One

44 0 0
                                    

Sabado ngayon at nandito ako sa napakainit at napaka ingay na lugar.

Nasa paradahan ako ng jeep. Nakakainis lang at wala akong magawa.

I'm on my way to our school.

Wala akong Saturday class pero pinapapunta ako ng terror professor na yun.

Nakakainis. Big time.


"Oh, Hi Miss Dela Ran." nakangiting salubong sa akin ng terror professor ko

Nandito na ang dahilan kung bakit ako inis na inis. The nerve!

Hindi ko na lang siya kinausap. Ayaw ko sa lahat yung plastikan. Dumerecho na ako sa school garden namin at inaayos ko na ang mga gagamitin ko.

"Yes natapos ko din. Sana mabuhay ka na kahit hanggang one month lang. Please." kinakausap ko ang lupa at ang maliit na halamang tapos ko ng diligan.

Ito ang dahilan kung bakit kelangan kong pumasok ng 7am this saturday.

Kung bakit ba naman kasi hindi ako marunong mag tanim.

Ang unfair ng life.

Mukha naman siyang madali, pero pag ako na yung nagawa parang ang hirap hirap.

Wala talagang nabubuhay sa mga itinatanim ko, kung hindi sila aabutin ng isang linggo, hanggang tatlong araw lang.

Bakit kasi hindi ako biniyayaan ng golden hand? Edi sana, hindi ako gumigising ng maaga tuwing sabado.

Tatlong linggo na ako pinapabalik-balik ni Ma'am Lina sa school na ito para lang pag tanimin.

Hangga't hindi daw nabubuhay ng dalawang linggo ang itinanim ko, uulitin at uulitin ko daw yun.

She's so unfair.

Mas unfair pa siya kesa sa life e.

Kasalanan ko bang hindi ito mabuhay ng kasing tagal niya. Tss.

Sheez naman talaga yung matandang dalagang iyon. Kaya siguro wala 'yong asawa dahil napaka strikta niya.

Lahat ata ng manliligaw 'non pinagtatanim niya. Dapat magpaligaw na lang siya sa magsasaka ng may love life na siya ngayon at hindi ako ang kinukulit niya. Kung hindi lang ito grade, nako!

"Ma'am Lina I think this might be our last saturday together. I'll make sure na mabubuhay ang halaman na yan, hindi lang dalawang linggo kundi ng isang buwan." proud na proud kong sabi.

Nagsearch lang naman ako sa internet kung papaano mag tanim and I'm really sure na mabubuhay yan dahil sinunod ko naman ang lahat ng nakalagay sa internet. Tinanong ko ang lahat ng do's at dont's na dapat kong gawin para lang mabuhay ang halaman na yan.

"Wow feeling proud huh? Well see." makikita mo talaga ma'am.

"I'M HOOOOOOOOOOOOME!" yes, nakauwe rin ako. Gusto ko ng matulog buong araw.

Nakakapagod talaga mag tanim. Saludo na talaga ako sa mga magsasaka.

Paano kaya nila nakakayang mag tanim ng malaking lupain? Ako nga, isang paso lang hindi ko pa magawang buhayin.

Pasalamat na lang ako at may internet na kaya akong tulungan.

--

At Monday na naman. Naglalakad ako ngayon papasok ng napakalaking gate sa school namin.

Puntahan ko nga muna yung itinanim kong Rose. Baka gutom na yun at kelangan ng pakainin ng tubig at fertilizer.

"Lalalalalala ang ganda ng ambiance sa lugar na 'to." kinuha ko na ang mga gamit pandilig at ang fertilizer. May pagkanta pa talaga ako. Nako Mabuhay ka na sana aking munting halaman.

No Time For Next TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon