" sabay hila sa akin pabangon sa kama at hinatak pa ako papunta sa banyo.
"Aww, dahan-dahan. Kaya ko naman na, eh! Gusto mo paliguan mo na rin ako para sulit panggigising mo? Wacha think, Bez, hmmn?" biro ko sa kaniya na tataas-taas pa ang kilay.
"Ahahaha! Bwisit na 'to, gusto mo pa akong abusuhin, Bez, huh? Nyek-nyek mo! Ano ako, caregiver mo? Papa-alila sa'yo? Nah, magtiis ka na lang na bumaho! Ba'la ka d'yan!" sagot naman niyang kunwari ay napipikon.
"Hahaha, masyado! Laglagan na pala, huh! W-wait, Bez--- dahan-dahan! Excited much ka, eh! Maaga pa naman kasi talaga!" reklamo ko habang itinutulak ako papasok sa loob ng banyo.
"Shuuu! Bilis na dami pa sinasabi, eh," pagtataboy niya, at wala na akong nagawa kundi sundin at magsimula na upang maligo.
Samantala, ilang minuto pa lang ang lumilipas nang marinig ko ang boses niya mula sa labas, "Bez, sa ibaba na lang kita hihintayin, huh? Bilisan mo at baka mainip ako, iwan pa kita r'yan," paalam nito.
"Huuu, Oo na, sige! As if naman na kaya mo, hahaha!" sagot ko naman at tinawanan siya.
"Tse! Bilisan mo na, dami pa sinasabi, eh," aniya at narinig ko ang pagbukas ng pinto tanda na lumabas na nga ito.
Nang matapos sa paliligo, lumabas na ako sa banyo, at agad na lumapit sa wardrobe upang pumili ng maisusuot.
Dahil sa natural ang pagiging maganda, hindi ko na kailangan pa ng maraming make-up or kolorete sa mukha. Simpleng guhit lang ng eyebrow pencil sa kilay, pahid ng liquid foundation sa buong mukha, cheek tint sa pisngi, at manipis na lipstick lang sa labi ay sapat na.
Nang makitang ayos na ang aking itsura, agad na akong tumayo upang sipatin naman ang damit kong suot sa isang full length mirror na nakasabit sa wall.
BINABASA MO ANG
Back To Me✔️
RomanceHEARTS CLUB SERIES 1 Maibabalik pa ba ang dating samahan at pag-iibigan kung pareho ninyo nang tinapos ang ugnayan n'yo dahil may mga pangyayaring sobrang nakasakit ng iyong damdamin? Paano kung may mga bagay na sa halip na bigyang paliwanag ay pini...