LAHAT PO AY AUTHOR'S POV
---------------------------------------------------
Unang araw ng klase. Bagama't tinatamad si sandy ay pilit niya parin bumangon. Sa totoo lang ay tinatamad siya dahil bagong school ang kanyang papasukan. mula nang mamatay sa aksidente ang kanyang papa ay lumipat sila ng mama at ng dalawa niyang kapatid na mas bata sa kanya sa isang mas maliit na paupahan sa pasay. Pumasok bilang accountant sa isang kompanya ang mama niya upang may maipatuntos sa kanila. ang papa lang kasi nila ang may trabaho noon bilang isang chef sa isang cruise ship na nagtratravel sa buong mundo kaya buwanan ito kung umuwi. Bagama't may naiwang pera ang papa nila bago ito biglaang mamatay itinabi niya pa rin iyon sa mama niya. Mag iipon daw ito upang makapagpatayo ng isang restaurant. Magaling din kasi itong magluto kagaya ng papa niya. Naiinis lamang siya sa mama niya na pumasok sa st. Bernard university dahil bukod sa private ang nasabing unibersidad ay may kalayuan iyon sa bago nilang tinitirahan kumpara sa isang branch ng university na pinapasukan niya noong nasa Laguna pa sila. Hati ang mama Niya at ang tita lorena niya, na kapatid nito, sa tution niya, kaya siguro naisip nalang ng mama niya sa nasabing unibersidad na lamang ito magaaral. Pero naiinis siya. ayaw na niyang pahirapan ito kaya Nais niya na sa public na unibersidad na lamang siya magaral ng ngunit nagtatalo lamang sila. Mas maganda daw na doon niya ipagpatuloy ang pagkuha niya ng journalism. Second year college na siya at namimiss niya ang mga kaklase niya sa dati niyang pinapasukan. Nagpasya kasi ang mama niya na lumipat sila dahil sa mga social climber na kapatid ng papa niya. Ingangkin ng mga ito and bahay at lupa nila. Bumuntong hininga siya bago bumangon sa kanyang kama. Dahil maliit na lamang ang kanilang inuupahan nilang bahay ay agad na tatambad and sala at kusina sa oras na lumabas siya ng kuwarto. Sandy, Dalian mo ang pagkilos. Baka malate ka, utos ni Loretta sa anak. Kasalukuyan sinusuklay ang sariling buhok ng sumunod Kay sandy na si Carina. Second year high school na ito ng ngunit dependent pa rin sa mama nila. Sa tabi naman nito any ang bunso na si Chloe, grade five. Nakasimangot siya nang umupo sa hapag-kainan. Nakapagbihis na ang Tatlo at handa nang umalis ang mga ito dahil alas syete ang pasok ng mga ito. Malapit lang sa kanila ang papasukan ng mga kapatid niya at idadaan na lamang ng mama niya ang dalawa. Sandy, mauuna na kami, ha. Iniwan ko ang baon at pamasahe mo sa tabi ng telepono, sabi ni Loretta sa anak. Tumango lamang siya at pinagmasdan hangang sa maisara na ang pinto. Agad siyang nagluwag ng kakainin niya. adobo ang ulam, tiyak na sinadya iyon ng mama niya bilang pampalubag-loob sa pagpilit sa kanya na magaral sa private university na iyon. Agad siyang naligo matapos kumain. Plantsadong-plantsado na ang bagong uniporme niya. Napatango siya nang makita ang desinyo ng uniporme. Mabuti at may taste ang nag disenyo ng mga journalism student sa private university na iyon. alas otso medya ang naka schedule na Pasok niya Pero alas syete medya pa lamang any naroon na siya sa tapat ng gate. Isinuot niya sa tenga ang headphones na nakasabit sa leeg niya at ini-on ang kanyang mp3 player. Deretso siyang naglakad papasol. Natulala siya sa ganda at ayos ng mga building at establishment nang makapasok na siya. Ang mama niya lang kasi ang nagenroll sa kanya. Bago niya pa malaman at nakaenroll na pala siya. Tumigil siya sa paglalakad at inilibot ang kanyang paningin madaming puno at may malalaking fountain sa banding kaliwa pagpasok sa gate. Malawak ang kabuunan at Malinis. Ibang-iba ang university na ito sa dati niyang pinapasukan.
BINABASA MO ANG
I Married The Ice King {BOOK 1}
Teen Fiction"Akin ka lang, ha? I'll give you everything."