Mahal, Bahala Na

1 0 0
                                    

Gusto kong ligawan ka.
Gusto kong ibaba yung pride ko kasi mahal kita.
Gusto kong ipakita sa buong mundo na hindi kami babae lang, hindi man ako ang magsisimula, ipapakita kong kaya kong magawa.
Kaya kong magawa na ipakita sayo,
Iparamdam sayo,
Ipagdiinan dyan sa utak mo
Na mahal kita.
Mahal kita kahit ganyan ka.
Mahal kita kahit madami akong kalaban pagdating sayo.
Mahal kita kahit ganto.
Kahit ganto tayo.
Ako.
Ganito ako, walang pag-asa para mahalin mo.
Ganito ako, na habang nakikita kang may kasamang iba, lalong tinitititgan ka pa.
Ganito ako na mataas ang pangarap,
Yung makasama ka.
Maging sa'tin ang isa't isa.
Na kahit sa panaginip, di ko maabot.
Kasi angdaming nakaharang na madali ka lang mahahablot.
Mahahablot sa hawak ko na wala namang higpit.
Walang higpit kasi wala naman akong kapit.
Kapit dyan sa puso mo kasi sino nga ba naman ako?
Wala akong karapatan, kasi wala namang tayo.
Walang tayo kasi anglayo layo mo.
Magkaibigan tayo pero ang layo mo.
E pano, hanggang kaibigan mo lang naman ako?
Pero kahit ganon, gusto ko tong ituloy.
Na kahit wala namang kasiguraduhan, gusto ko tong ituloy.
Kahit na mahirap, gusto kong ituloy.
Gusto kong ituloy kasi ilang bilyong beses kang mas mahalaga kesa sa mga bagay na pumipigil sakin para di ko to ituloy.
Mataas ka man pero patuloy lang sa pagdaloy.

Mahal kasi kita e.
Mahal kita kaya bahala na.
Bahala na,
mapahiya man,
masaktan man,
umiyak man,
bahala na.
Bahala na basta makasama lang kita.
Na kahit malabo, mahal kita kaya bahala na.
Kahit katiting na pag-asa, basta meron, bahala na.
Bahala na kasi mahal kita.
Bahala nang masaktan kasi mahal kita.
Bahala nang umiyak kasi mahal kita.
Mahal kita.
Mahal, mahal kita.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 28, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Shattered PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon