1. Bangtan boys.
(A/N): Ok Guys. Medyo nakatutok sa story to kay Taehyung. Main character silang lahat pero si Taehyung talaga XD. Hindi ko na ata itutuloy yung Last Word XD. Kasi hindi ko na alam kung ano mangyayari dun.
Enjoy to read!Taehyung's POV
May naramdaman akong may sumisipa sa tagaliran ko. "Jungkukol ano ba." Pagmamaktol ko. Mas lalo pa niya nilakasan para mapalingon ako sa kanya.
"Taehyung. Umaga na. May pasok po tayo!" Sigaw niya sakin. Oo nga pala, lunes na pala ngayon.
Bumangon ako at umupo muna para magpahinga ng limang minuto. Nauna na si Jungkook maligo kaya hinihintay ko nalang siya. 4th year college na kaming lahat at pare-pareho lang kami na kinuhang course. Hindi talaga kami mapaghiwalay. Iisa lang din ang tinutuluyan namin, matagal na kami magkakilala. Napagdesisyunan na namin mag-aral dito sa Pilipinas kahit yung mga parents namin nasa Korea.
.
"Ano bro, Okay kana?" tanong ni RM sakin sabay inakbayan ako. Ok paba ako?
Hindi ko tuloy alam kung ano isasagot ko. Sabihin ko man na oo na okay ako pero alam ko na hindi din siya maniniwala.
"Mukhang hindi pa nga." Dagdag pa niya. "Mauna na kami ah. Hindi ka pala namin kaklase sa next class. Hintayin mo lang kami dito Taehyung ah." RM said. Tumango ako sa kanila.
Naiwan na naman ako mag-isa. Kahit kakahiwalay palang namin ni Yna, nakaramdaman ako ng miss sa kanya. Siguro nasanay lang ako na kasama ko siya palagi.
Pumili nalang ako na mapag-isa muna at umupo lang sa sulok, nilalahanghap ko yung simoy ng hangin. Bigla ako napaisip sa mga huling sinabi saki ni Yna. Pakiramdam ko kasi, parang may ibang ibig sabihin yun.
"Hi Taehyung!" Muntik nako mapatalon sa gulat dahil sa babaeng tumawag sa akin. "Oh sorry. Nagulat ata kita." Dagdag pa niya. Siya si Diana, ang babaeng pinakaayaw ko dahil naasar na ko sa kanya dahil lagi siyang nakabuntot sakin. Hindi ko alam kung bakit.
Tinignan ko siya ng masama at tumabi siya sakin kaya medyo humiwalay ako sa kanya. Loyal parin ako kay Yna dahil mahal na mahal ko parin siya.
"Ang sungit mo naman. Parang tinalo mo pako na may dalaw." She said. Napatingin ako sa kanya.
"Wala akong pake kung meron ka. Hindi ko tinatanong Diana. Tyaka please huwag mo muna ako kulitin. Lumayo ka muna sakin." I said. Bigla siya sumimangot. Umalis nalang ako doon.
.
Ang sakit sa ulo talaga yung math. Pakiramdam ko bumabaliktad nayung utak ko. Pero kaya ko pa naman. Kelangan ko makatapos ng pag-aaral.
Buti nalang tumunog yung bell, ang matagal konang hinihintay.
"Taehyung, may praktis pala tayo mamaya sa Dance Club, sabihin mo yung mga katropa mo." Clark said. Siya din ang isa sa mga kaibigan ko. Tumango nalang ako sa kanya. At inayos na uli ang gamit ko.
Naglakad kami papunta lahat sa theater para magpractice. Napatigil kaming lahat dahil may humarang sa amin.
Ok again in again, away na toh.
"Andito pala ang mga bangtan boys." Sabi ng leader ng grupo nila Mark. Wala pang pangalan yung grupo nila hindi ko din alam kung bakit. Pinakaiinisan namin silang lahat kasi sila lagi yung nangunguna pagdating sa away.
"Kita mo naman diba?" Sarcastic na sagot ni RM. Lumapit sa amin si Mark. Lalapit din sana si RM pero pinigilan siya ni Jungkook.
May binulong si Mark pero hindi namin masyado narinig. Pagkatapos non tuluyan na nga silang umalis.
"Hyung? Ano yung binulong niya sayo?"tanong ni Jungkook.
"Wala. Wala iyon. Walang kwenta."seryoso niyang sabi sabay walk out. Nagtinginan kaming lahat parang naging seryoso ata si RM ngayon.
.
Nang matapos na kaming magpractice para sa Dance Club. Lumabas kaming lahat pero naiwan ako dahil bigla ko naalala na may nakalimutan pa pala ako. Bumalik ako sa loob para kunin iyon pero nung pagkalabas ko na gulat ako dahil, "Yna?"
TO BE CONTINUED.
YOU ARE READING
NEVER GIVE UP [Starring: Bangtan Boys] (ONGOING)
Teen FictionIt's about friendship and how to strong your relationship with.