Pasko

79 2 0
                                    

Dahil malapit na ang Christmas , gumawa ako ng story , sana magustuhan !

- Yelo Ü

***

Nakakatanggap tayo ng mga regalo na gustong-gusto natin , at ang iba'y hindi natin inaasahan na regalo , tuwing pasko .

Tinanong mo ako kung ano ang gusto 'kong regalo sa darating na pasko ...

Balewala sakin ang mga materyal na bagay kung ako lang ang mapapasaya nito ...

Gusto ko pati ikaw magiging masaya ...

Kaya ang gusto ko ...

Ikaw . Bumalik ka na sakin .

Kung pwede pa .

***

JAXTON

Unang Pasko :  Pagkikita

" Kuya Jaxton ! Gising na . Andito na tayo ! " sigaw ni Jen habag niyuyugyog ako .

Napadilat ang isa kong mata , nakakandong siya sakin habang hawak-hawak ang kwelyo ko .

" Oo na , oo na . Bumaba ka na , ang bigat mo . " tamad 'kong utos .

Bumaba na siya at lumabas na nang kotse . Napasilip naman ako sa bintana , talaga palang maganda dito sa Puerto Prinsesa . Ang layo ng nilakbay namin , mula Manila papunta dito .

Bumaba na ako at nag-unat , kasabay ang paglanghap ng preskong hangin .

Sinuot ko agad ang headphone ko at naglakad patungo sa pamilya 'kong sinalubong ang aming mga lola't lolo .

" Buti naman nakarating kayo ng ligtas . " sabi ni lola Carmen sabay halik kay mama .

" Pasensya na , ma . Natagalan kami . " pagpasensya ni mama .

" Ok lang 'yon . Magsipasok na't makakain ! " masiglang pag-aya samin ni lola Carmen .

Hindi ako magsisising sumama , bukod sa maganda na ang lugar , maganda ang pagtutuluyan namin . Napaka laking mansyon , may pagkaluma , madamo , sa lakas ng hangin ay nagsisilaglagan ang mga malalaking dahon galing mga malalaking puno .

Pagpasok sa loob ay hindi ko maiwasang tumingala at magmasid sa bawat sulok ng bahay , malaki ang hagdanan na nakapalibot sa sala , walang telebisyon , tanging malalaking sofa at maliit na lamesa na babasagin . May mga malalaking litrato na nakapaskil sa dingding , at malalaking bintana .

Dinalhan kami ng mga kasambahay ng makakain at maiinom . Tanging ang magulang , kapatid na si Jen at mga lola't lolo lang andidito sa sala . Hindi naman ako mabibingi sa katahimikan dahil may pinaguusapan sila .

" Isa , anak , ang lalaki na ng mga anak mo , at binata na pala si Jaxton , noo'y batang paslit pa lamang siya . Diba Tonton ? " nakangiting sabi ni lolo Eloy .

Oo , dati rati'y Tonton ang tawag sakin , sapagkat ako'y bata pa nung mga panahon na 'yun .

" Oo nga , itay . Pero hindi na siya 'sing kulit nung bata pa siya , ngayo'y laging nag-iisa sa kaniyang silid . " sagot ni papa .

Narinig ko ang mahinang tawa ni Jen , alam 'kong natatawa siya sa palayaw ko noon . Nakakaramdam tuloy ako ng hiya .

" Iho , may nobya ka na ba ? " tanong ni lola Carmen .

Umiling ako , " wala po . "

" Hmm , hindi kaba interesado ? "

Nagkibit-balikat na lang ako at ininom ang isang basong tubig .

Pasko [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon