Malamig ang simoy ng hangin na dumadampi sa aking mga balat na hindi natatakpan. Maliliwanag ang mga bahay at may amoy na nagluluto na ng umagahan. Pumikit ang mga mata ko at nilanghap ang sariwang hangin. NAKAKAGUTOM NAMAN! AMOY TUYO!
Alas kwatro palang ng umaga pero gising na ang mga tao at kanya-kanyang lakad papunta sa simbahan upang magsimbang gabi. Niyakap ko ang sarili ko dahil sa hangin na pumagaspas kahit na nakajacket ako.
Nakakamiss din pala ang ganito. Sampung taon! Sampung taon akong hindi nagsisimbang gabi dahil lang sa kanya. Sampung taon ko din siyang iniwasan at kinalimutan pero ngayon may lakas na ako ng loob na harapin siyang muli.
Umalis ako sa lugar na to dahil lang sa kanya at uuwi lamang pag magsisimula na ang simbang gabi kahit ganon ay hindi pa rin ako nagpakita at nangahas na kausapin siya.
“Halika na Sam.” Minulat ko ang mga mata ko at nakita ko ang Nanay at Tatay kong handa na para sa simbang gabi dahil ngayon ang unang araw. Sana lang makumpleto ko ito para naman matupad ang aking kahilingan.
Iniangkla ko ang dalawang braso ko sa kanila at pumuwesto sa gitna para maglakad papunta sa simbahan. Ang sarap sa pakiramdam na nakakabanding ko ang mga magulang ko sa ganitong okasyon ngayon. Ang huli kasi namin magkakasamang sumimba ay nung kinse anyos palang ako.
Nasa tapat na kami ng simbahan. Pinagmasdan ko muna ang kapaligiran ang buong simbahan na kumukutikutitap dahil sa mga ilaw at ang mga tindahan na may tindang puto bumbong, bibingka at iba pa. Pumasok na sa loob,inilibot ko ang aking mga mata. Medyo marami ng tao pero meron pang upuan sa mga gusto makinig ng misa. Ang laki na ng pinagbago nitong simbahan. Maganda na hindi katulad dati na medyo hindi pa ayos at napakasimple lang, ngayon ay napakagarbo dahil sa kulay ginto na nakapaligid.
Nagbigay galang kami sa Panginoon bago umupo. Naghahanda na ang mga sacristan para sa pagsisimula. Hanggang sa tumunog na ang maliit na bell at nagsimula na ang mga ito na humakbang. Tinignan ko sila… Hanggang sa makita ko ang isang bulto ng tao na ang sagradong kasuutan ay kulay asul.
Bumilis ang tibok ng puso ko. Itinaas ko ang aking paningin upang tingan ang mukha nito na seryosong nakatingin sa santo sa harapan. Wala pa rin siyang pinagbago. Mali! Malaki ang pinagbago niya. Lalaking-lalaki na siya ngayon at lalo pang gumwapo.
Hindi niya ata ako nakita o sadyang hindi siya lumingon sa akin dahil nakita naman niya ang magulang ko at tumango sa mga ito. Labis na nagdaramdam ang puso ko dahil ngayon na nga lang ako sumimba ganito pa ang igaganti niya sa akin.
Muling bumalik sa balintanaw ko ang nakaraan. Nakaraan naming dalawa bilang MATALIK na KAIBIGAN. Magkababata kaming dalawa at laging magkasama saan man pumunta.
“Sam may sasabihin ako sayo.” Malumanay niyang tinignan ako. Ngumiti ako sa kanya dahil baka parehas lang kami ng gusting sabihin.
“ano yon?” Hindi pa rin maalis ang mga ngiti ko sa aking labi. Ito kasi din yung araw na napagtanto na gusto ko siya. Hindi mali pala. Mahal ko na siya. Sa murang edad ko na kinse ngayon ko lang naramdaman to. Yung nagseselos kahit kanino lalo na sa mga babaeng nakakausap niya. At lagi ko din siyang hinahanap. Hindi buo ang araw ko ng hindi man lang siya nakakausap o nakikita. Ito na nga ang tinatawag na PAGMAMAHAL.
“Papasok na ako sa kumbento upang magpari.” Seryoso ang mga mukha niya habang sinabi ang mga iyon. Naghihintay ako na sabihin niya na nagbibiro lamang siya pero maguguho na ata ang mundo wala akong maririnig na imumutawa iyon sa kanyang bibig.
Nawala ang mga ngiti ko dahil labis na gumuho ang aking pag-asa na mahalin din niya ako. “H-Huh? K-kailan?” Pinilit kong magsalita at ngumiti kahit na alam kong tutulo na ang mga luha sa aking mga mata.
BINABASA MO ANG
Simbang Gabi (ONE SHOT)
Short StoryONE SHOT PUTO BUMBONG, BIBINGKA, ATBPA LAHAT NG YAN AY MAYROON PAG NAGSIMBANG GABI KA. SAKIT NG NARARAMDAMAN, KILIG, SELOS, AT BILIS NG TIBOK NG PUSO LAHAT NG YAN AY NARARAMDAMAN KO NGAYON.