Chapter 2 – The Encounter
= = = = = = = = = =
"Queen!"
"Queen!"
"Queen!"
"Queen!"
"FUCK!"
Nagulat ako ng matapunan ako ng nag-iinit na kape. Leche, first day ko palang dito grabe na ang malas na inabot ko.
"Oh my God, Queen!" Sigaw ng magagaling kong bestfriends. Tinignan ko naman kung sino yung nakatapon sa akin ng kape.
"Hoy! Hindi ka man lang ba magso-sorry sakin?" Sabi ko sa kanya. Hindi ko pa nakikita ang mukha niya dahil natatakpan ito ng cap at nakayuko siya.
"Hoy! Ano ba! Yuyuko ka nalang ba diyan?" Sigaw ko pa sa kanya pero nakanatiling yumuyuko siya.
"Oh ano? Yuyuko ka nalang ba diyan? Nahiya ka na siguro no? Hindi ka man lang nag-iingat! Akala mo kung sino ka. Sayo ba tong school? Ha? Hoy! Sumagot ka!" Sigaw ko parin sa kanya. Sasabat ulit sana ako ng kinuha niya ang cap at tumingin sakin. Ay shemay, ang gwapo. Leche, Queen tumino ka nga. Hindi siya gwapo. Mukha siyang hoodlum.
"Tsk. You're so noisy." Sabi niya lang at umalis na. Nainis naman ako sa ginawa niya kaya kinuha ko ang sapatos ko at binato sa kanya. Bullseye. Okay rin naman pala ang pagbabasketball ko buong summer kasama si Kuya eh.
Nag-gasp naman ang mga tao sa hallway. Woah, I didn't noticed that they're here earlier. And again, I heard some whispers.
"Hala, kinalaban niya si King."
"Lagot siya sa Royalties."
"I'm sure di siya tatagal sa sa school."
"Bukas siguro wala na siya dito. Sayang, ang ganda pa naman niya."
King? Mukha nga siyang hoodlum eh. Mas bagay sa kanya ang pangalang gorilla. Mukha siyang unggoy eh. Humarap siya sakin at nakapalibot sa kanya ang dark aura. Napalunok naman ako. Shit, kinakabahan ako. Ano ba 'tong pinasukan ko? Dear God, please forgive my sins.
"Kilala mo ba ako?" Sabi niya habang papalapit sa akin. Napalunok naman ako ng sunod-sunod.
"Kilala mo ba ako?" Tanong niya ulit ng dahan-dahan. Nang makalapit siya sakin ay tinignan niya ako mula ulo hanggang paa, and I saw him smirk.
YOU ARE READING
The Royalties [ON HOLD]
Romance"You're still the same since I first saw you. You're still the spoiled brat kid that I used to know. And you're still the Queen that I know." - King Adonis Padilla