Author's Note: Finally! Naka-update na rin ako! So, andaming cheesy na mga pangyayari sa story nato and to tell you honestly, mga experiences ko 'halos" ang sinusulat ko dito pero di naman lahat syempre. HAHAHA! Basta yun. --
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Sorry to tell you guys, pero di ko kilala ang nagbigay ng boquet sakin. So syempre, di niyo rin siya kilala. HAHAHAHA! xD Perooooo, yung note mula sa boquet ang nakakuha ng attensiyon ko:
I have loved you since the first day I saw you..
-ATD
Naramdaman kong humigpit ang pagkakapit ni Ken sa balikat ko.
"ATD??" Hinabol ko ang lalaking nagbigay sakin ng boquet but I was too late bumalik na siya sa stage at iniwan niya akong tulala long sino 'tong ATD nato. -__-
"Omg! ATD? Ang Taong Duling? HAHAHAHA" -Natalia
"Hoy, A T D oh! Ang OBVIOUS kaya! ADRIAN TROY DEL ROSARIO!" -Pasigaw ni Rianna para marinig ko sa kabila ng maingay na mga tunog
"Ano na naman bang gimik ng Del Rosario na yan haaa?!" -Ken
"Malay ko ba? Di nga nakikipag-usap sakin yung mokong na yun" -Ako
"Di nakikipag-usap o Di mo kinakausap? Hay Jenessa" -Natalia
"Bahala na kayong dalawa! Ken, uuwi nako. Dito ka lang?" -Ako
"Uuwi na rin naman ako, halika hatid na kita sa gate," -Ken
"Sigesige. Uy kababaihan! Mauuna lang kami ha? Byeeee!" -Ako
"Okayokay! Ingats!" -Sabi nina Natalia at Rianna
Pagkatapos kong makarating sa bahay, pumunta na ko sa kwarto ko pero paulit-ulit kong naiisip yung nakasulat sa note:
I have loved you since the first day I saw you..
I have loved you since the first day I saw you..
I have loved you since the first day I saw you..
"Ugh! Ano kaba JENEEESA?! Umayos ka."
Sino nga kaya si ATD nato? Nakakalito na. Psh. :3
Tapos biglang may nagtext sakin:
Si Angela pala SSG President namin.
Fr: Angela
11:56p.m.
Good pm, punta kayo bukas sa school ha? 6:30 am. Bawal malate. Mag-aarange pa tayo ng stage. Okaaaay?
Oo nga pala. Hayyy. -_- Ssg election pala namin bukas kaya matutulog na dapat ako. Kaso di pa rin umaalis sa isipan ko yung note e. Psh.
Paggising ko "panic mode" agad ako. Panu ba e 6:00 am na tapos 6:30 am yung usapan. Oh well, whateves. Haha
Pababa ko sa car, guess what kung sino yung nakita ko? ATD! -.-
Ang aga-aga nakakaBV.
"Hi Miss! :)" -Adrian
Oh? Anong pumasol sa isip ng mukong nato at kinausap ako bigla? Tinalikuran ko siya at bigla naman siyang tumakbo palapit sakin.
=_______________=
"Uy. Kausapin mo naman ako oh." -Adrian
"Close tayo bigla?!" -Bulong ko.
"Cge na Miss. Please?"-Adrian
"BAKIT BA?!" -Sigaw ko. Kakabwesit kasi e. Ang kuliiiiiit! Pero imbis na magalit alam mo yung ginawa niya? Ngumiti ng abot tenga! o.O
"Haha. Sungit talaga! Kung di lang kita.. *asdfghjkl*" -Adrian
Ano daw? Kung di lang anooo? Pero di ko parin papalampasin na MASUNGIT daw ako. -.-
"Sino kaba ha? Kilala mo ba ako ha? Grabe ka manghusga! Hay GRABE! Bahala ka sa buhay mo malalate nako!" -Padabog kung sabi.
"Miss S, pasensya na.. Di na kasi *blahblahblahblah*"
Ewan ko di ko na manginig medyo malayo na kasi nilakad ko e. -__-
"Jen! Buti andito ka na! Oh? Anong nangyari sa muka mo na paramg nasagasaan ka ng tren papuntang Quezon? Haha" -Angela
"Ah wala. May nakita lang akong masamang unggoy."
"Anong unggoy? Asan?" -Angela
"Uhm. Wala. So ano na yung program ayos na ba lahat?" *smiles*
"Ayyy oo nga pala! Oo okay na lahat! Siguradong marami na namang titili mamaya! Dahil alam mo kung sino special guest natin? Yieee! Wait tatawagin ko.."
"Mr. Del Rosario.. Thank you so much for coming together with your group! And by the way I'm Angela and this is Jenessa." -Angela
He offers me his hand.. Ang ngiti ko ay bigla nawala. What the fork? Siya ang guest? at SPECIAL pa daw ha? Big word!
Hinala ni Angela ang kamay ko sabay shinake hands si Adrian na parang robot.
"It's nice to see you again, Miss S."
UNGGOY! UNGGOY! Kung di ka lang namin kailangan na sapak na kita! O di kaya pinakulam! Lakas kasi ng Hangiiiin!
"So magkakilala kayo?"-Angela
"Hin.."-Sabi ko kaso naunahan ako ni Adrian na may nakakaloko pang ngiti sabay sabing:
"Matagal na." -Adrian
Srsly?
"Oh. Kaya pala.. So moving on, magkano nga ba Talent Fee niyo Adrian?" -Angela
"About that.. Can I talk to you privately?" -Sabi niya na nakatingin pa sakin.
AT ABA? MAY PLANO PALA TONG LAKIHAN TALENT FEE NILA? KAPAAAAL. >.<
After 10 minutes bumalik na sila at ang LAKI ng ngiti ni Angela ha? As in MALAKI. So ibig sabihin? Di niya nilakihan Talent fee nila? Pumunta na sila Adrian sa backstage.
Lumapit sakin si Angela sabay bulong nang..
"Uyyy! Type ka nung Adrian ano?"
"Hoy Loka-loka! Hindi kaya."
"Talaga? Sekreto lang natin tu ha? Alam mo ba kung bakit ako kinausap ni Adrian kanina? Because they're dancing for free.. just for you."
"Wait whaaaaat?! Ayusin ko kwento mo Angela ha!"
"Well, di niya naman directly sinabi na 'JUST FOR YOU' pero sabi niya just for SOMEONE."
"Sabi ko na e. Mapepektusan ka sakin e."
"HAHAHA. Pero seriouly, alam mo ba na pinagbawalan silangbsumayaw for our party? Pero nag-insist siya?"
Wait. Nag-insist siya kahit mapapagalitan sila? At for free pa? Ano ba talaga? Ano ba Adrian. Ang dami mong misteryo. -___-
BINABASA MO ANG
CRUSH niya ako?
Teen FictionPsychologists Say "A Crush Only Lasts For 4 Months : When Feelings Last Longer You're Considered To Be "in Love". Paano kung 3 years kana pala niyang crush? Obviously, over 4 months na so L O V E ka na nga ba niya? ❤