My first ever one-shot story :) this is a CharDawn's fanfiction story! Hope you like it pengs♡After 25 years, they are still together. Ilang break-ups na ba ang pinagdaanan nila? Ilang cool-off ang napagdesisyon nila bago sila umabot sa 25 years? Halos limang taon din silang naghiwalay ngunit muli rin naman silang bumalik sa piling ng isa't-isa. Sadyang napakaliit ng mundo sa showbizness. Halos silang dalawa ang laman ng mga balita maparadyo, TV o dyaryo man. Marami ring nagkomento at bumatikos sa pagsasama nila ngunit marami rin naman ang sumuporta. Kaya naman ng magkabalikan sila after ten years ay marami ring natuwa kaya lang ay meron ding mga nagtaas ng kilay sa kanya. Marami siyang naririnig na mag-aaway din naman daw sila ulit pero bakit nagkabalikan pa. Meron pa ngang sinabihan siya ng malandi dahil habol daw siya ng habol kay Goma. Duh! Kung alam lang nila na eto ngang si Richard ang nagtetext at tumatawag sa akin noong maghiwalay kami. Inlove na inlove kaya sa akin noon si Goma, at syempre ganoon din naman ako sa kanya. Hihih
"Good morning love," napalingon naman ako sa lalaking nagmamay-ari ng aking puso. It's been 25 years and he still have an effects on me. Iba talaga siya ee.
Paglingon ko naman sa kanya ay agad naman niya akong hinalikan sa labi. It was a simple and magical kiss. Everytime he kissed me on my lips, it felt like that it was my first kiss. May dalang mahika kasi ang halik niya, you will fall for him all over again and again.
Nahampas ko naman siya sa braso ng maramdaman kong kinakagat na niya ang ibabang labi ko.
"Good morning too babe!" Bati ko rin sa kanya at tsaka ko ipinagpatuloy ang pagluluto ko.
"That was the sweetest good morning love." Bulong niya sa may kanang tainga ko.
"Hmp. Yan naman ang lagi mong sinasabi pagkatapos mong makahalik sakin eh. Sige na, ihanda mo na ang mesa dahil paluto na ito." Napatawa naman siya sa sinabi ko. Humalik muba siya sa pisngi ko bago niya inalis ang mga braso niyang nakapulupot sa aking bewang.
"Richard!" Gulat kong saway sa kanya ng maramdaman ko ang paghampas niya sa pwet ko. Hindi naman masakit kaya lamang ay narito kami sa kusina at maari kaming makita ng mga anak namin.
Narinig ko naman ang paghalakhak niya. Nilingon ko siya para sana pandilatan siya kaya lamang ay nakatalikod siya sa akin at kumukuha na siya ng mga baso. Ipinagpatuloy ko na lamang ang aking niluluto.
I looked at him when I heard him chuckled. My brows creased.
"What?" Tanong ko sa kanya at tsaka ko siya tinaasan ng kilay.
"Nanggigigil ako sa'yo." Matapos niyang sabihin iyon ay tumawa na naman siya. "Meron ka ba ngayon misis? Ba't ang sungit mo?" Nakangiti niyang tanong sa akin. Agad namang nanlaki ang mata ko sa kanya.
"Ewan ko sa'yo!" At tsaka ko siya tinalikuran at hinango na ang pinipirito ko. Kahit kailan talaga!
"Good morning everyone." Napalingon naman ako ng marinig ko ang boses ni Paris at Gab. Ang panganay at ang pangalawa naming anak. Sabay na naman siguro silang nagising. Paris Marie Gomez ang buong pangalan ng aming panganay. And there is a story behind her name. After kasi naming magkabalikan ni Richard 15 years ago ay niyaya niya ako sa Paris. Doon siya nagpropose sa akin at after proposal ay doon nabuo ang aming panganay. Tanda ko pa ang sinabi niya noon sa akin na "Tutal naman, umoo kana. Unahin na muna natin ang honeymoon bago ang kasal." Kahit kelan talaga. Pero pumayag naman ako syempre. Kaya nga nabuo si Paris diba! At ng malaman naming buntis ako noon kay Paris ng tatlong buwan ay minadali na niya ang kasal namin. Bukod daw sa gusto na niya agad akong makasama e ayaw daw naman niyang isilang ko si Paris ng hindi pa kami kasal. Kaya five months na noon ang tiyan ko ng maikasal kami. Pinangalan pa nga ng mga fans namin at ng mga taga media si Paris na The come back baby. Dahil after daw naming magkabalikan ay may blessings na agad. May nagkalat pa ngang hindi daw si Goma ang ama ng batang dinadala ko dahil kakapagbalikan pa lang daw namin e buntis na agad ako. Sinagot lang naman iyon ni Goma ng "Wala po tayong magagawa, sharp shooter ako e." At sa mismong interview pa niya iyon sinabi. At paglabas naman ni Paris ay talaga namang girl version siya ni Goma. Mula ulo hanggang paa, Goma na Goma. Kuko nga lang ata ang namana ni Paris sa akin e.