*ONE SHOT STORY*
Part 1/2
Bigla na lang akong nagising ng maramdaman ko ang lamig...
Paglingon ko, nakalimutan ko na naman pala na nakabukas ang bintana ng kwarto ko magdamag..
Pipikit pikit pa akong bumangon para saraduhan ang bintana na nililipad lipad pa ng hangin ang manipis at may pagka satin kong kurtina..
Gusto ko kasi ang puti, bukod sa malinis tignan.. Nakakayaman ang datingan.. 😏
Matagal na rin akong hindi nakauwi dito..
Kung hindi pa mag aaraw ng mga patay ay hindi pa yata ako makakauwi o makakadalaw manlang.. Bata pa ako nang maulila sa mga magulang..
Solong anak pa ako..
Ang saklap noh? Kaya naisip ko na kung magkakapamilya ako dapat magkaroon kami ng maraming anak..."haaayssss ang sarap ng simoy ng hangin sa probinsya"
Habang naguunat at nakatanaw sa bintana na sabi ni Cherry..
Pupungas pungas pa siya ng bigla siyang matigilan ng mapansin niyang may isang matipunong lalaki ang nakatanaw sa kanya..
Nang mapansin nitong napatingin na rin siya sa kinatatayuan nito ay bigla na lang nitong binawi ang pagkakatingin sa kanya..
Nakita niya paitong papalayo kaya nagmamadali siyang bumaba..
Takang taka naman siya ng hindi na niya ito naabutan..."PSSSTT! MILO! wag ka ngang maingay... "
Saway niya sa alaga nilang aso na palaging tulog..
Maliban kay mang Segundo na matagal na nilang katiwala at sa asawa nitong si aling Purificasyon o mas kilala bilang manang Puri, ay siya na lang ang nakatira sa Mansion nila..
Gusto sana niya mamasyal ngayong araw, bukod sa ilang araw lang ang bakasyon niya ay gusto rin niyang makita ang mga pagbabago sa probinsya sa tagal niyang hindi napasyal dito..
Naisipan niyang yayain si Genelyn..Typing message..
CHE: Genelyn, tara mamasyal tayo?
GEN: totoo pa lang umuwi ka? Sige saan mo ba gusto mamasyal?
CHE: kahit saan... Dun sa mansion na lagi nating pinupuntahan noon? Tara puntahan ulit natin... 😊
GEN: ayoko doon, 'wag kang makalapit lapit sa mansion na iyon Che..
CHE: bakit naman? Ang ganda kaya ng lugar na 'yon, bukod tanging mansion yon sa lahat dito sa probinsya.. Yun nga lang kahit minsan hindi pa natin nakita o nakilala kung sino ang nakatira don..
GEN: Basta wag matigas ang ulo mo Che, bata pa tayo noon.. Pero ngayon ay marami ng hindi magandang balita ang kumakalat tungkol sa mansion na iyon..
CHE: LIKE?
GEN: tulad ng mga kadalagahan na kapag napapadpad sa mansion na iyon ay hindi na nakakabalik...
CHE: kalokohan.. Baka naman gawa gawa na naman iyan ng mga matatandang walang magawa sa lugar natin,.. 😂
GEN: hindi yon basta sabi sabi lang Cherry, wag kang matigas ang ulo mo..
Karamihan sa mga kadalagahang hindi na nakakabalik ay yung mga wala pang karanasan..
Hindi ka pa nagkaka boyfriend hindi ba?
CHE: hahah... Natawa naman ako, eh di ba ng anu kayo ni Lorenzo? 😏 hahah anu pang ikinakabahala mo? 😂
GEN: 😠😠 hay ewan nga sayo babae ka! Napaka tigas ng ulo mo!!
CHE: 😏 kung ayaw mo ako samahan ako na lang ang pupunta at mamasyal mag isa..
Mangangabayo ako, namiss ko ng sakyan si Miguelito 😊
GEN: bahala ka, basta ay pinaalalahanan kita.*END OF TEXT CONVERSATION*
Mas lalo tuloy siyang na- curious na puntahan ang dating mansion na palagi nilang pinapasyalan noon...
Naalala niya ang isang batang lalaki na palagi niya ring nakikita lang na nakatingin sa kanila ni Gen pero kahit minsan ay hindi pa niya nakausap.. Ang ipinagtataka niya ay bakit hindi siya matandaan ni Gen..
Nagbihis siya ng sira sirang pantalon..
Haha ang ibig ko sabihin ay yong uso ngayon na jeans.. Sinadya niyang butasan iyon dahil kaunti lang ang nadala niyang damit na pamalit.. Nakita niya lang iyon mula sa luma niyang mga damit na sa tingin niya ay matagal ng nakatago sa aparador niya..
Naka ilang pili na rin siya mula sa mga blouse niya pero sadyang puro bitin pala ang nadala niya 😊😂 mahilig kasi talaga siya magsuot ng bitin 😂 pagkaharap niya sa salamin ay naglagay siya ng kaunting powder at lipstick, sadya namang mahaba ang pilikmata niya kaya ini'curl na lang niya iyon ng bahagya..
Iyon daw ang asset niya, napaka ganda kasi ng mata niya na talaga namang nakakapang akit kung tumingin.. Nakaka hipnotismo nga raw sabi ng nakararami niyang mga kaibigan at ibang kakilala...
Hindi siya biniyayaan ng sobrang tangos na ilong pero tama lang naman para hindi masabing pango 😂
Ang mga labi niya na hindi naman kalakihan pero hindi rin naman manipis..
Mala Anne Curtis ganun 😏
Bata pa lamang siya ay mahaba at bagsak na ang kanyang buhok kung kaya nung magdalaga siya ay naisipan niya itong ipakulot.. Big curl 😊 mala Maria Mercedez ang datingan na mas lalong nagpaganda sa kanya, hindi niya masasabing simpleng babae lang siya..
Bukod sa napaka kikay niya ay napaka kulit din niya, palagi lang siyang masaya,nakatawa at parang walang problema o alalahaning dinadala..
Sabi ng Daddy niya ay namana niya ang ganong pag uugali niya sa kanyang mommy..
Maraming umaaligid sa kanya, at dahil nga angat din naman ang pamilya niya sa buhay ay sadyang may mga kaya at sinasabi rin naman sa buhay ang nanliligaw sa kanya..
Pero bakit nga ba hindi pa rin siya nagkaka boyfriend?
Nagsuot siya ng boots.. Pagkatapos ay pinuntahan ang kabayo niyang si Miguelito, si mang Segundo ang nagbigay nito sa kanya noong 18th birthday niya.. Para na rin kasing anak ang turing nito sa kanya, nang mamatay ang mga magulang niya ay pinamanahan rin ng mga ito ang pamilya nila Mang Segundo kapalit ng matapat na serbisyo ng mga ito sa pamilya nila..
YOU ARE READING
TRUST
RomancePosible bang magmahal ka ng taong kinamumuhian ng iba? LOVE IS BLIND? May ganon ba talaga? Sa pagbabalik ni Cherry sa kanilang probinsya, Muli niyang makikita si Aries, ang una at nag iisang lalaki na ngiti pa lang ay nagpapasaya na sa kanya...