Chapter 2.2

11.9K 240 8
                                    

Napaaga ako nang dating sa school. Habang naghihintay sa oras ng klase, naupo muna ako sa bench na tambayan ng aming barkada. Ilang minuto lang ang lumipas, dumating na rin sina Dylan at Drew.

"Sup, Bro? Aga, ah?" bungad na tanong ni Dylan.

"Hindi naman, pero kayo, bakit ang aga n'yo rin?" balik-tanong ko sa kanilang dalawa.

"Hehehe! Kasi alam naming maaga ka kaya inagahan na rin namin," walang kwentang sagot ni Dylan na tatawa-tawa pa.

"U-tang na loob, Bro, ang sabihin mo makikipagkita ka lang sa isang s'yota mo! Ako pa idadahilan mo. Lul na ‘to!" I said while my forehead gets frowned at him.

"Alam mo naman pala, itatanong mo pa. Hahaha!" at humagalpak na ng tawa ang loko. Gago talaga!

"Hahaha, iiskor ka ba muna? Ang aga, Bro, huh?" ani Drew, na napapailing na lang.

"Hahaha, lul ka rin, Bro. Drew! Tang'na! Hindi ba pwedeng nagbagong buhay na 'ko? Anong pinagsasasabi ninyo?" sagot ni Dylan na kakamut-kamot sa ulo. "Usong maniwala paminsan-minsan, ‘no?" dugtong pang anito sa amin.

"Hanep ka! Eh, kabi-kabila kasi ang mga babae mo, sinong maniniwala sa 'yo? Tsss, lokohin mo itlog mo! Ewan ko na lang pag 'di ka pa nakatapat ng kakarma sa iyo," naiiling na rin na turan ko sa kaniya.

"Naku, hindi 'yan, Bro, aanhin mo pagiging gwapo mo kung buburuhin mo lang ‘to? Alam n'yo namang mabait akong tao, ‘di ba? Ganito lang naman kasi kasimple ‘yun… gusto nila ng sarap, e’di akin itong ipalalasap! Hahaha!" proud pa siyang ikwento ang kaniyang kalokohan.

"Tang*na ka, Bro, lakas ng bilib mo sa sarili! Minsan subukan mo namang mag-lie low, nang makapagpahinga naman ang sperm mong nagiging tiyanak sa tissue, bwahahaha!" sabay hagalpak ng tawa ni Drew sa kabila nang pabirong pagbibigay ng advice rito.

"Landi-landi mo kasi, hahaha! Ikalma mo kasi iyan kahit ilang araw lang, ahahaha!" nakatawang dugtong ko sa kaniya.

"Hahaha, mga Gago!" mura naman ni Dylan sa amin.

Sa kalagitnaan ng aming pagtatawanan, nakita ko ang pagpasok ni Shei mula sa malaking gate. Napatigil ako sa pakikipag-biruan, at agad na tumayo. Sinalubong ko ang Babe ko nang nakangiti.

"Babe!" pagbati ko, na kumuha agad sa kaniyang atensyon.

"Oh! Hi, Babe! Ang aga mo yata? At oww, totoo ba 'to? Pati barkada mo narito na rin. Anong nakain n'yo? Parang sa pagkakaalam ko laging last minute kayo kung dumating ng school, ah? May ganap bang kakaiba?" sambit niyang napapa-isip pa.

Nginitian ko lang siya, at pagdaka'y kinuha ang ilang librong bitbit niya. "Babe, naman! Hindi naman lagi, minsan lang, hahaha! Pero ang totoo, hinihintay talaga kita! Ihahatid kita sa klase mo," sagot ko, at umakbay sa balikat niya.

"Hmmm... 'kaw talaga, Babe! Nagsimula ka na naman!" sagot niya, at saka pinindot ang aking ilong. "Uughhh!" pinag-trip-an na naman niya ito.

"Tara, Babe, lapitan natin ang mga Gunggong," 'aya ko, at nang makalapit sa barkada, binati ni Shei ang mga ito.

"Hi, Guys, kumusta?"

"We're fine, Shei. Hmmn, teka... parang hindi mo yata kasabay si Sungit?" tanong ni Dylan sa kaniya.

"Ah, hehehe! Oo nga, eh, but she texted me na she's on the way na, why you asking me ba? Huwag mong sabihing... type mo siya? Ikaw, huh, umayos ka!" at pinanlakihan ng mga mata ni Shei si Dylan.

Napaismid naman si Dylan, gago! "Naku, naku, naku! Si atay ng sungit? Tsskk, pa'no ko mata-type-an 'yon, eh, mukha siyang tigreng gala! Ay, hindi. Dragon pala! Tingin mo magkaka-syota 'yon? Eh, mukhang bubuga ng apoy ang babaeng 'yon anytime. Eh, kung matupok ako? E'di kawawa naman ang gandang lalaki ko!" tang*na talaga! Kagaan ng bangko ng puta!

Back To Me✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon