Agad kong tinanggal ang strap ng suot kong sapatos pagkarating ko sa kwarto. Umupo ako sa kama upang mas mapadali ang ginagawa ko. Ramdam na ramdam ko ang kagustuhan ng aking katawan na humiga na at magpahinga. This day is too stressful and tiring! All I ever wanted right now is to rest! Sa sobrang dami ng gawain sa opisina kanina, halos nakalimutan ko ng kumain. I skipped lunch! Ang tanga ko naman! Nasa opisina ako kanina ng isang branch ng restaurant namin, ni hindi ko man lang naalalang kumain. And my crew? Bakit hindi nila naisip na dalhan ako ng pagkain? Damn! I think I need a new set of crew.
Nahiga ako sa kama at pilit na naghahanap ng tulog ngunit sa bawat pagpikit ng aking mga mata, tanging problema lamang sa restaurant namin ang aking naaalala.
Our family business is restaurant. Not just one, but almost 50 branches of restaurant ang meron kami sa iba't-ibang panig ng pilipinas. Mostly, located sa mga sikat na resort. And this year, we have upcoming 2 more restaurant to open somewhere in Batangas, iba't-ibang lugar sa Batangas, syempre.
Nasapo ko ang aking ulo nang maalala ang meeting kanina. I stand as the CEO at syempre may mga family members and relatives kami na nagsosyo sa business namin. My dad wants to open a restaurant in Asia, specifically, Singapore. Agad akong tumanggi at umiling sa gusto niya.
"Dad, almost five of our restaurants are failing and we had an upcoming restau to open in Batangas. We can't handle another restaurant lalo na't napakalayo ng gusto mo." But still, ipinipilit ni Daddy sa akin na gawan ko ng paraan ang gusto niya at bigyan ng solusyon ang mga problema sa restau namin.
Sumasakit ang ulo ko sa ala-alang iyon. Halos wala na akong oras para sa sarili ko. Napag-iwanan na ako ng panahon! My God!
My friends are getting stable! Si Jessica may anak na. Si Jenn naman ay engage na sa long time boyfriend nito. At si Arra naman ay ikakasal na sa susunod na linggo! And I am here, 26 years old, walang karelasyon at walang panahon sa pag-ibig! Damn! Baka maexpired ang matres ko!
Napabalikwas ako ng maalala ang nalalapit na kasal ni Arra. Nakiusap nga pala siya na kung pwedeng kami ang maghandle ng cater sa kasal niya! Kinapa ko ang cellphone ko sa aking kama at agad na tinawagan ang main restaurant namin dito sa Manila.
Nakailang ring ang telepono bago may sumagot. "Hello, good evening Madam January Asha..." Napairap ako ng marinig ang buong pangalan ko sa head chef namin. Ayaw ko talaga na tinatawag ako sa ganun. I prefer Jana.
"I would like to know about the upcoming wedding of Arraleria Umali." Bumangon ako.
"Ah, okay Madam. Let me check on that. Tayo po ang mag-cater sa kasal?"
"Yes." Maikling sagot ko. Natahimik ang nasa kabilang linya. Konting segundo lang naman at agad siyang nagbigay ng mga information sa kasal including the menu.
"How many expected guests?"
"200-250, Madam." What?! Ganun kadami ang bisita nila Arra?
"Pakisabi kay Chef Tomas na ihanda ang baking section natin probably next week, the two days before the wedding. And I'll email the needs tonight."
Binaba ko ang tawag matapos sumang-ayon nang kausap ko. Baka si Mary or Ideth ang nakausap ko kanina.
This is my life! I took up Engineering during college then pursue Business Ad after I pass the board exam. My mom said I was dad's favorite kaya nais niyang ako ang mamahala ng business namin. Pinayagan lang akong kumuha ng engineering course kahit na ayaw ni Daddy.
I am into baking. Maybe it runs in the blood. Sikat na Chef noon si daddy. Hindi naman kami mayaman noon pero dahil sa talento ni daddy sa pagluluto ay nakapagbukas kami ng isang maliit na kainan hanggang sa nakilala ang kainan na pinangalanan niyang dBm Restaurant, Don Bonifacio Magtibay. Sinang-ayunan ni mommy ang pangalan ng restaurant dahil ayon sa kanya ito daw ay term sa Electronics Engineering, na siyang tinapos at profession ni mommy. She's a registered ECE. While I'm a registered Electrical Engineer.
![](https://img.wattpad.com/cover/40747209-288-k723697.jpg)
BINABASA MO ANG
Take Me To Your Heart
RomantikWARNING: May contain scenes that are not suitable for young readers!