"KUYA! DALIAN MO!!!" sigaw ko sa kuya ko na halos isang oras ng nasa salamin, dinaig pa ako. Ang bagal bagal niya mamaya andon na pala yung prince charming ko di ko nanaman siya makikita.
"NAGMAMADALI KA MASIYADO! EH ANG AGA AGA PA! MAUNA KANA NGA!" sigaw niya. Nagsisigawan kami kasi nasa labas ako nasa loob siya "SABI MO YAN HA? UNA NA AKO! MA, PA ALIS NA PO AKO!!!" paalam ko at tyaka nagmadali ng sumakay sa tricycle.
Kung minamalas ka nga naman "URGH TRAFFIC?!" angal ko. Hays, yung kaninang pagmamadali ko, nawala na. Hindi ko nanaman yata ulit siya makikita. Sabagay, ilang araw ko narin naman na siyang hindi nakikita.
Tinatanong niyo kung sinong siya ang tinutukoy ko? Hindi ko rin alam eh. Basta ang alam ko college na siya, architect ang kurso niya at sa Avery Kingdom siya nag-aaral. Bukod sa mga yan wala na akong ibang alam tungkol sakanya. Hindi ko alam kung anong ginawa niya sa akin kung bakit ako ganito sakanya. Nagsimula to noong mga araw na nakita at nakasabay ko siya...* F L A S H B A C K*
"MANONG DRIVER!!!" Sigaw ko sa driver ng jeep na paalis na
"Pwede pa po bang sumakay?" tanong ko, kailangan na kailangan ko lang talaga dahil LATE NA AKO!
"Oo naman iha, may tatlo pa." Sabi ni manong driver kaya agad naman akong sumakay. YES! OMAYGHAD! SANA MAKAABOT PA AKO.
Habang bumabiyahe, tinitignan ko isa-isa ang mga pasahero. Gawain ko naman na to dati, wala ring bago yung iba nagcecellphone, yung iba umiiglip, yung iba nagrereview. Sa pagtitingin ko, merong isang lalaki ang kumuha ng atensyon ko long hair siya na medyo brown ang kulay, matangos ang ilong, gwapo siya inshort. Habang busy akong nakatingin sa kanya bigla nalang din siyang tumingin sa akin! Syempre umiwas ako. Nahalata niya yata ang pagtitig ko sakanya. Buti nalang nong lumingon siya, saktong bababa narin ako. Habang naglakakad ako sa may gate siya parin ang naalala ko nang biglang maalala ko na late na pala ako!!! "KAINIS SA KAKAISIP KO SA LALAKING YUN NAKALIMUTAN KONG LATE NA PALA AKO!" asar kong sabi habang tumatakbo, urgh nasa dulo pa naman yung building namin. Nako naman! >.<
"WALA SI MA'AM MAY MEETING DAW LAHAT NG TEACHERS."sigaw ng class president namin. Dahilan para lahat sila magsaya, samantalang ako, hindi ko alam kung magsasaya pero thankful narin ako kahit useless lang yung pagod ko. Umupo nalang ako sa isang tabi, isinuot ang earphones ko. Naisip ko nanaman yung lalaki, para talagang may something sakanya na hindi ko ma-explain. Pero dahil nga yun ang unang pagkakataon na nakita ko siya, binalewala ko nalang.
~
THE NEXT DAYMaaga akong pumasok ngayon, may kailangan kasi kaming tapusin. At dahil nga maaga ako, madali lang din agad ako nakaalis . Paalis na yung jeep, bigla ko siyang nakita. Alam mo yung itsura ng hindi napagbigyan? Ganon, ganon na ganon ang itsura niya. Hindi ko alam kung matatawa ako sakanya o hindi, pero napansin ko nakatingin siya sa akin, kaya umiwas nalang ako. Habang naglalakad na ako papuntang room namin, napapaisip ako nanaman ako, napakamysteryuso naman talaga ni kuya.
~
Akala ko yun na yung huling beses na makikita ko siya pero hindi pa pala. Hindi lang isa o dalawang beses ko siyang nakita. TATLO, OO TATLONG BESES.Pasakay palang ako nakita ko na siya, alam ko nakatingin siya hanggang sa pag-upo ko kaya sa may bintana nalang ako tumingin. Eh kaso nangawit yung leeg ko kaya humarap ako at siya ang nakita ko, siya na nakatitig sa akin. Alam mo yung feeling na para akong minamagnet ng mga mata niya. Hahahaha! Nakipagtitigan din ako sakanya hanggang sa ako rin ang sumuko, sumuko ang mga mata ko. Sakto rin naman at bababa na ako. Gusto ko sana ulit siyang tignan, kaso baka mamaya nakatingin siya kaya di nalang ako lumingon.
Nang makarating na ako sa classroom, wala raw ulit ang nga teachers. Kaya ayun, nagmuni muni nalang ako at iniisip ko siya. Iniisip ko parin yung eye to eye namin.
YOU ARE READING
AKALA KO SPARK NA...
FanfictionAkala ko totoo na yung mga sign, akala ko ito na yung true love ko, yun pala AKALA LANG ANG LAHAT.