Crystal's POV
"Break time." sabi ni prof. Sabay sabay namang umalis ang mga kaklase namin. Kanya kanyang kasama. Magisa lang akong naglakad patungong canteen at bumili ng pagkain. Dumiretso ako sa roof top at nahiga. Magisa lang ako dito ngayon. Ipinikit ko na mata ko ng may narinig akong pamilyar na boses.
"Baka ako masuntok nyan."
"Eh baka masapak naman ako nyan."
"Ang babakla nyo!"
"Wag ka ngang sumigaw, maririnig nya tayo."
"Rinig na rinig ko kayo. wag na kayo mag tago, alam ko naman na nandyan kayo." sabi ko sakanila habang naka pikit.
"Hehe! Hi Crystal! Na miss ka namin!" sigaw ni Shane sabay takbo patungo sakin.
"Omy! Ang galing talaga ni bebe lab ko hehe!" sabi naman ni Charles.
"Ulol! Asa ka kay Crystal, wala yang gusto sayo." sabi naman ni Steeve.
" Tumigil nga kayo! Umiinit ulo ni Crystal sainyo eh." sigaw ni Claire sakanila. Saby sabay naman nila akong niyakap na parang walang bukas.
"Aray! Di nako maka hinga." reklamo ko sakanila.
"Namiss ka lang namin eh. Lumipat nga kami dito lahat para lang makasama ka tapos yan lang salubong mo samin?" mangiyak ngiyak na sabi ni Shane.
"Tss. Oo namiss ko rin kayo. Ayaw ko man kayong iwan sa Korea, wala akong magagawa command yun ni dad eh." paliwanag ko sakanila.
"Ayos lang basta kapalit non kiss." sabi sakin ni Charles sabay kindat.
"Ulol talaga tong Charles nato." bulong ni Shane pero rinig namin.
"May sinasabi ka?" tanong ni Charles kay Shane.
"Meron pero di ko na uulitin sa binging tulad mo!" sagot naman sakanya ni Shane.
"Grabe ka naman!" pagmamaktol ni Charles. Bangayan lang sila ng bangayan ng bigla akong kinausap ni Steeve.
"Alam na agad nila na naka balik na tayo dito sa Pilipinas." sabi nya sakin.
"Alam ko. Sinugod nga ako ng isang grupo kanina." sagot ko pero calmado lamang.
"Kaya nga kami nandito." tiningnan ko lang sya tapos ngumiti sya sakin.
"Tapos na ba kayo mag ngitian?" tanong samin ni Shane na may mapangasar na ngiti.
"Whatever Shane!" sigaw ko sakanya. Naglakad na kami papuntang classroom.
"Saan classroom mo Crystal?" tanong sakin ni Charles.
"4-A." maikli kong sagot.
"Ows parehas tayo Crys!" sigaw nanaman ni Shane.
"Lower your voice Shane." mahinahon kong sabi sakanya.
"Sorry Crys." sabi nya tapos nag peace sign. Naglakad na kami sa sarili naming mga classroom hinatid muna nila kami ni Shane sa classrooom. Naguluhan nga ako ba't kanina wala si Shane.
"Una na kami. Bye bebe labs!" sabi sakin ni Charles sabay kindat.
"Tss." yan nalang nasabi ko at tinungo ang upuan ko. Habang naglalakad ako nakita ko si Jaspher naka ngiti sakin tapos kinindatan ako. Buti at nasa pinaka likuran sya kaya ng pinakyuhan ko sya, sila lang ng kasama nya nakakita. Haha! Priceless yung mukha nya kanina. Haha!
"Uyy, si Crystal napatawa ng isang casanova." pag iinis sakin ni Shane.
"Tumigil ka nga dyan. Priceless kasi yung mukha nya kanina kung nakita mo lang. Pano mo pala nalaman na casanova yan? Tanong ko sakanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/88491412-288-k810291.jpg)
BINABASA MO ANG
The Cold Hearted Gangster
Teen FictionCrystal Anne Smith, anak ng isa sa pinaka maunlad na pamilya dito sa Pilipinas. Ngunit ng nawala ang kanyang ina, nagbago sya. Mula sa pagiging mabait, magalang, mapagmahal ay naging suplada, cold-hearted at isang gangster. Jaspher Mike Lee, isa rin...