Hanggang dun nalang. {Oneshot}

182 6 1
                                    

Naayos ko na. Prepare some tissues.

--

"Hindi na nga kasi!" Sigaw ko sa bestfriend ko. Si Kara.

"Pangilang beses mo na bang sinabi saking hindi mo na siya crush ha?" Sabay kuha ng chips ko. Nagmemeryenda kasi kami sa harap ng tindahan nila.

Hindi ko na crush si Sean. Kinuha niya sakin ang pinakaiingatan ko. Pero aksidente yun e. Lasing siya. Lasing ako.

Pano pag nagkaanak kami?

No. Hindi naman siguro. Isang beses lang naman yun e. Diba? Diba?

"Dupit ka ng dupit ng pagkain ko jan. Nagawa mo na ba yung assignment natin sa Math?" Natigilan siya sa pagnguya. See? Kilalang kilala ko to e.

"Kita nalang tayo bukas a!" Tumakbo na siya papuntang bahay nila. Hay Kara.

Nagstay muna ko sa tapat ng tindahan nila Kara. Nanonood ng mga batang naglalaro. Masaya.

Kung magkakaanak kaya kami? Magiging ganyan kaya siya kasaya?

Aish! Ano ba 'tong iniisip ko! Tsaka anong magkakaanak? Hindi. Aksidente lang yun.

Pero pano nga kung magkaroon? Ni hindi niya nga alam na may nangyari samin. Hay! What a life.

"O anak, uwi ka na. Nagluto ang kuya mo." May binili si mama sa tindahan. Kaya sumabay na ko sakanya umuwi.

**

"Goodmorning tita. Pabili nga po ng intermediate paper. Nasan nga po pala si Kara?" Tanong ko sa mommy ni Kara.

"Ito o. Ay nakung batang yun. Ayun, nasa eskwelahan na at mangongopya siya. Umiiyak kagabi dahil ang hirap daw. 15 pesos hija." Nagbigay ako ng 15 pesos. Si Kara talaga! Sabi ko sakanya magaral mabuti e.

"Kilala niyo naman po si Kara. Sige Tita, una na po ako." Ngumiti lang sakin si Tita at naglakad na ko.

Kinakabahan ako! Pano kung magkita kami ni Sean? Halaaa. Pero teka, ano naman?

Ng makarating ako sa school, as always maraming estudyanteng nasa hallway. Karaniwan nagdadaldalan, naghahalakhakan. Imbis na magaral.

Marami ring bumabati sakin at May nagbigay pa ng isang tsokolate sakin.

"Kara!" Siniko ko siya. Nangongopya kasi ng sagot e. Palibhasa maganda at maraming handang magpakopya sakanya.

"Oy, nandyan ka na pala. Ay nga pala, hinahanap ka ni Sean kanina. Pero gurl, parang nagaalala. Anyare ba kase?" Ayokong ikwento kay Kara ang nangyari. What for? E aksidente nga lang yun diba?

Teka? Hinahanap? Nagaalala? Hindi kaya naaalala niya na? Geez.

"Kopyahin mo nalang yan. Malapit ng dumating si Sir." Nagkibit balikat nalang siya at pinagpatuloy ang pangongopya.

Tinignan ko ang cellphone ko at may text si Sean. Magkita daw kami sa rooftop mamaya.

Ng makarating si Sir. Hindi ako halos nakinig. Nandito ako pero nasa rooftop scene agad ang isip ko. Ano kasing gagawin ko diba?

Saktong magbebell na ng tumayo agad ako. Naiwan ko si Kara at dumiretso sa Rooftop.

Face my fear.

"Hey," tumukod din ako sa railings at tinignan siya. Mukha siyang bothered.

"You like me. Don't you?" Bakit ang Gwapo ng accent niya? Aish! Ano ba to!

Teka? Pano niya nalaman?

"Hi-hindi a! Assuming ka." Tumingin ako sa baba. Ang daming Estudyante at higit sa lahat nakakalula.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 07, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hanggang doon nalang  {Oneshot}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon